Iyah's POV
Maaga akong pumasok sa school tulad nang dati.Konting estudyante palang ang nandidito ngayon.Kung titignan mo sila parang walang nangyare kahapon.
"Iyah"nakangiting tawag sakin ni Riley.Masiglang kumaway ako at naglakad palapit sakanya.
"Musta gising?Mukha ayos tayo ah"inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok.
"Ril naman eh"reklamo ko at lumayo sakanya.Tinawanan lang ako nito at sinabayan akong maglakad patungo sa classroom.
"Iya,Sabay na tayong umuwi mamaya"sabi niya.Nag-aalinlangan akong tumingin sakanya.
"Ril.I can't eh.May group project pa kami tsaka may lakad kayo ni S'en ngayon,diba?"tanong ko.
"Oo nga pala.HAHA.Nakalimutan ko"natatawang sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Punta ka na sa classroom mo.Wag ka ding naglalalapit sa mga babae.Alam mo naman kung gaano kaselosa si S'en"paalala ko at tumawa.Actually gustong-gusto ko pagnagseselos si S'en,hindi nagiging boring ang araw ko tuwing may away ang babaitang yon.
"Yah.Yah.I know.Nakakasakal minsan.She threatened me na ako sa susunod na mambabae ako mapapatay niya na daw ako.Haha.As if she can"Saad niya.Nagpaalam nako sakanya at ganon rin siya.
"Bye"paalam niya at nakangiting kumaway sakin.
"I didn't know that that was your farewell,Riley.Kung alam ko lang sana hindi muna kita pinaalis"bulalas ko.
"You still not okay?"napatingin ako kay Dever na nakapatong ang baba sa kanyang mga kamay.Napadako ang tingin ko sa mga kamay niyang nakabalot pa rin.
"Yeah.Maybe.Musta kamay mo?"tanong ko pabalik.Tinignan niya ang kanyang kamay.
"Ayos lang.Sanay naman nako"sagot niya.Hinila ko ang kamay niya at inobserbahan iyon.
"Dev,ang lala ng sugat mo.Ano bang sinuntok mo ha?Bakal?"nag-aalalang sagot ko.Kung mukha ng tao ang sinuntok niya hindi naman siguro ganito kalala ang mangyayari.Agad niyang binawi ang mga kamay niya at napansin ko ang pagkataranta nito.
"Okay?Goodmorning,Class.Let's start our day with a prayer"bungad ng kakapasok naming guro.
"Mag-usap tayo mamaya,Dever"sabi ko at tinuon ang atensyon sa guro.
"DEVER!!"tawag ko kay Dever at hinabol siya.Patuloy pa din siya sa paglalakad at hindi ako pinansin"Dev,sabi ko maguusap pa tayo"sabi ko sakanya pero dedma pa din.Yinugyog ko ng onti ang braso.
"Dev,ano ba kasing nangyari dyan sa kamay mo?Pwede mo namang sabihin sakin eh.I'm your-" "Will you shut up?Mas magandang wala kang alam,Iyah"naiinis na pagputol niya sa sinasabi ko at iniwan akong nakatayo sa hallway.Ano bang problema niya?
"Iyah"biglang sulpot ni S'en.Ngayon ko lang uli siya nakita dahil umuwi din agad pagkatapos kaming palabasin ng detective.Matamlay siya ngumiti at kumaway sakin.Kita sa kanyang mata na napuyat siya kaiiyak.
"S'en.You okay?"I asked her.She's my bestfriend.As her bestfriend I need to comfort her.
"How could I?My boyfriend just died and"huminto siya at tinignan ako sa mata.
"Tayo.Tayo ang suspek,Iyah.Tama naman sila.Tayo lang ang posibleng suspek.Walang kaaway si Riley.Wala din siyang mga taong nilalapitan maliban satin lalo pa't hindi ko hinahayaang may lumapit sakanya"naluluhang saad nito.I walked closer to her and held her hand.