Assignment Ni Jin

1.8K 113 7
                                    

Isang araw, binigyan sila ng guro ng assignment. Sa bahay nagtanong si Jin.

Jin: Nay, anong sagot sa number 1?

Nay: Punyeta ka! Marami akong ginagawa!

Jin: Salamat nay. *Sinulat ni Jin sa papel ang sinabi ng nanay niya*

Pumunta si Jin sa tatay niya.

Jin: Tay, anong sagot sa number 2?

Kumakanta ang tatay niya.

Tay: Dun sa kubeta.

Jin: Sige. *Sinulat ulit ni Jin sa papel*

Pumunta naman si Jin sa tito niya.

Jin: Anong sagot sa number 3?

Tito: So?

Jin: *Sinulat ni Jin ang sinabi*

Pumunta naman si Jin sa lolo.

Jin: Lolo, anong sagot sa number 4?

Ang lolo niya ay nagbibilang ng pera.

Lolo: 10, 20, 30, 40.

Jin: *Sinulat ni Jin sa papel*

Pumunta si Jin sa tita niya.

Jin: Anong sagot sa number 5?

Ang tita niya ay may katawag sa telepono.

Tita: Bye! Di na!

Jin: *Sinulat ulit ni Jin ang sagot sa papel*

Kinabukasan, nagtanong ang guro.

Teacher: Anong sagot sa number 1? Jin.

Jin: Punyeta ka! Marami akong ginagawa!

Teacher: San mo natutunan yan?

Jin: Dun sa kubeta.

Teacher: Bakit mo ako ginaganyan?!

Jin: So?

Teacher: Anong gusto mong grade?

Jin: 10, 20, 30, 40.

Teacher: Suspended ka!

Jin: Bye! Di na!

A/N: Jin, isa pa ha! xD

Bangtan ScenariosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon