2: Pag-amin Tungkol kay Krass

12 0 0
                                    

"ANGELA? Ikaw haa"

Inasar nina Jasper at Paul si Darwin. Nahihiya na si Darwin kasi ang lalakas ng boses ng mga kaibigan nya. Baka mapakinggan nung Crush nya. Hihi.

"Uy! Uy! Wag kayong maingay! Shh! Uy!" Pananaway ni Darwin. Habang sinusuway nya ang dalawa, tinitingnan nya si Angela na noon ay medyo malayo. Ba. Nakakahiya rin kaya pag napakinggan nya yun.

"HAHAHAHAHA! Korni pala mag-isip ang isang Darwin Carlo Bauyon! Hahaha grabe! Whoooo!" Malakas na pagkakasabi ni Jasper sabay batok kay Darwin.

"HAHAHAHHAHAHAA" utas na si Paul. Kunyare di nyo alam haa? XD

"Aray! Di masakit ha!" Reklamo ni Darwin na may halong pagka-sarcastic.

"Isa pa?" Maluha luha na ang mata ni Jasper dahil sa katatawa. Akmang babatukan ulit nya si Darwin nang...

"HALA SIGE SUBUKAN MO!" pagbabanta ni Darwin na mas ikinatawa nina Paul at Jasper.

"Hahaha. Sya tama na. Tumigil na kayo. Pagsalitain nyo naman ako oh? Pinatawa nyo lang ako nang pinatawa eh. Wawa naman ako." Sambit ni Paul na parang nagbabata bataan.

Nag poker face sina Darwin. Mukha kaseng bakla si Paul pag ginagawa nya yun.

"Ano bang sasabihin mo?" Sabi ni Darwin. At dahil hindi malihim si Paul sa barkada ay inamin nya...

"May crush din ako eh" nahihiyang sabi ni Paul habang nagkakamot ng ulo.

Naintriga si Jasper. "SINO?"

"Ayun oh." Tumuro sa malayo. "Si Kristel." Halos pabulong na nyang sinabi.

"Yiee! Tae si Paul inlaaaaab na ulit! HAHAHAHA!" Pang aasar ni Darwin.

Inasar lang nang inasar nina Darwin at Jasper si Paul hanggang may napagtanto si Paul. (Napagtanto? Pagkakalalim!:D)

"Teka naman! Hindi Naman ata patas kung ako lang ang aasarin nyo?" Sabi ni Paul with matching Mapang-asar na ngiti kay Jasper.

"Oh? Bat genan ka makatingin? Natatae ka na?" Jasper.

"Ay hanep. Di makaramdam. -_-" Paul.

"Pa-manhid effect. Karume!" Darwin.

"A-ANO BA?" Sabi ni Jasper na parang nahihiya pang Umamin.

"Sino ho kasi ang iyoooo?" Pasigaw na sabi nang dalawa nyang kasama.

"Hinay hinay. Nahihiya ako!" Sabay talikod ni Jasper tapos kamot sa ulo. "Tyaka na pag ready na'ko." Seryoso ang tono ng boses nya. Nang bigla syang humarap sa dalawang kaibigan at......

"JOKE LANG! PARA NAMANG MATITIIS KO KAYOOO! ^_^" tapos lumapit ulit sya sa dalawa at inakbayan.

"Iyo si Kristel?" Jasper.

"Oo. Wag mong aagawin. -_-" Paul.

"Sinabi ko ba!? Nagtanong lang eh." Baling kay Darwin. "Iyo si Angela?"

"Yep. No other than her." Darwin. Tapos parang may heart ung mata nya. Iimagine nyo nalang. XD

"Well then, Ang crush ko ay sii.. *kamot ulo* RS."

LOVE or ADDICTION?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon