update story 1

27 4 2
                                    

“bakit parang ang lalim ata ng iniisip ng anak ko  at kay aga-aga e ang tahimik.  May problema ba sa school? Di kaba naka tulog ng maayos o masama pakiramdam mo?”  Nag aalalang napaupo ito sa tabi ko.  Napangiti ako  ng agad nitong hinawakan ang mga kamay ko.

“wala po ma okay lang po ako wag kayo mag alala.  Salamat po.”

“oh ? at para san naman yang salamat na yan?

“kasi po kayo ang naging magulang ko. At lagi kayong naandiyan  sa tabi ko sa tuwing napanghihinaan na ako ng luob o sa tuwing pakiramdam ko wala ng pag asa.”  Di ko napigilan ang agad na pag patak ng mga luha sa mata ko. Agad kong nakita ang mga ngiting sumilay mula sa mga labi niya.

“para samin ng papa mo sapat na ang makita ka naming masaya. Kami ang dapat na mag pasalamat dahil ikaw ang binigay samin. Basta lagi mo lang ipangako samin ng papa mo ano man o ganu man kahirap ang pinag dadaanan mo o pag dadaanan mo pa wag na wag mong kakalimutan na laging ngumiti at laging  mag pakatatag.Wag na wag kang mawawalan ng pag asa.Lagi lang kami naandito para sayo sila uncle Jeremy at tita rea mo. Nag da drama na naman tayong dalawa wag kana magi sip ng kung ano okay? Mauna na ako bumaba sumunod kana at kakain na tayo linggo ngayon at mag sisimba tayo.”

Nang dahil sa kanila nabibigyan halaga at dahilan ang natitirang sandali ko sa mundong to kung san sa ngayon ang tanging alam ko lang ay wala pang kasiguradohan. Nakaraang taon ng malaman naming nasa stage 2 ako ng brain cancer.  Kasabay din nun ang biglaang pag hinto at pag tanggap ko ng  sulat mula kay louie na siyang dahilan ng  pag kawala ng tuluyan ng communication naming dalawa sa isat-isa.  Lagi ko iniisip mula ng araw na malaman kong may ganun akong sakit,  siguro nga lahat ng bagay sa mundong to may dahilan.

  At  sa bawat sandaling iniisip ko ang dahilang yun siya ring paulit-ulit na tanong sa isipan ko. “bakit ako? Bakit kaylangan ako pa?”  kasunod ng paulit-ulit na tanong na yun ang luhang di ko alam kung kaylan hihinto.  Ang takot sa luob kong madalas at paunti-unting nawawalan ng pag asa na sa bawat araw na dumadaan at dadaan pa.

Kinuha ko ang picture frame na kuha naming dalawa ni louie kung san kuha bago siya tuluyang umalis ng bahay amponan papuntang America  9years ago.  Na nakalagay sa gilid ng kama kung san lagi ko tinitignan bago matulog at pag gising sa umaga at sa tuwing dumadating ang mga sandaling tulad nitong nalulungkot at marami akong iniisip.

Natatakot ako hindi dahil sa bawat araw na dumadaang lumalala ang sakit ko , Kundi sa bawat araw na dumadaang hindi ko pa rin siya nakikita.  At lumilipas ang mga araw ng higit pa sa inaasahan at inaakala ko.

Precious Tears(ONGOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon