A/N:Guys,Say-yen po pag basa S'en..Enjoy.. :)
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
S'en's POV
Sumalubong sakin ang nagkukumpulang estudyante sa grounds pagkapasok ko sa eskwelahan.Napansin ko din kanina sa parking lot ang dalawang police car kaya mukhang may nangyari.Lumapit ako sa isang babae at kinalabit ito.Napasinghap ito at agad akong itinuro.
"Sir,siya po.Siya po si S'en Buenaventura"nanginginig na sabi nito sa pulis na nakatingin ngayon samin.Napataas ang aking kilay.
"Ako?"Turo ko sa aking sarili."Bakit ako?"nagtatakang tanong ko.Lumapit ang dalawang pulis sa akin.
"Ikaw ba si S'en Buenaventura?"tanong niya.Nagtataka man ay tumango agad ako.
"Sumama ka samin"sabi ng isa.Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako.
"Excuse me?Omygahd..Let go..Ano ba.What is happening?"pagrereklamo ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay.Ipinasok niya ako sa isang classroom na matagal nang bakante.
"Guys, What's happening?"takang tanong ko sa mga kaibigan kong kasama ko pala sa loob ng silid.Umiiyak sina Iyah at Vira habang sina Echo at Brize ay nakasalampak sa sahig."Ano bang nangyayari?"naaasar na tanong ko.Walang kwenta kausap mga ito.
"No"napatingin ako kay Echo na biglang nagsalita"Kami ang dapat magtanong,S'en.What the fuck happened?"seryosong saad niya.
"Aba malay ko.Kadadating ko lang kasi diba?Bakit kasi hindi niyo nalang ako deretsohin?"naiinis na tanong ko habang lumalapit sa kinaroroonan nila.
"You don't know or you're acting that you don't know?Alin don,S'en"tanong niya.Takang tumingin ako sakanya."Riley died"dagdag ni Echo.
"D-died.Omaygosh.N-now I get it.You guys are p-ranking me,right?"naiiyak kong tanong.Nilibot ko ang tingin sa silid,nagbabakasakaling merong camera na nakatago pero wala.Napa-upo ako at humagulgol.
"What happened?"tanong nang kakapasok ng isa ko pang kaibigan na si Dever.Kasunod nito ang isang hindi pamilyar na lalaki.
"Maupo kayong lahat"utos nito bago umupo sa nahilang upuan.Sumunod kami sa utos niya.Nakapalibot ang aming upuan sa kanya.
"Detective Marshan"pagpapakilala niya sabay pakita samin ang I.D nito."Mga kaibigan kayo ni Mr. Vergarez,diba?"tanong nito.Tumango sila maliban sakin.Dumako ang tingin ng Detective sakin."Girlfriend?"dagdag nito.Sumisinghot na tumango ako.
"Gusto kong sabihin niyo sakin kung nasaan at kung ano ang ginagawa niyo kagabi.Around 6"Sabi niya.
"Pwede bang sabihin niyo muna sakin kung bakit kami nandito?Ano bang pake mo kung kami ang mga kaibigan ni Riley,hah?"tanong ni Dever.
"Patay na ang kaibigan niyo.Pinatay siya.Isa kayo sa mga huling nakasama niya kahapon dahil kayo-kayo lang naman daw ang laging magkakasama.Ngayon,sabihin niyo sakin saan at kung ano ang ginagawa niyo around 6"seryosong saad nito.Halata ang gulat kay Dever pero nanatili itong tahimik.
"May karapatan naman kaming manahimik at kumuha ng lawyer,diba?"tanong ni Iyah.May point siya."Plus,bakit ba kami ang pinagsususpetsyahan niyo?Mga kaibigan niya kami,hindi namin yon magagawa sakanya"pagrereklamo niya.Mugto ang kanyang mga mata pero hindi na siya umiiyak.
"Tama si,Iyah.Bakit ba kami ang sinisisi niyo?"umiiyak na Vira.Tumingin ako sa Detective nagbabakasakaling palabasin na niya kami.Sa totoo lang,Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko.Natatakot,nasasaktan,nagagalit-ewan.Hindi ko maipaliwanag.
"Tama na-" "I'll handle this,Detective"biglang sabat nang kakarating na babae kay Detective Marshan.Si ate Valentine.Kapatid ni Vira.
"Ate Valen"usal ni Vira at lumapit sa kanyang kapatid.Nagyakapan sila pero agad ding naghiwalay.
"Detective,Mag-usap tayo sa labas"Saad ni Ate Valen.Lumabas sila nang silid.
"What happened?How did Riley died?"naiiyak kong tanong.
"Malay namin.Pagpasok ko nakita ko nalang yung ibang mga students na nagkukumpulan sa bangkay niya."paliwanag ni Brize.Binaling ko ang tingin kay Echo.
"Kakarating ko lang.Why the fuck are you questioning me awhile ago?"nagagalit kong tanong sakanya.Kung makatanong siya kanina akala mo,ako ang pumatay kay Riley.
"We all know how possessive you are,S'en.Hindi imposibleng magawa mo yon kay Riley.Mga umaaligid ngang babae sakanya halos mapatay mo.Tsaka,sabi niyo may lakad kayo kagabi,diba?.Edi ikaw ang huling nakasama niya"Sagot niya at dinuro pako.Agad na nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"Do you really think magagawa ko yon kay Riley?Hindi natuloy ang lakad namin kagabi because he's not answering my calls.Hindi siya pumunta sa bahay.Kung tutuusin ikaw ang dapat na sisihin kasi we all know how jealous you are with him"Lalapit na sana siya sakin ngunit pinigilan siya ni Iyah.
"Guys,stop it.Sa tingin niyo mabubuhay si Riley kapag nag-away kayo?Stop being childish.Kailangan nating malaman kung sino ang pumatay kay Riley before our graduation.Hanggat hindi nalalaman ng mga pulis kung sino ang pumatay kay Riley.Tayo.Tayo ang sisisihin sa pagkamatay niya."pag-aawat niya.
"Anong nangyari sa kamay mo,Dever?"biglang tanong ni Vira.Napatingin agad kami sa kamay ni Dever.Nakabalot ito at tumatagos na ang dugo sa bendang nakabalot sa kamay niya.Agad niya iyong tinakpan at itinago sakanyang likod.
"I-it's nothing"sagot niya at tumingin sakin.Tumango ako.Naiintindihan ko siya.Laging napapaaway si Dever.Sa pakikipag-away siya kumikita ng pera actually.He ran away from home kaya ganon nalang ang pangangailangan niya sa pera.
"You're acting so suspicious.C'mon man,Magsabi ka naman samin kesa naman sa paghinalaan ka namin."Pilit ni Brize.
"Brize.Just don't mind it"pagtatanggol ko kay Dever.Nagsususpetsyang tinignan kaming dalawa ni Dever.Napabuntong hininga ako.It's hard to trust someone kahit kaibigan mo sa ganitong pagkakataon.
"Ano sa tingin niyo ang pinaguusapan nila ate Valen at nung Detective?"tanong samin ni Vira.Nakibit-balikat na lamang ako at tumingin sa bintana.Tanaw ko sila Ate Valen na naguusap.
"Sana paalisin na tayo dito.May posisyon naman ang ate mo sa pulisya paniguradong gagawan niya ito ng paraan"sagot ni Echo.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko.Lahat kami ay pinagsususpetsyahan ngayon.Kung sakaling isa nga samin ang totoong pumatay kay Riley.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon.Hindi kasi tama.Hindi kami dapat nagpapatayan dahil magkakaibigan kami.
"Sure akong wala satin ang pumatay kay Riley.Ang imposible"wala sa sariling saad ni Dever.Bumaling kaming lahat sakanya.
'Sana,Dever.Sana nga wala.Wala na sakin si Riley.Ayokong mawala rin kayo sakin pagnagkataon'
MATAPOS ang ilang paghihintay pumasok na si Ate Valen kasunod ang Detective.Napatayo kami mula sa pagkakaupo.
"Ate,aalis na ba kami?"umaasang tanong ni Iyah.Malungkot na napatingin si Ate Valen samin.Umiling ito at tumango sa Detective.
"Papaalisin ko muna kayo sa ngayon kasi alam kong nagulat din kayo sa pagkamatay ng kaibigan niyo pero ongoing pa din ang investigation.Ang ganitong pangyayari ay hindi dapat pinapalagpas,maaaring mambiktima mula ang killer at mas maraming buhay ang mapinsala.Sa susunod na linggo gusto naming may mareport na kayo sakin.Kayo ang bukod tanging suspect namin sa ngayon dahil wala namang ibang taong nakakasama ang biktima maliban sa inyo.Iyon muna sa ngayon.Paalam"mahabang salaysay nito at umalis.Hinawakan ko ang kamay ni ate Valen.
"A-ate.Hindi ka naman naniniwalang isa samin ang pumatay diba?Ate,ayoko na"humihikbing saad ko.Niyakap niya ako at pinatahan."Ate,si Riley.Wala na siya.Paano na ako ate?"nanghihinang tanong ko.
"S'en, Everything's going to be okay"Pagpapatahan niya.Nakiyakap na rin sila Iyah at Vira samin habang ang mga lalaki ay nakatayo at nakatingin lamang sa kawalan.
Gusto ko nang magising.Gusto kong isipin na panaginip ang lahat nang ito.
"Shit.S'en"huling narinig ko bago nandilim ang aking paningin.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
A/N:Hayz..Lame kassooo basahin niyo pa din..Thankssss..