Chapter 7 [Ending](SPG)

2.6K 60 5
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya habang hindi makapaniwala sa narinig. I remembered one scenario na akala ko ay nanaginip ako ng sabihan niya ako ng I love you.

Gosh!! Totoo yon?? Hindi yon panaginip??

"You love me??" I asked him para manigurado

"Yeah..and actually, gusto na agad kita noong una palang tayong nagkasama sa isang project. Nahulog narin ako ng tuluyan sayo noong may nangyari sa atin lalo na noong nalaman kong buntis ka." He said na mas lalong nagpagulat sa akin.

Hindi nga??

Sh*t!! Gising na gising ako diba?? Hindi ako nananaginip lang??

"W-what?? Totoo ba yang sinasabi mo?" Hindi ko parin makapaniwalang tanong. Ngumiti naman siya at nawala na yung nakikita kong pangamba at takot sa mukha niya kanina.

"Opo misis ko. Inakit mo kasi agad ako noong una tayong nagkasama. Tsaka ikaw palang yung sinusungitan ko na nakangiti parin sa akin. You changed me Marie at nagpapasalamat ako dahil napunta ka sa akin ganon din ako sayo.. Mahal na mahal kita at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin. Ilang oras pa nga lang kitang hindi makasama para na akong mababaliw tapos ang mawala pa kaya?" Anito na lalong nagpaiyak sa akin. Ni wala manlang akong ideya na pareho na pala kami ng nararamdaman tapos nagalit pa ako sa kanya.

"Sorry hubby. Masyado lang kasi akong naniwala na hindi mo ako kayang mahalin. Simula kasi noon ay nakay Cathy lang nakatuon ang pansin mo kaya hindi mo ko masisisi na magduda lalo pa at nasa paligid lang siya. Tsaka hindi ko lang macontrol ang damdamin ko ngayon dahil sa kalagayan ko." Naluluha kong sambit saka sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Tama nga si Thana kanina, kailangan ko lang na bigyan ng panahong magpaliwanag si Drake. Minsan kasi talaga sa mag-asawa ay dapat na laging nagkakaintindihan at kung may problema ay dapat na pag-usapan dahil baka mauwi sa misunderstanding. Natuto na talaga ako at sa susunod talaga ay hindi muna ako magcoconclude ng kung ano ano. Todo emote pa talaga ako kanina at naiyakan ko pa si Thana ng tawagan ko siya eh mali naman pala ang mga hinala ko.

"Enough crying wifey, baka mapano ka pa at si baby natin. Wag ka nang magtampo at magalit okay? Tsaka hindi kita ipagpapalit kahit si Cathy pa yan. Ikaw ang asawa ko at ikaw ang mahal ko kaya sayo lang ako at akin ka lang." Anito sa pinunasan ang luha ko na hindi matigil sa pagtulo.

Naman eh! Bakit ba sobrang madrama kapag buntis ka??

"As if namang ibibigay kita sa iba lalo na sa Cathy na yon. Kung hindi lang talaga ako buntis sinugod ko na siya kanina." Sambit ko at tumawa naman siya.

"Akala ko nga gagawin mo yon kanina pero tumakbo ka lang paakyat." Anito na ikinalaki ng mata ko.

Nakita niya ako kanina??

"You saw me??"

"Yeah at hindi mo alam na sinundan agad kita paakyat pero nilock mo ang pinto kaya hindi ako nakapasok. Tsaka baka mag-away pa tayo ng husto kaya hindi na ako pumasok at umalis nalang at hinayaan kita na kausapin si Regina." Gosh! Pati yon alam niya??

"Nag-usap ba kayo ni Thana?" I asked him at tumango naman siya.

"Sinigawan niya ako kanina dahil pinaiyak daw kita. Binantaan pa niya ako na kapag hindi ko inayos ang lahat ay kukunin ka niya dito at itatago para hindi kita makita." Sabi niya.

Ginawa ni Thana yon?? Gosh! Ang sweet naman ng kaibigan kong yon! Hindi talaga ako nagsisising kaibiganin siya at maging matalik na kaibigan ko. Matawagan nga siya mamaya.

"Buti nga sayo." sambit ko naman na ikinasimangot niya.

"Why do I feel like pinagpalit na ako ng bestfriend ko sayo?" anito kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

One Hot Night to Forever (The Unexpected Love)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon