"Kap!"
"Bakit, tanga?" tanong ko.
"Ay, grabe maka-tanga! Ang harsh. Jowa mo nandun oh. Hahaha" sagot niya.
Syempre lumingon ako kahit wala akong jowa. Hahahaha. Tumingin ako sa tinuro niya, nung una di ko makita ng maayos pero, habang papalapit yung babae mas naaninag ko na mukha niya. Gago, ganda pa din. Hahaha, kaso di na akin.
Nakatingin lang ako hanggang sa lagpasan niya yung gym kung nasa'n kami, papunta ata sa cr.
"Kap! Ilang balde na kaya laway mo?" Nilingon ko siya at hinawakan ang baba ko kase baka meron talaga hahaha.
"Bobong 'to! Wala naman eh."
"Nagpa-uto ka naman. Hahahaha" Syempre tumakbo siya kaya naghabulan kami hanggang sa umabot kami malapit sa pintuan ng cr, dun sa pinasukan ni Louise. Saktong palabas na siya at sakto ding mabubunggo ko siya pero, huli na ang lahat.
"Aray!"
"Aw!"
Sabay kaming bumagsak sa sahig. Magka-harap. Magka-patong.
"Kap! Kamusta puso natin d'yan?"
"Kap! Tatakbo ka nalang magpapabunggo ka pa! Hahahaha"
"Louise! Omg! What happened to you?"
"Louise! Ba't nasa ibabaw ka ni kap?"
Sa dami-dami nang nagsasalita at sinasabi nila, isa lang ang alam ko, ang naintindihan ng puso ko.
"Soren.."Yung tibok ng puso niya. Na sana ako pa'rin tinitibok no'n. Sana ako pa rin.
"Louise.."
Ewan ko ba't bigla nalang siya tumayo at lumayo na para bang ako na pinaka mabahong tao sa mundo. Alam ko namang dapat na talaga kaming tumayo kasi nakakakuha na kami ng atensyon pero, ba't parang nasasaktan ako? Ba't parang gusto kong magkalapit lang kami?
Tumayo nalang din ako kase mukha na kong basahan do'n.
"Kap! Ayos ka lang?" Tanong nito ni Rhenz na bumangga sa'kin.
Kinutusan ko siya, "Sana.." bulong ko. Syempre di niya maririnig yon kase mas maingay pa siya sa bunganga ng kapitbahay namin.
Pagkatapos ng training namin sa umaga, dumiretso na ko sa classroom namin at umupo sa pinakapaborito kong upuan at umidlip saglit.
"Kap! Gising naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"
"Tiktilaooooooooooooooooook"
"Olok! Olok! Olok!"
Pota, andito na mga alagad ni Satanas.
"Ang iingay niyo naman. Sasakalin ko na kayo kung hindi ko lang kayo kaibigan eh."
"Sabi na kap eh. Mahal mo kami eh. Yieeeeeeeeeeee!" 'Yan si brent sumunod kay Rhenz sa pagiging maingay.
"Ano ba, kap! Nahiya ka pa aminin eh. Yieeeeeeeeeeeeeeee!" Kilala niyo na siguro kung sino yan.
"Kap! Balita ko magiging ST natin si Louise ah?" 'Yan si Rhenzo, chismoso pero maaasahan sa mga kwento.
"Ano? Totoo ba?"
"Oo, kap! Kay Ma'am Sanchez, eh 'diba 1st sub--
Di na niya natuloy sasabihin niya kasi bigla nalang pumasok si Ma'am Sanchez kasama si Louise.
"Okay, class. Go back to your proper seats. I will announce something and after that I will leave this class."
Nagsibalikan naman mga alagad ni Satanas sa mga upuan nila.
"Okay. So, here at my side is Ms. Dolina. She is my Student Teacher for the whole week. I hope naman na kilala niyo na siya dahil siya ang ipinanglalaban sa mga beauty contests ng ating school."
"Yes, ma'am. Kilalang-kilala." Sabi ko.
Bulong lang sana.... Narinig ata.
"Yes, Mr. Cansino?" Tanong ni Ma'am Sanchez.
Sasagot sana ako pero, si Louise ang sumagot.
"Bakit? 'Di ka pa rin ba maka-move on sa'kin, Mr Cansino?"
Tangina. Ano ba 'tong pinasok ko?
Tumingin ako sa kaniya at tinaasan niya ko ng kilay.
"Oh!"
"Olok! Olok! Olok!"
"Barado."
Amp. 1st sub pa lang napahiya na ko agad. Malas.
"Eh ikaw? Hindi rin ba?" tanong ko din.
Nakita kong natigilan siya at nag-simula na namang mag-ingay mga kaklase ko lalo na tong mga kaibigan kong pinaglihi ata sa megaphone.
"Tama na 'yan. Di ito ang tamang oras para mag-away kayo."
Nagpaliwanag saglit si ma'am at maya-maya lang ay umalis na.
Pagka-alis niya biglang tumayo si Rhenzo, "Ma'am! May question po ako."
"Yes? Ano yun?" Tanong ni Louise.
"Ba't po kayo naghiwalay ni Mr. Cansino?"
Lah. Naka-move on na nga ko eh. Parang ewan.
"Ba't di mo tanungin sa kaniya?"
Nagsimula na naman silang mag-ingay at tumingin sa'kin pero kay Louise lang ako nakatingin.
Kabisado ko na siya. Tinititigan mata niya ang kahinaan niya kase totoong nararamdaman niya nakikita do'n.
Habang nakatingin ako, may nakita akong sakit sa mga mata niya. Hahaha. Bakit, Louise? Ako a rin ba?
Pero, bakit nga ba... Ano nga bang nangyari at humantong kami sa gan'to?
________________________________________________________________________________________________________________
<3

YOU ARE READING
A Chance for Us
Fiksi RemajaThe Brusko Broes knows Louise as a die hard fan of Brent. But, their captain -- Soren, also know that Louise caught his attention leading for him to have feelings towards her. What he'll gonna do to win Louise's heart? Will Louise let Soren go insid...