Josh's POV
"Joshiee !! Waag ayaw ko!! Natatakot ako tara na baba na tayo please !!" mangingiyak na si Athena ngayon habang hawak ko
"Athena , wag ka matakot nandito naman ako eh! sasabayan naman kita mag slide tabi tayo oh!" hinawakan ko na ang kanyang kamay at umupo na sa tuktok ng slide
nandito kami ngayon sa park at tinuturuan ko si Athena mag slide.
lagi na lang kasi kami sa swing o kaya sa seesaw tuwing nandito sa park.
ang boring kaya nun!
"Wait lang Joshiee !! Hawak mo lang kamay ko ha ? wag ka bibitaw! Pag binitawan mo susumbong kita kay mommy!" pagbabanta sa akin ni Athena
kung hindi ko lang talaga kaibigan ito iniwan ko na 'to dito hahahaha
mukha pa mandin siyang natatae pag natatakot !
"Oo naman! Tsaka wag ka nga sumbong mommy! ikaw na nga lang tinutulungan ko e! ang boring na kaya sa swing ! tara na upo ka na mag slide na tayo!"
sa wakas umupo na din siya!
one
two
three
"Wieee!! HAHAHAHA ang saya pala sa slide ! tara ! tara! slide pa ulit tayo !" hatak hatak na ako ngaton ni athena paakyat muli sa slide
sabi na nga ba magugustuhan niya din pag na try niya
"Teka laang ! napapagod na ko. Ikaw na lang mag isa uupo muna ako" bibitawan ko na sana ang kanyang kamay
"ha? ayaw ko gusto ko kasama kita ! sabay tayo dapat tapos hawak mo lang kamay ko " paawang mukha niya
"sige na nga pero last na ha ? tapos pahinga na tayo" sabay na kaming nagpadulas ulit
kahit sinabi ko na last, syempre hindi totoo iyon dahil naka ilang ulit pa kami !
nakaupo na kami ngayon sa damuhan at nagpapahinga.
kumakain na din kami ng snacks na binigay ng mommy ni Athena at ang favorite naming mango juice !
"Athena, tara na we need to go home na. Josh, sumabay ka na sa amin pauwi" sinusundo na kami ngayon ng mommy ni athena
"ok, mom!" tumayo na sa damo si athena at handang umuwi "tara na, josh!" pag aya niya sa akin at inabot ang kanyang kamay.
"Joshie, bukas punta ka sa bahay namin ha?" naglalakad kami na magkahawak kamay ngayon
"Oo naman, ano ba lalaruin natin bukas?" sabi ko
"hmm.." hinawakan niya pa ang baba niya na parang may malalim na iniisip " hindi tayo maglalaro bukas! kailangan natin tapusin mga homeworks natin" ngiti niyang saad
hahahaha kita yung bungi niyang ngipin ang cute talaga !
"Ang sipag mo naman ! pero sige pakopya ako ha!" pinipigilan kong pagtawa
"Hay nako, pasaway ka talaga ! Bad ang mangopya. tuturuan na lang kita para di ka mahirapan!" pagalit niyang sambit
"Yes, ma'am! sige na nga hahaha! see you tomorrow Athena!" nandito na ako sa tapat ng bahay namin
"Bye bye, Joshie!! See youu!" pagkaway niya pa habang papalayo sila
______
Note:
7 and 6 years old palang sila dito. Hindi ko na masyado binaby talk para maintindihan.Comment your thoughts ! Thank You ♡
YOU ARE READING
Hanggang Dito (ON HOLD)
Short StoryJosh and Athena are childhood friend turned into lover but timing isn't in favor of them. Will they be able to beat destiny or let destiny ruin their relationship?