Unexpected

7 0 0
                                    

Aeron's POV

Totoo ba 'tong nakikita ko? Naka-set up yung lugar na parang Valentine Ball. O'nga naman. Ang anniversary pala namin ay February 14. Ang motif ng lugar ay red, pink and white. May mga lobo pa na hugis puso. Pero ang mas agaw pansin ay yung table for two.

Hindi ko inaasahan 'to. Si Bianca? Gagawa ng ganito? All the time ako lagi nagsu-surprise sakanya eh.

Sa sobrang tulala ko hindi ko alam na nasa harapan ko ang mga magulang niya. Bakit? Bakit sila?

"I-iho.." tawag sakin ng mama niya.

"A-ano po yun?" Tanong ko. B-bakit kinakabahan ako? Anong meron?

"S-sana.. i-ingatan mo siya." Maluha-luha ng sambit ni Tita. Tita na ang tawag ko sakanya.

"Makakaasa po kayo." Sagot ko saka ngumiti.

"Aalis na kami Iho." Sabi ni Tito. Tumango na lang ako. Pag katango umalis na sila.

Asan na si Bianca? Gusto ko na siyang makita. Gustong-gusto na.

[Now Playing: Sa'yo]
By: Silent Sanctuary

"A-aeron..." yung boses na yun. Kilalang-kilala ko yun. Kaya agad akong lumingon sa tumawag sakin nun. Si Bianca. Pero ang di ko inaasahan ay ang itsura niya.

"B-bianca..?" Pag tawag ko na may halong tanong. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Lumapit siya sakin. Pero nakaupo parin sa wheelchair.

Niyakap niya 'ko. Niyakap ko rin siya. Miss ko na siya. Pero.. bakit ganito? Anong nangyari sakanya?

"A-ano yan? A-anong nangyare sayo? B-bakit.."

"I-i'm sorry.. S-sorry..." humihikbi niyang sambit. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"S-sagutin mo ko B-bianca!!" Pumiyok na sigaw ko. Hindi ko matanggap. B-bakit..

"S-stage 4 Cancer. A-any minute pede na akong mawala..." Parang nanghina ang mga tuhod ko sa narinig ko. Mapapaluhod na sana ako kung hindi ko agad naibalanse ang katawan ko.

"N-no! H-hindi! Hinding-hindi mangyayari yon! N-no!" Sa sobrang bigat ng nalaman ko. Ayaw tanggapin ng utak ko. Naibalibag ko yung mesa. Sa sobrang frustration, Nasira ko ang mga pinaghirapan niya. Nagagalit ako. Bakit di ko napansin yun?! May sakit siya! Fvck! Hindi ko alam!

"P-pero yun ang mangyayari A-aeron..." sagot niya. Umiiyak parin siya kahit hinang-hina na. Nilapitan ko siya. Nasasaktan akong makita siyang ganito.

"Sshhh.. 'W-wag... 'Wag kang umiyak.. Shh.." pag-aalo ko sakanya saka siya niyakap. H-hindi pwede.. Huminga ako ng malalim at saka sinabi ang nararamdaman ko. Ang matagal ng nakabaon sa puso ko. "Mahal kita.. Bianca.." sambit ko. Alam kong narinig niya yun. Pumikit ako sandali, para akong nabunutan ng tinik. Nasabi ko na rin.

"Pwede bang humingi ng pabor sa'yo?" Nanghihina niyang tanong. Kahit na naguguluhan ako tumango parin ako. "Please... Say that you love me. Please let me feel that you almost fall for me. Please let me see how you can show the meaning of 'Love' for me." Huminga ako ng malalim. Gusto niyang iparamdam ko sakanya na mahal ko siya. Yun lang. I kissed her forehead and the top of her head. Saka lumayo ako sakanya at tumingin sa kabuuan ng rooftop. "I love you Bianca! With all of my heart! I'll do everything to make you happy! Everything, even my life. I'm ready to sacrifice it for you. Just... just don't leave me." 'Di ko mapigilang maluha. Bakla man tingnan pero pakiramdam ko mag-iisa na naman ako. "Mahal ko si Bianca! Kung nakikita niyo siya, hindi man kagandahan but she's the most prettiest girl in the world for me. Hindi man siya katalinuhan but she's the most wise for me. Hindi man siya ganun ka-sexy but she's the sexiest for me. Hindi man siya perpekto but she's perfectly fit in my eyes. Hindi man siya ang ideal girl ng lahat but she's one of my dream. At kahit hindi niyo pa siya nakikita. She's the only one destined for me. I love her! I really do!" Sigaw ako ng sigaw ng kung anu-ano. Just to make her feel that I love her. I really really really do. Tumingin ako sa langit. Hindi ako ganun kabait pero kelangan ko gawin 'to. Lumuhod ako habang parehas naka-dikit ang palad ko. Tumutulo na din ang mga luha ko. Narinig ko pa ang pagsinghap niya. "Just.. please don't take her away from me! I can do anything for her. Take me before you----"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon