Expect The Unexpected

7 0 0
                                    

Aeron's POV

"Ano?!" Aray. -.- Ang sakit sa tainga! Maka-sigaw 'tong kumag na 'to. Hahaha. Kilala niyo na siguro siya.

=_____=

"Ang sabi ko. Nagkausap kami kanina ni Bianx sa telepono. Isa pang 'ano?!' diyan. Makakatikim ka na sakin!" Pang-ilan na kasi niyang tanong 'yan. Sarap itapon sa Ilog Pasig ng paulit-ulit. -___-

"Oo na. Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Paul.

"Bakit ko sasabihin?"

"Wala lang. Mamaya nanaginip ka lang." Ako?

"Ako? Nanaginip? In your dreams ugok! Ipakita ko pa sayo ang call log ko!" Saka ko ibinato ang telepono ko sa pagmumukha niya. Wala kong pakelam kung masakit yun.

"Araay!" Angal niya saka kinuha ang phone ko.

"Tch."

"Oo nga. Eh ano nga pinag-usapan niyo?" Tanong niya pagkakita sa call log ko.

"Wala. Nagkamustahan lang. Then she texted me. Magkikita kami mamaya." Sabi ko.

"Woaaah. Amazing! Saan?"

"Sa Puso ko." Tch.

"Aba! Gumaganyan ka na Insan ah! Hahahaha. Sarilinin mo na lang 'yan!"

"Tanga! Totoo naman talaga eh! Sa Puso ko na siya ide-deretso! Wala ng patumpik tumpik pa." Seryoso kong sabi. Napansin niya sigurong seryoso ako. Tch. Hindi ako nagbibiro. It's almost six months. And all I want is to ask her to be my girlfriend.

"Pero pano kung..."

"Wala akong pakelam. Basta nasabi ko na ang nararamdaman ko. Kung anuman ang mangyare. Siguro may dahilan."

"Hay nako Insan. Tapang mo! Bilib ako sayo! Hahahaha." Sabi niya saka ako inamabahan. Aba bwisit. =___=

"Tabi! Tumabi ka. Umupo ka nga ng maayos. Mukha kang tanga na ewan. Tch. Eh ikaw? Sino yung babaeng kinababaliwan mo?" Pag-iiba ko na topic. Puro ako na lang topic eh.

"Ahhh.. si Barbs? Nakilala ko siya sa States. She's Nice. But I can't confess what I'm feeling right now for her." Nakalimutan kong sabihin. Itong ugok kong pinsan nag-stay sa states for 5 years. Ewan ko diyan kung bakit. =___= Then, may nakilala siyang babae named, Barbie or Barbs ewan. Tas yun na-inlove ang loko. 'Di ko pa nakikita yung Barbs na yun eh. -.-

"Ka-dramahan. Bakit naman? She's on States. Syempre pano ka makakapag-confess?" Tanga talaga ng kumag na 'to -.-

"Actually, she's here. A year ago. She's with her sister for now. Ang balita ko may sakit Ate niya."

"Woaah. Stalker?" -___-

"Hindi ako stalker. Ano pa silbi ng Investigator ha?"

"Ge push mo. Ano pangalan ng Ate niya? Tsaka anong mukha niyan? Mamaya panget pala."

"Hahahaha. No brad! She's beautiful! I bet she's beautiful more than your Bestfriend."

"More than Beautiful mo ang mukha mo! Gandang-ganda ka nga nung nakita siya eh! Balak mo pang agawin ata sakin eh!" Sigaw ko. Aba kainis eh. More than beautiful?! Ang Bestfriend ko ang pinakamagandang babae sa mundo!

"Oha! Hahahahaha. Sige, ok lang ba?"

=______=

*Blaaag*

"Araaay!"

Ayun. Tinulak ko ng malakas. Plakda ang inabot.

"Kasalanan mo yan. Tch. Tanga talaga kahit kelan." -___-

"Psh. Pasalamat ka Brad masakit yung pagkatulak mo! Kung hindi bugbog ka sakin-- Aww!"

"Hahaha. Tayo na. Tch. Ang hina mo naman." Mayabang na kung mayabang eh ganun talaga.

"Tch. Ang sakit! Gag* ka talaga! Nabalian ata ako. Itulak mo ko ng may kasama pang bali sa katawan ko. An'saya diba?" Naaasar niyang sambit.

"Hahaha. Ge. Kasalanan mo. Aagawin mo pa?!"

"Hindi na nga eh. Ka-bwisit." Badtrip na badtrip ang mukha niya eh.

"Hahahaha. Sige! Byeee sa mahal kong pinsan! Aylabyu!" Hahahaha. Nagawa ko pang mang-asar eh.

"Hoyy! Tulungan mo ko rito!" Di ko na siya pinansin. Umalis na muna ako.

Kelangan ko pang magpa-pogi para kay Bianca. Excited na talaga akong makita siya.

--------

Bianca's POV

"I can't do that." Matigas na sabi niya.

"But why? That's a favor. P-pleaase?"

"N-no. Ate, kung kaya ko lang. Pero hindi. Ayoko manloko ng tao ate. I-i'm sorry." Sabi niya. Wala na kong ibang maisip na paraan. Ayokong maging miserable ang mga buhay ng maiiwan ko. Lalo na ng Bestfriend ko. Pero naisip ko, it's unfair for Barbs.

"I'm sorry Barbs." Hinging paumanhin ko. "Wala lang kasi talaga akong maisip na paraan." At muli tumulo ang luha ko. Traydor. Traydor na mga luha.

"Madaming paraan Ate. Lumaban ka. Yun lang." Sabi niya.

"It's too late Barbs. T-too late."  Pakiramdam ko in every minute susuko na nag katawan ko. Pero, hindi pwede. May importanteng tao pa kong kelangang kausapin. Pero may naisip na naman ako at sana, sana pagbigyan na ako ni Barbs.

"One more thing, f-favor p-please?" Tanong ko ulit.

"A-ano yun A-ate?" Sana pumayag ka. For me.

~~~

"Ready ka na anak?" Tanong ni Daddy. Sinakay nila ako sa wheelchair.

"O-opo Dad."  Pero sa totoo lang kinakabahan ako. It's 11:50 in the evening. 10 minutes na lang ang hihintayin namin sa taas netong hospital.

"Aakyat na tayo Anak. Just relax okay? Don't stress yourself too much. Okay?" Sabi nman ni Mommy. Tumango na lang ako. At tinignan ang paligid. Wala si Barbs. Sana.. sana gawin niya ang pabor na hinihingi ko.

Here we go. Going upstairs. All memories would be end on this day, place and time.

-------

Aeron's POV

Tsk. Kinakabahan ako na ewan. Bwisit. Heto ako nasa tapat ng St. Luke's Hospital. Kanina nag-text siya na hinatayin ko ang text niya for signal kung aakyat na ako o hindi.

Pero bwisit. Excited na 'kong makita siya. 'Di ako makapaghintay. Nakatitig lang ako sa telepono na naka-stay lang sa inbox ng messages ko.

Gusto ko ng umakyat para makita siya. Gusto ko na siyang yakapin. How I missed her. Biruin niyo 6 months? At anniversary namin ngayon. Gusto ko siyang ilibot sa buong Manila. Ayos nga yung napili niyang oras eh. Wala masyadong tao.

Nakakatuwa lang kasi. Para akong kiti-kiti dito sa baba. Pigilan niyo ko! Kung hindi susugudin ko sa taas si Bianx at tatadtarin ko ng.. halik. At lulunurin ko sa... pagmamahal. Hahaha. Seryoso ako ah! Hahalikan ko talaga yung babaeng yun. Biruin niyo. 6 months natiis ako nun? Tsk. Pag siya kinulong ko sa puso ko. 'Di ko na papakawalan. Teka.. corny ko na. Penge pop corn! Hahaha. Okay.. epekto siguro 'to ng nasobrahan sa excitement. Hays. Yung babaeng yun talaga. Mahal na mahal ko na talaga siya. Walang duda. Pwe! 'Di ko na maatim ang nangyayare sakin. Ako na ba 'to? Na-sobrahan sa pagka-keso at corny eh.

Gusto ko na talagang umakyat. Bwisit. Ang lakas talaga ng tama ko sa babaeng yun. Kaya sana parehas kami ng nararamdaman.

Brrzzzt.

From: Biancaaa :>
    You can go now. Faster.

-end-

Ohhh sheet! 'Di na ako nakapag-hintay! Tumakbo na ako ng mabilis. 'Faster' daw! Para akong bakla kinikilig. Miss niya na din siguro ako. Gusto na niya akong makita. Tsk.  Binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

Eto na ko. Last stair. And then I opened the door.

And I never expected what I saw.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon