Prolouge

12 5 17
                                    

Third Person's POV

     Masangsang na amoy ang kumakalat sa paligid.Nagkalat ang dugo na nanggagaling sa isang lalaking tadtad nang saksak.Hinagis ng isang taong nakamaskara ang kutsilyong ginamit nitong panaksak.Napatulala siya sa lalaking duguan.

"Sorry"bulong nito"Not fucking sorry.You deserve it"galit na dagdag nito.Isinawsaw niya ang kanyang kamay sa dugo ng lalaki at ginawa itong pansulat sa sahig.Maya-maya pa ay nagsituluan na ang kanyang mga luha.Kwinelyuhan niya ang patay na lalaki at inalog-alog ito.

"You're not supposed to die"paulit-ulit na sabi nito at tumayo.Pabagsak niyang binitawan ang bangkay at inilibot ang tingin sa paligid.Nang masiguradong walang nakakita sakanyang ginawa ay dali-dali itong umalis.Patakbo siyang pumasok sa kanyang sasakyan at mabilis na pina-andar ito.

   Patuloy pa din siya sa pag-iyak habang nagmamaneho ng sasakyan.Nang makalayo sa lugar kung saan siya pumatay ay inihinto niya ang sasakyan sa isang tabi.Nanggigigil na hinawakan niya ang manibela.Lumabas siya sa sasakyan at pinagsusuntok ang isang puno.

"Fuck you,Vergarez.Fuck you.Your death is not enough"galit na saad nito.Tumingin siya nang masama sa puno.Napaupo ito at sumandal sa puno.Napasabunot ito ng kanyang buhok at hinayaang bumagsak ang kanyang mga luha.

Sa Kabilang Banda

    Isang babae ang padabog na pinapadyak ang mga paa.

"Shit,Babe.Where are you?"naiinis na sabi nito at patuloy na tinatawag ang kanyang kasintahan.Kanina pa hindi sumasagot sa mga tawag niya ang kanyang nobyo pero patuloy pa rin niya itong tinatawagan dahil nangako itong papasyal sila ngayong gabi sa parke.

"Gosh.Last nato at kapag hindi ka pa sumagot makikipaghiwalay na talaga ako sayo Riley"nauubusan ng pasensya na saad nito.

'Hey.I'm busy right now.Just leave a message'

"Riley.Humanda ka sakin bukas.You jerk"sabi nito at ibinato ang cellphone sa kama.Humiga siya sa at tumitig sa kisame.

'Ano nanaman kaya ang ginagawa ng gagong yon?'isip nito.

  Maya't maya pa ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone.Nagmamadali niya itong sinagot sa pag-aakalang ito ang kanyang nobyo pero laking dismaya nito ng makitang ang bestfriend niya lamang iyon.

"S'en,bukas agahan mo yung pagpasok.Tatapusin pa natin yung hindi natin natapos na project"pagpapaalala sakanya ng kaibigan niya.

"Yes.Yes,I will.Iya?"sagot nito.Tumayo ito at humarap sa salamin.

"Late kang umalis ng school,right?"tanong niya sa kaibigan habang pinagmamasdan ang kanyang katawan.

"Oh,yeah.Why?"sagot ng kaibigan.

"Nakita mo ba si Riley na may kasamang babae or what?"tanong nito.Bumalik sa siya kama at umupo.

"No,I didn't.S'en.I'll hang up na.May gagawin pa ako.Goodnight"paalam ng kaibigan nya bago nag-end ang call.

"God,Riley.Malaman ko lang na may babae ka,kakatayin talaga kita"bulong nya sa hangin.Ilang minuto pa ay nakatulog na rin ito.

* * * * * * * * * *
A/N:HAII.Sana pagpatuloy niyo pagbabasa...

Fatal AffectionWhere stories live. Discover now