Hi ako si Kendra i want to share my story.
My life....
|5 years ago|
"Kendra, laro tayo sa bahay niyo dali" pag aaya sa akin ng best friend kong si Olivia
Nandito kami ngayon sa playground dahil wala si mommy sa bahay kaya nakapag laro ako, birthday na ni Olivia bukas kaya pumayag na ako kahit sinabi sa akin ni mommy na bawal ako mag dala ng kalaro sa bahay dahil baka daw may masira.
"Halika na bilis" she said happily saka ako hinila paalis sa playground
Pag dating namin sa bahay ay agad kaming nag laro hanggang sa...
"Uy Kendra, ito ba 'yung bagong bili ng mommy mo na table?" Tanong niya nung nakita niya 'yung bagong biling plastic table na kakabili lang nina mommy kahapon.
Kalalabas lang namin sa kuwarto ko.
"Uhm.. oo" kinakabahang sagot ko, lahat kasi gustong subukan ni Olivia
"Laro tayo dito" aya niya umiling ako kaso umakto siyang iiyak
Halaa lagot ako pag umiyak 'to.
"Si-sige na nga" napipilitang sagot ko
Ayokong nakikitang umiiyak ang mas bata sa akin bukod sa papaluin ako, mapapagalitan din ako ng mommy nila.
Nag umpisa ng mag laro sa ilalim ng lamesa si Olivia.
Kitang kita ko 'yung mata niyang ngumingiti.
Masaya talaga siya.
Ilang saglit pa ay tumuntong siya sa ibabaw ng lamesa.
At mahinang nag tatatalon.
"Olivia, stop na! Baka masira 'yung lamesa" tarantang saad koPataas na ng pataas ang talon niya hanggang sa nawasak na nga ang lamesa.
Nalag lag si Olivia pero nakatayo din agad.
Natigilan ako.
Napaupo.
At napatungo na lang sa tuhod.
Saka humagulgol.
Oo O.A na ako pero gamit ni mommy 'yon! Na nasira ni Olivia dahil sa kapabayaan ko!
Ayaw ni mommy na may nasisirang gamit sa bahay.
"Anong nangyari dito!?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko
At napatayo nakita ko si mommy na nalag lag ang mga binili galing sa palengke.
Halos sumabog na si mommy sa sobrang pamumula at nag uusok na din 'yung ilong niya.
Wala na si Olivia. Bakit ang bilis niyang makaalis?
"Hindi ba't sabi ko huwag na huwag mong pakikialaman ang mga gamit sa bahay at lalo nang pag lalaruan!" Galit na galit na ani nito
Malakas akong napadaing ng ipinalo sa pangupo ko ni mommy ang isang medyo malaking piraso ng lamesa.
"M-mommy t-ama na po huwaaa huhuhu" sabi ko ng inulit muli ni mommy ang pagpalo
Nararamadaman ko ng sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Hanggang sa naramdaman ko ng lumapat ang likuran ko sa sahig at biglang dumilim ang lahat.

YOU ARE READING
And This Is My Life [Short Story]
Historia Cortaang storyang ito ay tungkol sa mga kabataang nakakaranas ng depresyon at mga kabataang may trauma