Chapter 3

189 20 0
                                    

Bata palang ako, nakatanim na sa utak ko ang pagkadisgusto ko sa mga lalaki. Iyong tipong kapag may nangyaring mali sa mundo, ang unang papasok sa isip ko ay lalaki. Kung may nawasak man na relasyon, parang may automated machine na agad na sumusulsol sa utak ko na lalaki ang dahilan kung bakit nagkaganun.

Noon, kahit sa mga kapatid ko ay ganun din ang pagtingin ko. I witnessed kung paano pinaasa ni Samuel 'yong babaeng gusto niya. Sa sobrang saya nila, biglang kinabukasan, may iba na palang girlfriend ang kakambal ko. Worst, bestfriend naming dalawa ni Sadie ang babae. Ang bobo lang.

Si Lucien naman, libro lang ang sinasamba nun ngunit may pagkatanga talaga 'yon pagdating sa pag-ibig.

At sa kabila ng pagkadisgusto ko sa lalaki, wala akong choice kundi ang tanggapin silang dalawa sa buhay ko. Hindi ko naman magiging kasalanan kung ganun din ang takbo ng tornilyo nila sa ulo.

Kaya ngayon, hindi ko mahanap kung saan nanggagaling itong pagsunod ko kay Zedrick Nathaniel Hendrix Miller na inutusan akong i-treat siya ng breakfast. May kung ano sa kanya na bigla nalang susunod ang katawan ko para sundin siya sa kung ano man ang sasabihin niya.

"What?" tanong niya habang pinagmamasdan ko siyang ngumuya.

Simula ng dumating kami dito ay hindi ko maigalaw ang pagkain ko dahil nagising ako sa katangahan ko. Kasi unang-una, bakit naman ako manlilibre ng breakfast? At pangalawa, sa lalaki pa talaga? Sa taong may bayag?

Hindi naman siya namumulubi para maawa ako sa kanya. Hindi niya rin naman ako magulang para bilhan ko siya ng pagkain. At ang nakakainis pa ay hindi niya naman ako pinilit ngunit nandito kami ngayon, magkaharap. Siya ay maganang kumakain habang ako ay paulit-ulit siyang pinapatay sa utak ko.

"I'm going to melt, Savy," he said, tilting his head as he cut his steak. Hindi manlang nahiyang kumain sa harap ko. At talagang ang mahal ng mga pagkain na inorder niya! "Are you thinking of me as your breakfast?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Pinilit ko pang maubo dahil sa tanong niya. "Kadiri."

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Hmm, the last time I checked, you enjoyed it when I shoved him into your sweet mouth."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Luminga ako sa paligid bago siya pinandilatan ng mata. Umagang-umaga, sira na agad ang araw ko!

"Pwede bang pagkatapos mong kumain umalis ka na sa harap ko?" madiin kong sinabi. Walang akong pakialam kung magmukha akong bastos.

Nagkibit balikat siya. "No worries, I'm only here for breakfast."

Umirap ako. "At ano ba ang ginagawa mo sa kwarto ko? Paano ka nakapasok?"

"Ah, I suppose your amnesia has been activated again." bored niya akong tinapunan ng tingin bago isubo ang steak.

Sinamaan ko siya ng tingin. Siya na nga itong pinakain ko ayaw pa akong kausapin ng maayos! Dapat nga ay magpasalamat siya dahil ito ang pinakaunang beses na nanlibre ako sa buong buhay ko!

"Okay," sumandal siya sa upuan at pinagmasdan ang mukha ko. Tapos na siyang kumain ngayon. Hindi ko talaga inalis ang titig sa kanya para maramdaman niyang hindi ako natutuwa na kasama ko siya.

Ngumisi siya bago ulit magsalita. "You begged me to sleep with you."

"What?! Sinabi ko 'yon?" napatayo ako sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa narinig.

Kinagat niya ang labi at nagkibit balikat. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa restaurant. Pinakalma ko ang sarili ko at umirap. Sa paraan ng pagtitig niya ay mukhang natutuwa ito sa reaksyon ko.

"Alam mo Miller, tanga ka ba? Hindi ka naman ganun kagwapo at kasarap para sabihin ko 'yang inaakusa mo." madiin kong sinabi at naupo.

Kinagat niya ang dila at humalukipkip. Shit! Oo na, gwapo na siya. Pero nababadtrip ako sa pagmumukha niya. Sagad!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unexpected Feelings: Scandalous Series 4 [ONGOING]Where stories live. Discover now