Di ko nais isipin puso mo'y nagbago na
Kahit napapansin ko tila nag-iba ka
Ngiti ng iyong mga labi, nais kong makita
Sulyap ng 'yong mga mata, hinahanap sa tuwina.Marahil nga, nagbago ka na
Puso mo'y nag-iba na
Pag-ibig natin ay naglaho na
Dahil di na natin ito nadarama.Saan man ako magpunta
Lagi kong makikita
Ngiti ng iyong mga labi
Sulyap ng 'yong mga mataKahit magkalayo
Lagi kang maalala ng aking puso
Dahil minsan tayo'y pinagtagpo
At umibig ang ating mga puso