Chapter 1

323 24 44
                                    

A: Sa mga nakapagbasa sa mga naunang series, iniba ko 'yong name ni Deborah to (Kirsten Vile Miller), Matteo to (Stanley Matteo Patterson) and Elijah Nathaniel to (Zedrick Nathaniel Hendrix Miller). I'll retype their official names, sa naunang series, kapag may time na ako. Thanks! :3

💉💉💉

Ilang oras ang itinulog ko sa kasunod na araw. Lumipat din ako sa pinakamalayong hotel na tinutuluyan ko noong unang gabi ko rito sa Siargao. Tinitiyak ko lang na hindi ulit kami magkikita ng lalaking nagwasak ng kiffy ko.

Kasi first of all, ayaw ko ng attachment. Second, hindi ako 'yong clingy type na biglang naging golden retriever dahil lang naghalikan kami. At lastly, hindi ako 'yong babaeng nag iimagine na agad ng future naming dalawa dahil lang sa nagwapuhan ako.

One week akong mananatili sa Siargao. May balak kasi akong magtravel pa at mag explore sa mga magagandang beach resorts sa Pilipinas. Like hello? Ano ang silbi ng perang ibinibigay sa akin ni Luciano kung hindi ko ito gagamitin?

Mahilig akong magwaldas ng pera. Si Samuel nalang ang sumosuway sa akin at palagi naman akong nangangatwiran na may karapatan akong waldasin ito dahil kusa niyang ibinigay sa akin ang pera. Kasi for your information, never in my wildest dream na hihingi ako ng pera sa kanya.

Bobo lang ako sa part na pinuntahan ko siya sa kanyang opisina! Iyon ang una at huling beses na pupunta ako sa opisina niya. Mamamatay akong dala ang katagang iyan dahil hindi na talaga ako uulit!

Kahit sa mga walang kwentang bagay ay ginagasta ko ang pera para maubos kaagad ang ibinibigay niya. So far, wala pa namang nagrereklamo kaya sa tingin ko ay ayos lang. Marami namang pera ang Daddy ni Lucien kaya pake ba nila kung winawaldas ko 'to? Kapag binigay na, edi sa akin na! Big deal ba 'yon?

Ngumiti ako sa salamin at inilagay ang shades ko. Inayos ko rin ang dilaw na sundress na yumayakap sa katawan ko. Sa ilalim nito ay ang suot kong two piece na blue. Balak ko rin ang magpa tan dahil gusto ko ang gano'ng kulay sa balat.

Dapat kasi, 'yong hinanap ni  Mommy na lalaki ay iyong katulad ni Tito Morgan. Don't get me wrong ha? Moreno si Tito Morgan at gwapo. At higit sa lahat, sobrang ganda ng manners. Malayong-malayo sa pagkatao ng Daddy ni Lucien. Hindi ko nga alam kung bakit nahulog doon si Mommy. Kasi kung ako lang, hindi talaga pasok sa standards ko ang mga kagaya niyang lalaki.

Pero kahit yata sinong bayag ang iharap sa akin ay hindi ito papasok sa standards ko. Kasi 'yang mga lalaking 'yan. Wala silang alam gawin kundi ang patayuin ang bagay na nariyan lang sa pagitan ng hita nila. At kapag nalanta na ito at tapos na nilang ipaputok sa loob ng isang kiffy, goodbye ka na. Oo, nilalahat ko talaga kasi anong paki nila sa paniniwala ko? Walang makakapagpabago sa perspective ko. Opinion ko 'to!

Dinama ko ang simoy ng hangin habang naglalakad sa malambot na white sand. May ibang napapatingin sa akin at tumataas lang ang kilay ko dahil ayaw kong pinagmamasdan ang kabuoan ko na parang ngayon lang sila nakakita ng maganda. Binuksan ko ang camcorder ko at nagsimulang kumuha ng magagandang anggulo.

Mahilig akong mag post ng daily vlogs sa social media. Trip ko lang. Kasi ano ang silbi ng ganda ko kung hindi makikita ng mga tao? May point naman talaga ako. At medyo ilang araw na akong hindi nag u-update sa socials ko dahil ayaw kong matunton ako ng mga kapatid ko.

Pagkatapos kong maglakad ay nagtungo ako sa isang restaurant. Nag order lang ako ng light food. Habang hinihintay itong i-serve ay binuksan ko ang ipad ko at bumungad kaagad ang mukha ni Mommy.

"Hi Mom!" magiliw kong bati at flinex sa kanya ang tanawin sa likod ko. "Ang saya dito. Thank you kasi pinayagan mo ako."

Ito kasi ang pinakauna kong travel na mag-isa lang ako tapos lagpas pa sa border ng Saraman. At sa tingin ko, na-consider ni Mommy ang gusto ko dahil alam niyang magagalit lang ako kay Luciano. Ayaw niya kasing magalit ako sa lalaking 'yon ngunit hindi ko talaga mapigilan. Tanga lang ang hindi magagalit sa kanya.

The Unexpected Feelings: Scandalous Series 4 [ONGOING]Where stories live. Discover now