Special Chapter

14 1 0
                                    

Paul's POV

Umalis na si Aeron sa bahay. 12 na ng gabi. At alam kong pupunta siya doon sa St. Luke's Hospital. Alam ko yun kasi nga pakielamero ako. I admit it. Sino ba naman ang hindi mangengeelam sa buhay ng pinsan/ bestfriend ko?

Si Barbs? Alam niyang nandito ako. Alam niyang sinusundan ko siya. Dapat magi-stay na ako sa States for good. Pero hindi ko nagawa dahil sakanya. We've been friends there. But, unexpectedly I fell inlove with her.

Hindi ko pa nga nasasabi sakanya. Kasi alam kong inaalagaan niya ang Ate niya. Yeah. Alam kong may kambal siya. Alam ko na may kapatid siya. Alam ko ang tungkol sa Ate niya. 'Di ko lang mabanggit kay Aeron kasi alam ko ang magiging reaksiyon niya. Tsaka ayokong mangelam kahit na pakielamero ako.  Gusto ko si Bianca mismo ang magsabi.

Nag-ayos na din ako ng sarili ko. Alam kong nandun si Barbs. Gusto ko siyang makita. Hindi lang pala gusto, gustung-gusto.

~~~~

Makaraan ang ilang minuto nakapunta agad ako sa St. Luke's Hospital. Nandito pa lang ako sa parking lot. Hindi ko alam kung tuloy ba ang pagpasok ko sa loob. Hindi ko alam kung pano ko ia-approach si Barbs. At knowing na nandito si Aeron. 'Di ko alam ang sasabihin.

"*sobs* *sobs* A-ateee.." napalingon ako sa pinanggalingan ng hikbing yun. May umiiyak sa may madilim na parte ng parking lot.

"Miss?" Tawag ko saka lumapit. "Miss? May problema ba?" Tanong ko.

Hindi siya umimik. Patuloy lang siya sa pag-iyak. "Y-yung ate ko. W-wala na. W-wala na siya..." nag-oopen ba siya? Anong gagawin ko? Eh hindi naman ako handa sa mga ganito. At babae siya. Hindi katulad ko na lalaki. Pano ko maco-comfort ang isang babae?

"Ano bang nangyare sa Ate mo?" Tanong ko.

"She's dead." nagulat ako. Syempre, akala ko normal na wala lang ate niya. Yung tipong umalis lang hindi namatay.

"H-ha? B-bakit? At p-pano?" Tanong ko lumapit pa ako sakanya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya kasi nga madilim sa parte niya. May poste ng ilaw na nagsisilbing liwanag ng parking lot.

"W-wala. *sobs* N-nevermind." Huh? Mago-open tas hindi itutuloy. Kaso meron akong na-realize ng makalapit pa ako banda sakanya. Kilala ko siya. Kilalang-kilala.

"Barbs.." napatingin siya sa akin. Hindi nga ako nagkamali. Siya ang babaeng hinahanap ko. Ang babaeng dahilan kaya't napunta ako rito.

"P-paul..." bigla-bigla ay napayakap siya sa akin. Sa una hindi tumugon ang katawan ko. Pero, ilang segundo lang nakita ko ang sarili ko na nakayap na ako sakanya. Masarap sa pakiramdam. Kasi, ang taong kayakap ko eh ang babaeng pinapangarap ko. Ang babaeng mahal ko.

"W-what happened?" Di ko mapigilang tanong ng maghiwalay kami sa yakap.

"I-im s-sorry..." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wait. W-what? B-bakit..." 'di ko mapigilang tanong. Pero.. teka. Dead? Si Bianca?!

"'Di ko sinasadya ang yakap na yun. Kelangan ko lang talaga ng malalapitan, mayayakap kasi hinang-hina na ako..." huminga siya ng malalim saka pinagpatuloy ang pagsasalita. "Hinang-hina na ako sa mga nangyayari sakin.. s-sobra. K-kaya pagpasensyahan mo na.." sabi niya saka ako nilagpasan.

Nasasaktan ako.

Sorry? Di sinasadya? Eh ako nga nagustuhan ko yun. Kahit na ba simpleng yakap lang yun. Nasasaktan ako kasi hindi sinasadya. At nagso-sorry siya because of that! The hell.

Bakit ko nga ba nagustuhan? Kasi nga, mahal ko siya.

Hindi pa siya nakakalayo tinawag ko na siya. Pero hindi siya lumingon. Hindi pwede. Hindi pwede na palagpasin ko pa ito. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na 'to. Ang makausap siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon