Simula nang mangyari 'yon ay hindi na ako kailan man lumapit pa kay Olivia o kahit kaninong tao.
Hanggang ngayong 17 years old na ako, wala akong kinaibigan mula nung pangyayaring iyon.
Natrauma ako.
Nasa mindset ko na na kapag nag karoon ako ng kaibigan mangyayari uoit 'yon baka mas malala pa.
Sa ilang taong nag daan nag karoon ako ng tatlong boyfriend.
Lahat sila niloko ako na naging dahilan ng nararanasan ko ngayong depresyon.
Simula noong bata ako ay hindi na naalis o nawala 'yung trauma ko.
Sabi ng nurse sa clinic ng school namin ay mayroon daw akong unhealed trauma.
At depression.
"Kendra!!" Dali dali akong lumabas mula sa kuwarto ko ng marinig ko ang sigaw na 'yon ni mommy
Hirap na sigaw.
Tuluyan na sana akong lalabas at pupuntang salas ng makita ko si mommy na hawak hawak ang baril ng isang lalaking naka black suit.
Nag aagawan sila.
"Huwag na huwag kang lalabas diyan!" Sabi pa niya at tuluyan ng naagaw ng nanloob sa bahay namin ang baril saka siya pinaputukan ng dalawang beses.
Dali dali akong pumasok ulit sa kuwarto at dumaan sa bintana ko palabas.
Buti na lang at nag kasya ako sa bintana.
Pumunta agad ako sa bahay ng lola ko, nandoon kasi halos lahat ng mga tito ko na wala pang mga asawa.
Mas malaki sa bahay namin angbahay nila lola kaya kasya sila.
"Lola! Lola!" Tawag ko dito ng nasa tapat na ako ng gate ng mansyon nila.
Hindi ko mapigilang humagulgol.
Tatawa tawang lumabas si auntie Tina at pinagbuksan ako ng gate.
Pero napalitan ng pag aalala ang hitsura niya ng makita akong taranta at umiiyak.
"Anong nangyari sa iyo Kendra!?" Tarantang tanong nito at hinagod ang likod ko
Hinawakan ko 'yung dibdin ko kasi sumisikip na.
"A-auntie Tina s-si mommy po b-binaril n-ng isang lalaking p-pumasok sa bahay namin" iyak pa rin ako ng iyak hindi maprocess ng utak ko lahat.
Bakit ang bilis!? Bakit ang bilis lahat ng pangyayari!?
"Ano!?..... Lina! Carlo! Warren!" Tawag nito sa iba ko pang mga tito at tita
Taranta naman silang lumabas at sabay sabay na nag tanong...
"Ano ate!?" Si tita Lina
"What Happened, ate Tina!?" Si tito Carlo
"Bakit ka ba nag wawala diyan ditse!?" Si tito Warren saka ako nilapitan
"Si ate Brenda niyo! B-binaril pumunta kayo sa bahay nila!" Nag haharumintadong anito
Agad agad naman silang tumakbo mabuti na lang at malapit lang ang bahay namin.
Muntikan pang madapa si tito Warren sa sobrang pag mamadali.
Kami naman ni auntie ay pumuntang baranggay hall at tumawag sa 911.
"How's the patient, doc?" Tanong ni tita Lina ng lumabas ang isang doctor mula sa O.R
Tinanggal muna ng doctor 'yung mask niya bago sumagot...
"Maayos na po ang kalagayan niya. Natanggal na namin ang bala sa katawan niya" nakahinga ako ng maluwag dahil sa anunsyo ng doctor
"Kailangan niya lang mag pahinga ng ilang linggo or month" dagdag pa nito at nginitian kaming lahat.

YOU ARE READING
And This Is My Life [Short Story]
Short Storyang storyang ito ay tungkol sa mga kabataang nakakaranas ng depresyon at mga kabataang may trauma