THE CHAPTER TWO

2 0 0
                                    

Lorenzo Point of view

Napailang kurap ako ng makita ang babaeng muntikan ko nang mabangga.

Paano siyang nakaiwas dun sa kanina?

Agad akong bumaba ng mamataan kong nabangga ako sa isang puno.

Malaki ang kotse ko at napakatibay hindi ko akalaing nasira nang basta ang unahan nito dahil sa kagagawan ko pero sa totoo lang ay hindi dahil kagagawan ito nung babae kanina.

Agad akong bumaba para habulin ang babae. Kahit patuloy na dumudugo ang ulo ko at ramdam ang bawat sugat ko na hindi ko man lang alam na meron pala ako nito.

Hindi ko alam kung bakit pero palagay ko ay naramdaman niya ang presensiya ko o di kaya'y narinig niya lamang ang mabibilis kong yabag.

"Hey, you!" humahangos at hirapin kong sabi na tila ba napakalayo ng tinakbo.

Nilingon niya ako, nagulat pa 'ko ng aking masilayan ang kakaibang mukha niya na pumukaw sa akin.

"Hindi." at umiling ako.

"Hoy, mister kausap mo ba 'ko o yung sarili mo? Kasi marami pa 'kong dapat gawin e masyado kang abala." nainis naman ako bigla sa sinabi niya.

Sa gwapo kong 'to! Ay abala lang para sa kanya? Ang Yabang ha!

"Huwag ka ngang mayabang jan! at saka sa itsura kong 'to ay abala lang sa'yo! baka gusto mong ayusin 'yang pananalita mo dahil hindi nararapat sa akin yun!" mayabang na sabi ko na para bang wala akong iniindang sugat.

"Makapagsalita kang mayabang e ikaw din naman!" pambabara niya.

"Hey, anong ako din baka ikaw lang! Dahil yung sinabi ko kanina ay purong katotohanan yun e yung sayo hindi!!!!" nawawalan na ng pising sabi ko.

"Katotohanan katotohanan tsk tsk tsk tsk, ohh sige na abala ka talaga, paalam mister ngiting luhaan." nakangising sabi niya agad ko namang hinawakan ang braso niya dahilan para mapahinto siya.

Bago niya pa ako lingonin ay maharas niyang hinila ang braso niyang kapit ko.

Napailing nalang ako ng makita ang salubong niyang kilay at galit na mukha ng humarap sa akin.

She's maybe angry? Huh?

"Hoy, mister tigil tigilan mo 'yang galawan mong ganyan ah! Kung ayaw mong mawalan ng pagkalalaki." galit na bulyaw niya sakin dahilan para agad kong tanggalin ng nandidiri ang kamay ko sa braso niya.

"Hoy mahiya! ka naman ako talaga? Sa pagmumukha kong 'to--"

"Hoy mas mahiya ka dahil ako may mukha e ikaw wala!"

"Anong wala?!!, ok fine I challenge you to look into my eyes at kung sinong unang kumurap siyang walang mukha" seryoso kong usal.

"Sigurado ka na ba jan? Baka mamaya bigla kang umatras?" umiling ako.

"Now" bigla kong sabi na siyang hudyat na kami'y magsimula.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon