"Hindi dapat ako tatablan ng insulto pero dahil nanggaling yun sa'yo ay naging kutsilyo yun na unti-unting humihiwa sa puso ko."
Ang pagmamahal, kahit hindi lumalabas sa bibig ay makikita at makikita sa bawat pagtitig.
The Stare Of Yours
Written By : Beth Sharmel
There are different types of staring.
Ohh! Di mo alam yun no'?
At dahil alam ko yun ay ikwekwento yun isa-isa sa'yo.
Observant Stare. 'Yan yung tipo ng titig na may napansin lang, may napansin sa'yo o may napansing kakaiba sa mga mata mo. Basta may napansin lang ka'ya nga observant di ba?
Different Stare. Title pa lang kakaiba na, edi syempre unique kakaiba e. 'Yan naman yung tipo ng titig na hindi mo maintindihan kung bakit kaniya tinititigan. Hindi mo mahulaan kung anong dahilan ng pagtitig niya sayo. 'Yung tipong mapapaisip ka na lang na Anong problema nito? Bakit ang werdo?
Miss Stare. Hoy alam ko na nasa isip mo hindi 'yan joke na MISTER ha? Ang totoong ibig sabihin niyan ay nangungulilang titig. Dun pa lang may ediya ka na, miss ka niya ka'ya ka niya tinititigan ng ganun yun lang yun.
Not THING Stare. 'Yan naman yung tipo ng titig na wala. Nothing, walang pake basta lang siya tumitig dahil trip niya lang walang masyadong malalim na kahulugan dahil trip ka lang naman niyang titigan.
Long Stare. 'Yan naman yung tipo ng mahabang pagtitig nangangahulugan lang na matagal na pagtitig. Nangyayari lamang 'yan kapag biglang nag-slow motion ang lahat. Sobrang sweet moment tapos hindi mo namalayan na matagal na pala kayong tumititig sa isa't-isa tapos kapag bumalik na ka'yo sa wisyo ay bigla kayong mahihiya at maiilang.
Emotional Stare. 'Yan naman yung tipo ng titig na kahit maluha luha na ay hindi siya pumipikit basta para lang matitigan ka niya, matitigan yung mukha mo. Ganito ka niya pinagmamasdan kahit na mahirap at sumasakit yung mata niya at namumula-mula.
Shock Stare. Gulat, nagulat, pagkagulat na titig. 'Yan naman syempre yung dahil sa gulat ay hindi mo namalayang kanina mo pa pala siya tinitigan. Kahit ang pagkagulat ay may iba't-ibang uri din, maari kasing nagulat ka dahil hindi mo inaasahang makita mo siya. Nagulat ka, dahil ang alam mo'y patay na siya nguni't ngayo'y kaharap mo siya at kinakausap ka. Maari rin naman nagulat ka dahil sa takot, matatakutin ka at ayaw mo sa mga multo, halimaw, aswang at iba pa.
'Yan ang iba't-ibang uri ng pagtitig.
Nagsimula lang naman ang lahat dahil sa kanya ehh, sa kanila.
Hindi dapat pero nangyari, ayoko pero sa huli ay gusto ko rin pala.
Bawat hakbang, bawat galaw ay may kapalit, bawat salita katumbas ay sakit may minsan may palagi mabilis man o marahan ay walang madali.
Hayy ewan basta ang gulo.
Ang masamang panaginip na yun ay siya palang magiging rason para makilala kita para. Para mahanap kita, ang inaasahan ko ay ikaw na nga na siyang kaharap ko pero hindi, hindi pala, huli ka palang dumating may pa sabog ka pala.
Astig tss
Mayabang ka! masama ang ugali mo! ayoko sayo! Hindi kita gusto!
Hindi kita kilala, hindi na dapat pa kita nakilala, dahil hindi lang ako ang nasasaktan pati ikaw na rin.
Ang bawat eksena, ay patuloy lang bumabalik sa aking isipan.
Kung sana lang ay hindi mo na ako nakilala, hindi na kita nakilala hindi na dapat pa kitang nakilala. Masakit ang mga alaalang masasaya noon pero puno na ng sakit, pait, at pagdurusa ngayon.
Sabi na eh! Tama talaga ako sa sinabi ko sa iyo, hindi ako nagkakamali.
"Nagsisisi akong nakilala kita! sana hindi na lang kita nakilala para hindi na kita nakita mas nakilala at nakausap pa."
Masakit man pero tatanggapin ko tatanggapin at tatanggapin ko lahat lahat ng bawat masasakit na salitang binitawan ko sa'yo.
Napasinghap siya sa sinabi ko, batid kong pinipigilan niyang maluha pero nakakalungkot na hindi siya nagtagumpay.
"Ngayon alam ko na, naiintindihan ko na, na mas masakit pala ang bawat insulto kung sa iyo ito nagmumula." sinabi niya yun ng emosyonal, hindi kapanipawalang nasabi niya yun ng ganon na para bang bago lang yun sa akin.
Nagulat ako ng bigla siyang tumalikod. Aalis siya? Saan naman siya pupunta?
"San k--"
"Huwag mo nang subukang pigilan ako dahil kung ano man ang gusto mo, ay hindi na kita pipigilan pa." ang mas nakakagulat ay humarap siya sa akin, ng nakangiti na nguni't patuloy na tumutulo at pumapatak ang mga luha sa kanyang mukha.
Alam kong luha yun hindi lang yun ulan Masakit na tinanggap mo, sana hindi ka na lang pumayag. Sana umayaw ka man lang.
"Ikaw na rin ang nagsabi, edi malaya ka na." sinabi niya yun ng walang kahirap hirap na para bang biro lang lahat ng sinabi niya at kailangan kung matawa pero hindi. Hindi yun corny at hindi rin yun nakakatawa.
Sumisinghot-singhot siyang umalis iniwan ako sa gitna ng ulan.
Dinudurog ang puso ko at nahahati na ito sa pira-piraso. Gusto kong sumigaw, gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ko sa'yo pero tama lang yun kasi sabihin ko man yun o hindi ay masasaktan ka pa rin at mas masasaktan ka lang.
Pasensiya pero yun ang kailangan kong gawin.
'Abangan'
Marami ang nagsimula at ang iba'y natapos maraming nagsisimula palang pero agad na natatapos pero mas maraming natatapos at muling nagsisimula.
Ang bawat kwento ay may aral pero mas maganda pa rin kung ipagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral.
Pero isa lang ang natutunan ko na, Ang pagmamahal, kahit hindi lumalabas sa bibig ay makikita at makikita sa bawat pagtitig.
Sana lang nalaman mo na mas masarap ang bawat alaala kung kasama ka Lorenzo......
Kung sakaling kasama pa nga kita.
BINABASA MO ANG
Your Stare
RomanceAkala ko ay kaya kong mag-isa pero nagkakamali pala ako dahil hindi pala, nakakainis na hindi ko pala ka'ya hindi ko kayang wala ka. Cringe lines I have again, and again just so you know how I loved you even in your lowest I'll be here. I'll choose...