1: Nabuking Dahil sa Spelling

18 0 0
                                    

NOTE: ANG GAMIT NA PANGALAN NG MGA CHARACTERS DITO AY TOTOO. GAGAWIN KASO NAMIN TONG FILM. PARANG PERFORMANCE TASK NAMIN TO SA HEALTH. HAHA. NAPAGKATUWAAN KO LANG. MEDYO INIBA KO RIN ANG DIALOUGES PARA UMAYOS NAMAN TO KAHIT PANO. PARA MAGING PRESENTABLE BA. XD GE SALAMAT.

Katatapos lang ng 3rd periodical exam sa Academia de Romulo last week. Biglaan namang nag announce ang MAPEH teacher ng mga 4th year na may quiz sa health. Sa friday na yon at wednesday na ngayon. Bilang mababait na estudyante, nag-aral agad ang magkakabarkadang sina Darwin Carlo Bauyon, Albert Paul Lat, at Roel Jasper Lorzano. Famous sila sa school nila pero syempre, humble sila.

Si Darwin ay isang varsity player. Magaling sya mag basketball. Gwapo sya at hinahangaan. Madali niyang nababalance ang studies nya at ang basketball. Matangkad. Makulit pero seryoso. Anak sya ng isa pang MAPEH teacher sa kanilang paaralan.

Si Paul, madalas tawagin sa apelyido nyang LAT. Siguro ay dahil mas madali itong bigkasin at tatatlong letra lamang. Varsity player. Gwapo. Hinahangaan. Mabait. Na-broken hearted yan sa huli nyang girlfriend kaya medyo napabayaan nya ang pagbabasketball at pag-aaral nya. Bumawi naman sya agad. Matangkad din si Paul. Serious type pero nagbibiro rin.

Si Jasper, matalino. di sya varsity. Gwapo sya at madaming nagkakagusto dito. Mabait. Magalang. Madali syang makipag close sa ibang tao. May pagka corny at minsan kung bumanat ay nasa seryosong tono na kahit hindi nakakatawa ay matatawa ka dahil sa expression ng mukha nya.

"Ano ba yan. Di ko masaulo ng ayos. Muntae yung spelling." Wika ni Darwin habang nagbabasa ng libro. Ayaw na ayaw nya sa topic nila sa health kaya di niya ito pinag tutuunan ng pansin. Sinara nya ang libro at umub-ob.

"Awashiwashi bish bish bish psh tshh kashashaki...." pagbabasa ni Paul sa libro. Mahina ang pagbabasa nito kaya di mo marinig kung ano bang sinasabi nya. Parang bubuyog. -_- tungkol sa drugs ang topic nila sa health. Kung pano iwasan, anong maidudulot nito, advantage at disadvantage, at syempre kung saan nagsimula ito.

"Ala Darwin. Ano to? Yung english sa shabu?" Tanong ni Paul.

Tumunghay at umupo ng ayos si Darwin. "Cannabis. C-A-N-A-B-I-S."

"Ah." Matipid na sagot ni Paul.

Lumapit ni Dann, kaklase nila, at hiniram ang libro ni Darwin.

"Tol, peram muna." Dann.

"Sige. Tapos na naman ako mag-aral." Darwin.

"Salamat." Dann.

Lumapit naman ang kababata ni Paul na si Shierlly.

"LAAAAAT! Peram libro?"

Dahil kababata nya at babae iyon, ay pinahiram nya ito ng libro kahit labag sa loob nya. Alangang di lumabag sa loob nya eh di pa sya tapos mag aral. Aba?

Matapos nun ay naalala ni Paul ang spelling ni Darwin sa cannabis.

"Nga pala bro, double N ang cannabis." Paul

"Isa lang yun. Ako unang nakabasa ha." Darwin.

"Double N yun pare. Trust me." Paul

"Ala. Sinabi nang Single N yun!" D.

"Hindi! Double N nga sabi!" P.

Sa di kalayuan ay paparating na si Jasper na galing sa CR. May dalang libro at Napapakinggan nya ang pagtatalo ng dalawa nyang kaibigan. "Ano naman kayang pinag-uusapan ng mga yun?" Bulong nya sa sarili. At nilapitan ang dalawa.

"Ang kulit mo! Isang N lang nga!" Sigaw ni Darwin.

"Oy. Kayong dalawa. Anong pinaguusapan nyo?" Seryosong tanong ni Jasper.

"Yung spelling ng word na shabu in english. May quiz sa friday diba?" Sabi ni Darwin

"Di ko alam na may quiz. Pambihira. Buti nalang nag advance study ako sa health. Ampangit ng topic. About drugs" sabi ni Jasper at humila ito ng upuan na ipinuwesto nya sa harap ng dalawa.

"Edi wow. Nagmamalihi pa eh. Varsity kami kaya di kami nakapag advance reading." Pagtatanggol ni Paul sa sarili at kay Darwin.

"Oo nga. Pero single N ang cannabis." Sabi ni Darwin na may pagka-kampante sa sarili.

Sumagot si Jasper. "Cannabis? A---"

"DOUBLE N YUN DIBA!?" Pagpuputol ni Paul na ikinainis ni Darwin.

"Single lang!"

"Double!"

"Single sabi!"

"Double yun!" Sabi ni Paul sa mukha ni Darwin. Tapos bumaling sya kay Jasper. "Diba?"

"Te----" naputol na naman ang sasabihin ni Jasper sa sigaw ng dalawa. Tsk tsk. Kaawa awa naman.

"ANOO?!!" Mariin na sigaw nina Paul at Darwin.

Nagbuntong hininga si Jasper. Di nya lubos akalain na hanggang ngayon, para paring bata sina Paul.

"Chill lang kase. -_-" sabi ni Jasper.

Pero makulit si Darwin. Tinapik nya sa balikat si Paul at sinabing, "pre, single talaga yun."

Para matigil ang dalawa ay binuklat ni Jasper ang libro nya. Hinanap nya ang spelling ng pinag-aawayang salita nina Paul at Darwin.

"No! It's Double N!" Balik ni Paul kay Darwin.

"SHATTAP! MGA BWISET!" Narindi na talaga si Jasper. Halata. Pero sa halip na matinag ang dalawa, aba'y sumigaw din!

"ANOO!?"

  Jusko. Sambit ni Jasper sa sarili.

"Diba sabi ko chill lang? Eto yung spelling," pinakita nya ang libro sa dalawa "Kita nyo na?"

"Oo. May mata kami e." Sabi ni Paul. Napa-face palm naman daw dun si Jasper.

  Tsk tsk. Mga kaibigan ko talaga. -jasper

"I Told 'ya Darwin. Double yon" tapos binelatan ni Paul si Darwin.

"Oo na. Hindi pala single." Sabi ni Darwin. "Si Angela kaya? Single kaya yun?" Bulong ni Darwin sa sarili pero napa kinggan nina Jasper.

"ANGELA? Ikaw haa" pang-aasar ni Jasper. Namula si Darwin dahil sa hiya...

LOVE or ADDICTION?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon