Shut Up or Else I'll Kiss You.

542 10 8
                                    

Introduction

Lahat tayo, naghahanap ng 'the right one'...

Yung tipong mapapasabi ka na lang ng 'Syet! Mahal ko na siya. Gusto ko na siyang pakasalan' Ika nga ni Rancho sa The 3 idiots, kapag nakita mo siya, may maririnig kang music. Magkakaroon ng slow motion effect. Liliparin pa ang scarf mo. May gigantic moon pa.

Pero yun ba naramdaman ko? AGGH! Parang hindi naman!

Ang tadhana nga naman 'no? Mapagbiro. Magbiro na lahat huwag lang 'to. Kahit korni tanggapin mo na, tawanan mo na. Pero ang tadhana kapag nagbiro, matatawanan mo ba? HINDI.

Matutuwa ka kung nahanap mo na ang para sa 'yo, swerte mo. Yung iba, pinatulan na lahat, pero wala. NGANGA lang. Naging girlfriend na ng bayan, wala pa ring napala.

 Eh ako? Walanjo. Akala ko nga siya na pero anyareh? Kruu kruu. >:(

GAGO YUNG EX KO! GAGO! Mahuli huli ko na lang, may kahalikang babae. 

Sabi niya sa akin, ako lang? Mamamatay siya kapag nawala ako.

Tinry kong mawala, pero nakita ko siya, buhay pa rin. Gagong yun! Mga lalaki talaga! Mga manloloko!

Ginagawang garden ang bunganga sa pagiging mabulaklak ng pananalita. Pero kapag nandun na sa point na yun, asan na mga pinagsasabi nila nung nililigawan nila ang babae? WALA!

Hindi totoo yung sinabi ni Rancho! May exemption! At kabilang ako dun!

Yung melodic music na narinig ko noon, naging heavy metal music na ngayon! Rock 'n roll! WILD!

***********

"GEORGE! WTH!? ANG LAKAS MO MAGPATUGTOG, LESHE KA! BINGE KA NA BA HA? NAKAEARPHONES KA NA'T LAHAT PERO NARIRINIG KO PA RIN!"

"ANO???"

"WALA, KAKO, ANG GANDA MO."

"Pshhh."

Georgina Avira Lacson...

Binigyan ako ng magulang ko ng pangalang kaaayawan ko...

:(((

Ito na naman ako, naaalala ko na naman siya! Ano ba?! :(

*breathe in, breath out*

I removed my earphones and faced my best friend.

"Mira..."

"Mmm? Himala, tinanggal mo earphones mo! Yan na ata best friend mo eh, hindi na ako. Huhu"

*paaaaak*

"Ouch! That hurts! You're really mean, George! What happened to my best friend? Masamang ispirito! Lumayas ka sa katawan ng kaibigan ko!" at nagkunwaring umiyak. Luka.

"Manahimik ka nga. Psh. Ikaw at ang music na lang ang natira sa akin bukod sa family ko. Hindi kita ipagpapalit sa iba." I managed to smile.

"Simula nung nagbreak kayo nung u*ol na yun, lagi ka na lang pilit ngumiti. Hindi ako sanay. Gusto ko na ulit marinig yung halakhak mo. Sana dumating na ang lalaking magpapalimot sa ginawang katarantaduhan ng dimonyo mong ex."

Dimonyong ex. Ha! Satanas..

Speaking of the stupid devil! Ayun siya, dumaan sa harap namin. Nagkatinginan kaming dalawa at napasimangot siya nung makita niya si Mira.

Nandito kami ngayon sa canteen. Kasama ko si Mira. Ang best friend ko.

Siya lang naniwala sa kinwento ko. Matagal na raw niyang nararamdaman na lolokohin lang ako ni Kenn.

Mga kaibigan ko naman dati? Si Kenn ang kinampihan kasi akala nagjojoke lang ako at sinisiraan ko lang siya. Pinilit nila ako dati na makinig sa paliwanag ni Kenn pero ayaw ko. Nasaktan ako ng sobra.

"Parang hindi tayo kilala?" panggagalaiti ni Mira nung nakita si Kenn "Tas yang mga kaibigan natin DATI, parang walang pinagsamahan eh! AHHHHH!"

Bakit ganun? Akala ko wala na akong nararamdaman pero bakit may kumabog na naman sa dibdib ko? Lalo na nung nagkatinginan kami :(

M--may feelings pa rin ako para sa kanya? Makalipas ang mahigit isang linggo simula nung mahuli ko siyang may kahalikan, akala ko wala na. Akala ko lang pala...

MAHAL KO PA RIN PALA SIYA <///3

-----------------------------------

(A/N Hello! Hihi. Intro pa lang naman. Pangit ba? Sagot naman. Hehe. Kaantok eh. December 07,2012 Yie beybah! Friday. Bukas ko na aayusin. Hihi :"> )

Shut Up or Else I'll Kiss You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon