A/N: May contain bad words. Mahilig mag-mura author n'yo. Sorry.
"Hes! Hes! Wake up for Pete's sake!"
"W-wha? What? Why?" Pupungas-pungas na tanong ni Hestia nang bumangon siya.
"Andito boyfriend mo!" Saad ni Elle na siyang nakapag palaki ng mata ni Hestia.
"Gago? Legit ba 'yan?!" Gulantang na tanong ni Hestia habang inaayos ang sarili niya.
"Oo, kaya dalian mo. Nasa salas siya!" Pagmamadali pa lalo sa kanya ni Elle.
Napatigil naman si Hestia sa pag-aayos sa harap ng salamin. "Tangina mo, wala naman akong boyfriend eh."
"Alam ko 'te! Si Leuxe lang 'yung nasa salas, hanap ka." Natatawang saad ni Elle.
"Heh! Ewan ko sa'yo. 'Di ka nakakatuwa." Pagma-maldita ni Hestia at lumabas na ng kwarto niya.
Agad niya namang nadatnan si Leuxe na prenteng nanonood sa Netflix ng 'Kimi No Nawa'.
"Kapal ng mukha, ah? Nagbabayad ka, sis?" Pagtataray ni Hestia at umupo sa tabi ni Leuxe. "Anong kailangan mo at napapunta ka dito?" She added.
"Ah, imbitahin ko sana kayo ni Elle sa opening ng café ko." Leuxe said and paused the movie.
"Oh, ano gagawin namin doon?"
"Lalangoy. Try mo lumangoy sa café." Pamimilosopo naman ni Leuxe sa kanya.
"Gago." Mura sa kanya ni Hestia.
" 'To naman! Syempre gusto ko nandoon 'yung mga kaibigan ko kapag nag-open ako ng shop ko."
"Oh, inumin." Alok ni Elle at inilapag ang tray ng mga tasa sa center table.
"Ano ba 'yan, Hes? Energen? Grade three ka ba?" Sita sa kanya ni Leuxe.
"Pake mo? Inaantok kaya ako kapag kape." Sabi ni Hestia at humigop sa inumin n'ya. "Sasama mo pa si Elle, may acidity nga 'yan."
"Hindi naman porket café eh puro kape na." Sabat ni Elle kay Hestia.
"Kailan ba 'yon?" Tanong ni Hestia.
"Sa Sabado." Mabilis na sagot ni Leuxe. "Aray ko, putangina. Ang init." Saad ni Leuxe nang mapaso ang dila niya.
"Tanga."
"Bobo."
Halos sabay na sambit ni Elle at Hestia.
"Ay, hala! Sabi mo gusto mo lahat ng kaibigan mo, andon. 'Di ba?" pag-uulit ni Elle. Tumango naman bilang sagot si Leuxe.
"Eh di...ibig sabihin andon din si ano."
"Sinong ano?" Tanong naman ni Hestia.
" 'Yung ano mo! Si ano!"
"Sige, may maiintindihan ako sa puro 'ano' mo. Diretsuhin mo na kasi!" Singhal ni Hestia.
"Ah, oo. Nandon." Ani Leuxe.
"Bitch, si ano!"
"Putangina, sige. Puro kayo si ano." Iritadong saad ni Hestia.
"Si an--" Napatigil si Elle nang makarinig sila ng kalabog sa labas ng unit nila. Agad naman silang tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng unit si Hestia.
Nang sumilip sa peep hole si Hestia ay nakita niya ang isang lalaki at naka kalat ang kung ano-anong papel, binder at folders nito sa sahig. Binuksan naman agad ni Hestia ang pinto para tulungan ang lalaki.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Hestia habang pinupulot ang ang mga papel na nagkalat.
"Ah, yes. Thank you for helping me, Miss..."
"Kyle?" Hindi makapaniwalang saad ni Hestia nang magtama ang mga mata nila.
"Katherine--" Magsasalita pa lang muli sana si Kyle nang ilapag ni Hestia ang mga papeles sa sahig at muling pumasok sa unit niya.
"Lobes, sino 'yon?" Takang tanong ni Elle nang makapasok si Hestia sa unit.
"W-wala. Personnel yata, natalisod." Nauutal na sambit nito.
" 'O, Kyle. Napatawag ka?" Sabay namang napalingon si Elle at Hestia sa direksyon ni Leuxe.
"Ha? Nakalipat ka na?....Nakita mo si Kath? Sinong Kath?....Ah! 'Yung ex mong punggok!" Pasimpleng pangi insulto ni Leuxe kay Hestia.
"Asan ako? Nasa unit n'ya, why?.....Sige, sa Saturday ha? 'Wag mong kalimutan." Pagtatapos ni Leuxe ng tawag ng may ngiti sa labi.
"Lipat? 'Di ba taga-Mandaluyong 'yan? Ano ginagawa n'yan dito?" Pangi-interrogate ni Elle.
"Kapag nag bar hopping kami. Pake mo?" Tanong pabalik ni Leuxe.
"Bakit dito?" Dagdag na tanong pa ni Elle.
"Kasi ito 'ying nirecommend ko."
"Anong unit n'ya?" Tanong ko.
"Ayoko sabihin. Baka gapangin mo pa si Kyle."
"Gago! Ang kapal ng apog ng mga 'to." Naiinis na sambit ni Hestia.
"Joke lang! Anong unit ulit kayo?"
"20401." Sabay na sambit ni Hestia at Elle.
"20402."
'Fvck.'
YOU ARE READING
Forbidden
RandomWe are sometimes....forbidden to get something that we realy want. -Hitocakes