Josh's POV
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday.. Happy Birthday" sabay sabay naming kanta ngayon
"Oh, blow your candle na !" masayang sambit ni tita habang kinikuhaan kami ng picture
"Wait, wish ka muna Tina !" pagpigil ko sakanya bago niya pa maihipan
"Ah, oo nga pala !" tsaka siya pumikit bago ihipan ng kandila
"Yeaaheeey!! Happy Birthday Tina!" nagsipalak pakan kami at nag simula na din kumuha ng pagkain
nandito din yung iba naming classmate at nakiki celebrate
madami din nagbigay ng regalo kay Tina
sana magustuhan niya ang ibibigay ko
"Tina, tara may bibigay ako sayo!" bulong ko sakanya habang nakikipaglaro sa isa naming classmate
"Ano yun Josh?" masaya niyang tanong saakin habang hawak ang dulo ng dress niya na para siyang isang prinsesa
"Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat kong iregalo sayo" sinuot ko sakanya ang isang bracelet na kulay pula "Kaya ito na lang ang ibibigay ko sayo. Sana magustuhan mo" ngiti kong sambit sakanya
"Wow, Thank You Josh! ok lang naman kahit ano ibigay mo!" tuwang tuwang sambit niya at sinuri pa ang binigay ko
"Alam mo ba kung bakit bracelet ?" tanong ko sakanya
"Hmm.. bakit?" curious na tanong niya at humawak pa sa baba na parang iniisil ang sagot
"Kasi sabi ni mama, yung mga tao daw red string daw na nakatali sakanila tapos yung nasa kabilang side nung tali na yun ay yung taong makakasama natin habang buhay."
"Talaga? edi ibig sabihin forver na tayo magkasama? " manghang tanong niya
"Oo naman! "
"Hindi mo ko iiwan ha ? Dapat nasa tabi lang kita dapat. Promise ha"
"Oo, promise! Hindi kita iiwan. Ako kaya ang Prince Charming mo. Poprotektakahan kita sa bad guys !"
pinagcross pa namin yung pinky fingers namin sign na tutuparin namin yung promise namin sa isa't isa
_______
"Josh, san ka pupunta?" tanong sa akin ni Tina ng tumayo ako
nandito kami ngayon sa kwarto niya ginagawa yung assignment namin
"Ah, magkikita kasi kami ni Rod meron kami pupuntahan" palusot ko
"Hindi mo pa nga tapos yung assignment natin. Halika dito tuturuan na nga kita eh !" kunot noo niyang sambit
"Mamaya na lang Tina. Babalik din ako kaagad. babye !" paalam ko at tumakbo na palabas ng bahay nila
iniwan ko na muna yung mga gamit ko sa kanila babalik din naman ako
"Oh, Josh nandyan ka na pala. Ano game na na ?" aya sa akin ni Rod ng makita ko siya
papunta kami mgayon sa computer shop tuturuan daw kasi nila ako nung bagong laro
counter strike lang kasi ang alam ko pero may bago daw ngayon, ano ulit tawag dun?...
"...DOTA, madali lang yan Josh may mga skill ka na dapat gamitin para matalo mo yung kalaban tapos may mga tore din na dapat pabagsakin"
pagpapaliwanag niya sa akin habang pinapakita kung pano ito laruin
"madali lang pala eh! sige sige ittry ko laruin!" masaya kong sambit at sinubukan na ito laruin
"Alam mo ba Josh, kapag naging malakas na tayo dito pwede tayo sumali sa mga tournament. May mga pera na mapapalanuhan!" masiglang sambit ni Rod habang seryosong naglalaro sa tabi ko
nag renta kami dito sa piso net ng dalawang computer para makapag laro
may 5 pesos naman ako kaya masusulit ko ito at matutunan laruin
tama ang sinabi ni Rod kailangan ko magpalakas dito para makasali sa tournament at magka pera.
ibibigay ko kay mama yung ibang mapapanalunan ko
tapos pag nanalo ako makikilala pa ako sa buong mundo!!
masaya kaming naglaro ni Rod hanggang sa maubos ang oras namin tsaka ako bumalik sa bahay nila Tina para tapusin ang aking assignments
__________
Note:
Hindi ko po alam laruin yung DOTA kaya sorry po kung may mali basta alam ko may mga skill duon hehe.
YOU ARE READING
Hanggang Dito (ON HOLD)
Short StoryJosh and Athena are childhood friend turned into lover but timing isn't in favor of them. Will they be able to beat destiny or let destiny ruin their relationship?