After 8 years.....
Zycile's P.O.V.
"Ladies and gentleman, welcome to Havoncxien International Airport. The local time here is seven thirty-five in the morning. On behalf of the airline and the entire crew, I'd like to thanks you for joining us on this trip and we are looking forward to see you in board again in the near future, have a nice day!" Nanatili lang akong nakapikit habang nakasandal parin sa upuan ko kahit na- announce na nakalapag na kami. Hinihintay ko munang kumonti na ang mga tao dito sa loob bago ako tatayo kay pumipikit-pikit muna ako.
"Are you okay ma'am?" Rinig kong tanong ng isang babaeng flight attendant nang makita nyang nakasandal parin ako sa upuan at nakapikit.
"Nah, I'm fine." Binigyan ko ng tipid na ngiti ang F.A. bago ko nilibot ang paningin ko sa paligid.
Nang makita kong halos lahat na ng mga pasahero ay nakalabas na ay agad ko nang kinuha ang mga bagahe ko at lumabas na rin ang eroplano. Agad akong sinalubong ng malakas sa simoy ng hangin pagkalabas ko ng eroplano. Napangiti ako. Hmmm, how I miss this country. Its been so long...
Agad na akong naglakad papunta sa may arrival area at nang makarating ako roon ay agad kong nilibot ang paningin ko.
"Nasan na ba ang bruhang iyon?" Bulong ko. Ayokong magtagal dito at maraming nakatingin sakin. Tsk tsk tsk...
"ZYCILE!!!!!!" Well, speaking of the witch.Kaagad na may yumakap sakin mula sa gilid at muntik pa akong matumba at mabuti nalang ay mabilis ang reflexes ko at hindi ako na out balance kaagad.
"Ba't ba antagal mo?" Taas kilay ko syang tinanong.
Agad syang napahawak sa dibdib nya na parang sinaksak sya doon.
"Ouchie, me prend! Walang 'hi, hello, namiss kita, kamusta na?' tinarayan ako agad? Grabe ka! Chakeyt!" Umaakto pa syang nagpupunas ng luha.
Napairap nalang ako. Bakit di pa ito nagbabago? Loka-loka parin eh. Tatanda ata ako nito ng maaga 'pag ito lagi ang kasama ko.
Agad kong tinapat sa knya ang isang paperbag na may tatak na Chanel sa harapan nya at kaagad syang napatigil sa pag-e-emo nya at biglang sumigaw na parang batang binigyan ng pamasko ng ninang nya na tumatalon-talon pa. My gewd, kahiya!
"Thank you, thank you talaga, bebe Zy! Kaya love na love kita eh!" Sabi nya sabay kayap sakin ng mahigpit. Agad kong hinampang ang braso nya dahil parang malalagutan na ata na ako ng hininga sa sobrang higpit ng pagkakayakap sakin.
"H-Hindi ako makahinga, gage!"
Agad syang nag-peace sign sakin at tinulungan na akong buhati n ang iba ko pang mga bagahe at nilaga sa back compartment ng kotse nya.
"So, what's up my dear prend? Grabe ka ha, big girl kana talaga." Sabi nya sakin habag nagda-drive sya.
"I was very very very busy, my goodness!" Sabi ko. Buti nalang talaga at pinauwi na ako dito ng kuya ko. Talagang blessing in disguise din siguro ang pagpapauwi ni Kuya sakin dahil tapos na ang sinabi ko sa kanyang 8 years na doon ako maninirahan sa U.S..
"Ikaw ba naman ang maging isang super model tapos doctor pa? Sino ang hindi magiging busy nyan? Ang sakim mo talaga pagdating sa trabaho, Zy! Pipili ka nanga ng ipagsasabay na trabaho, yung puro pa hectic ang schedule! Kaloka ka!" Tinawanan ko lang sya.
"It's been so long, right?" Tanong ko habang nakadungaw sa bintana.
"Yeah, bebe gurl. Beri beri long! Naku! Wala akong kadamay sa mga kabaliwan ko in 8 years kaya humanda-handa kana at damayan na tayo nito pagdating sa kabaliwan!"
YOU ARE READING
FAO Series #1: The Unexpected Changes
General FictionZycile was head-over-heels inlove with Kaizon Xin Reesze way back in their highschool days. He was her first ever love. So after 3 years of secretly loving Kaizon, she finally have her guts to confess her feelings to him but Kaizon immediately turne...