Sirang Aguhon

34 5 0
                                    

SAAN ka na naman nagpunta, Cornelia?!” pasigaw na tanong ni Ambrosio sa kaniyang asawa na kararating lamang. Umupo naman si Cornelia sa upuan na gawa sa kawayan na tila walang nangyayaring alitan.

“Wala kang pakialam kung saan ako nagpunta,” tugon ng kaniyang asawa kaya mas nag-init ang kaniyang ulo. Namula pa ang mukha ni Ambrosio dahil sag alit.

“Alam ko, nakipaglaro ka nanaman ng mahjong sa mga kaibigan mo!” bulyaw niya at sabay turo pa kay Cornelia.

“Eh ikaw? Pumunta ka na naman sa bahay ng kabit mo, 'di ba?” sumbat naman ni Cornelia at tinaasan ng kilay ang asawa.

“Laging mahjong na lang ang inaatupag mo! Wala ka ng oras para sa mga anak mo!” galit na galit na wika ni Ambrosio. Umalingawngaw pa sa bawat sulok ng bahay nila ang kaniyang boses.

“Huwag kang magsalita na parang may oras ka para sa mga anak mo dahil lagi kang nasa kabit mo!” inis na sabi ni Cornelia at napatayo.

“Tumigil ka, Cornelia!”

“Ni hindi mo nga alam na hindi na pumapasok si Valeria sa eskuwelahan! Oo nga pala, nakatanggap ako ng sulat mula sa assistant principal. Gusto niya tayong makausap tungkol kay Valeria,” wika naman ni Cornelia at padabog na ibinigay ang sulat kay Ambrosio na agad niya namang kinusot. Nalaglag sa sahig ang kusot na papel na natapakan pa niya.

“Kasalanan mo ito. Tanggapin mo na lang ang katotohanang wala kang kwentang ina!” litanya ni Ambrosio. Ang malalakas na sigawan nilang dalawa ay dinig na dinig na ng mga kapitbahay nila. Tila hindi pa sila nahihiya sa ginagawa nila.

“Kasalanan ko, Ambrosio? Ginagawa mo ba ang responsibilidad mo bilang ama? Naging mabuting ama ka ba sa mga anak natin?” sunud-sunod na tanong ni Cornelia.

“Ako ang nagtatrabaho kaya responsibilidad mong alagaan ang mga anak natin!”

“Ang sabihin mo, iresponsableng ama ka!” sigaw ni Cornelia. Nagpanting ang mga tenga ni Ambrosio kaya akma niyang sasampalin ang asawa ngunit inawat sila ng panganay na anak na si Mariette.

“Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili niyo? Naririning ng mga kapitbahay ang pagtatalo—”

Hindi na naituloy ni Mariette ang kaniyang litanya sa mga magulang nang dumapo nang malakas sa kaniyang pisngi ang palad ng kaniyang ina.

“Ayusin mo ang pagsasalita mo! Anak ka lang namin!” galit na sabi ng ina niya sa kaniya kaya nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata.

“Bakit hindi na lang kayo magpatayan?” inis na sabi ni Mariette at akmang aalis ngunit marahas na hinigit ng kaniyang ina ang kaniyang braso.

“Pabayaan mo na siya, Cornelia!” panunuway ni Ambrosio kaya tuluyang nakaalis si Mariette.

Dahil dito, mas nagalit si Cornelia. Araw-araw ay gano’n ang pangyayari sa bahay ng mga Ocampo. Palaging nagbabangayan ang mag-asaw kaya ang tatlong anak nila ang naiipit. Lalo na ang panganay na si Mariette.

---

ANONG nangyari sa’yo, Mariette?” tanong ni Anselmo sa kaniyang kaibigan nang makita niya itong umiiyak sa park.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Palagi na lang nag-aaway ang mga magulang ko. Ang gusto ko lang naman ay kumpleto at masayang pamilya! Nalalapit nanamang magtapos ang taon pero hanggang ngayon gano’n pa rin ang sitwasyon sa bahay!” umiiyak na tugon ni Mariette kaya hinaplos ni Anselmo ang kaniyang buhok.

“Tahan na, Mariette. Ipagdasal mo na lamang na maging ayos na ang pamilya mo,” tugon ni Anselmo sa kaniya at sinubukan siyang patahanin.

“Hanggang kailan? Pagod na pagod na ako sa sitwasyon namin! Unti-unti akong pinapatay ng mga masasakit nilang mga salita! Pagod na akong palaging umiiyak.”

TanglawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon