CHAPTER 9
He's Jealous
Aitana/ Abry's POV
Kapapasok lang namin sa bahay at as expected sermon agad ang narinig ko mula kay kuya at aswang. Hawak hawak ko pa si Santi sa kamay. Para kaming batang gumawa ng napakalaking kasalanan at sinesermunan kami ngayon.
"Who told you to lie, Aitana Bryleigh?! Alam mo bang kung saan saan na kami pumunta para mahanap ka! Yun pala eh nag karay ka ng bata! Pinagpaalam mo ba yan?! Sumasakit ang ulo ko sayo! Ang dapat sayo walang day off! Kung ano ano ginagawa mo!"
minasahe ni kuya ang sentido nya. Sasagot na sana ako ng magsalita ulit sya."Wag ka ng sumagot! Sasusunod talaga kahit day off kasama mo si Desh! Masama sayo ang nakakawala sa koral!" at nagtuloy tuloy ang sermon ni kuya.
Siguro hindi muna ako papasok bukas. Ipapa enroll ko si Santi sa school papasama na lang siguro ako kay Tabs.
Sa gitna ng pagiisip ko at pagsesermon ni kuya ay parang nakaramdam ako na may isang pares ng matang nakatitig sa akin. Tumingin ako sa katapat na upuan namin at nakita doon si aswang na masama ang tingin sa akin.
"Kuya." tawag ko kay kuya ng matigil sya sa pagbuga ng apoy.
"Ano?!" sigaw nya kaya napaigtad ako. Grave si kuya napapadals ang pagiging high blood.
"Hindi ako papasok buk--"
"At bakit? Gagawa ka nanaman ng kalokohan?! Nako tigil tigilan mo ako Abry! Isa pang kalokohan at hindi ka na lalabas ng bahay!" si kuya hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita, ano ba naman yan?!
Lumingon naman ako kay Santi ng kinalabit ako nito. Sumenyas sya na ilapit ko daw ang tainga ko.
"Di pa po ba tapos magalit si kuya? Para po syang dragon na bumubuga ng apoy.." napatawa ako sa bulong nya. Napatingin tuloy si kuya ng masama sa akin.
"At ikaw bata! Anong pangalan mo? Sino ang nanay mo? Bakit kasama mo 'tong kapatid ko? Saan ka nakatira?" sunod sunod na tanong ni kuya.
"Dami nyo naman po tanong. Hindi po ba pwedeng isa isa?" tinakpan ko ang bibig ko para pigilang matawa dahil sa masamang titig ni kuya.
"Ikaw na bata ka. Kung ano ano na siguro tinuro sayo nitong pasaway na to! Hindi ba pwedeng sagutin mo na lang?" inis na sabi ni kuya.
"Santi po ang pangalan ko pero sabi ni ate Abry, Santi Tate Sanchez na daw po ang pangalan ko---"
"At bakit naman?" putol ni kuya kay Santi.
"Dito na sya titira, kuya.. I want him here and you can't do anything about it. That's final." sabi ko para hindi na sya umangal.
"May magagawa pa ba ako? Eh naibigay mo na ang surname natin sa batang iyan?" napa yes naman kami ni Santi.
"Kuya pwede na ba naming ayusin yung isa sa mga kwarto?" tanong ko. Baka kasi mamaya aalis kami eh di pa pala tapos ang sermon mabugahan nanaman kami.
"Oh sige sige na. Desh tulungan mo tong dalawang to." utos ni kuya kay aswang.
"What?" parang inis pang tanong na sabi ni aswang.
Galit talaga ata si aswang. Ano bang ikinagagalit nya? Hindi ko naman sya inaaway ah. Baka nagtampo kasi hindi namin sya isinamang mag shopping?
"Tulungan mo sila dahil di ko sila matutulungan. Aayusin ko ang mga papers ng batang to. Isasama ko tuloy si Tabitha." What? Akala ko ba nagkukunwari lang sila?
"Kuya. Sinasabi ko sayo. Kapag umiyak ang best friend ko magagalit ako sayo." i warned him.
"Oo na oo na. Sige na aalis na ako." kumaway sya bilang paalam.
BINABASA MO ANG
He's My Pervert Assistant (COMPLETED)
RandomDeshawn Reed Rivera, the new assistant of Aitana Bryleigh Sanchez, the CEO of Sanchez Clothing Line. What will happen if their world's meet? A simple boss and a pervert assistant? Do you think they'll both click to each other? Or it's the other way...