Chapter 3:

2 1 0
                                    

Sa bahay na kami nila lola tumira ng mangyari ang trahedyang iyon.

Sabi pa nga ni lola ng malaman ang nangyari ay...

"Sino ba kasi ang gumawa niyon? Sigurado akong kabit ni Arman 'yung nag pagawa non sa iyo"  gigil na saad ni lola

Nakaupo kami ngayon sasalas nila habang nanonood ng t.v.

Simula din ng mangyari ang trahedya sunod sunod na nakakatrauma'ng pangyayari na ang naganap sa buhay ko.

Nang gumaling si mommy ay bumagsak naman ang grades ko dahil inalagaan ko si mommy.

Natrauma ako non.

Pati nang muntikan na akong makidnapp.

Noong isang linggo lang ay nag karoon akong muli ng kasintahan pero hindi kami nag tagal dahil naukit ulit ang nangyari.

Nakakita siya ng mas maganda sa akin, naloko na naman ako.

Tumayo na ako muka sa sofa at hindi na pinakinggan pa ang pinag uusapan nila tungkol kay Jennifer na kabit ng tatay kong walanghiya.

Ako na namang mag isa sa kuwarto ko dahil wala ang dalwang babae kong pinsan.

Umupo ako sa kama at tumungo sa tuhod.

"Ano ba 'yan Lord... Bakit naman po sunod sunod. Hindi pa nga po nawawala sa akin 'yung trauma na dinulot noong bata pa ako..." Pag kausap ko sa sarili ko

Nangingilid na 'yung tubig sa mata ko pero pinipilit ko pa ring pigilan.

Ayoko ng umiyak! Pagod na ako!

"Lord... Kung gusto niyo na po akong kuhanin handa po ako" sabi ko pa

"Pero sa panahong successful na ako, sa panahong maluwag na ang paghinga ko"

"Lord... Bata pa ako pero bakit nararanasan ko na ang pag hihirap... Ang pag iyak... Ang lungkot na dala ng mundo. Lord b-bakit? A-ano po bang purpose ko dito sa mundo?"

Hindi ko na kayang pigilan 'yung nararamadaman ko kaya sumabog na ako.

Bakit ganon? Active naman kami sa simbahan?
Hindi ko naman tinatalikuran ang panginoon?

Bakit!?

"Purpose ko po bang maging pananggalang? Maging shield ng mga taong nakapaligid sa akin?"

Isang beses muli akong sumubok na mag karoon ng kaibigan pero wala.

Hindi naman naging maganda ang kinalabasan.

Nang mag 18th birthday kasi ako kinabukasan ay pumasok kami ni Madi.

Pag pasok namin ay may ginawang kalokohan si Madi, pero ako 'yung sinisi niya.

'yun na iyong huling pag sasama namin dahil umiwas na ako sa kaniya.

Ginagawa niya akong sheild.

Ako 'yung nasasaktan sa lahat ng ginagawa niya.

Marami na siyang nagawa at nasabing masasakit na salita sa akin.

Katulad ng naguidance kami dahil sa kagagawan niya.

Hinampas niya ng kahoy na makapal 'yung kaaway niya sa ulo kaya kami napatawag at ako na naman ang nasisi.

Malakas ang kapit ni Madi sa mga schoolmates namin kaya ganon.

Ako ang na kicked out sa school dahil sa dami na daw ng atraso ko na atraso naman talaga ni Madi.

Pero hindi ko 'yon sinasabi kahit kina mommy.
Ayoko silang mamroblema.

Sa sobrang pag ka private person ko kay Lord ko lang ibinubuhos ang lahat.

"Lord, kasi kung ganon nga po... Lord k-kuhanin niyo n-na lang po ako"

"L-Lord k-kasi po p-pagod na pagod na po ako" saad ko pa at ngumiti ng peke sa kawalan

Alam ko namang alam na ni Lord lahat ng nangyayari sa akin gusto ko lang sabihin.

"Lord... 'yung mild depression ko alam niyo po ba l-lu-lumalala na... Hindi na din po maalis 'yung trauma ko"

"Sunod sunod na pangyayaring nakakatrauma po ang nangyayari sa akin"

"Lord i hate myself so much... For being so dramatic" sabi ko pa saka mahinang pinag sasampal 'yung sarili ko

"Bakit ganon Lord? B-bakit ako na nga 'yung nahihirapan..."

"Lord, pati sa usapang pag mamahal..."

"Lord... Masama po bang mag mahal? Masama po ba akong tao? Hindi po ba ako karapat dapat na mahalin? Lord... Alam ko naman po na pangit ako pero ang hiling ko lang ay kahit isang beses.."

"I-isang beses lang po mahalin naman po ako ng totoo"

Pag katapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay humiga na ako at natulog.

Pero hanggang sa panaginip ko nakikita ko pa rin 'yung mga dahilan ng pag katrauma ko.

Kahit nakikita ko lang 'yung iba sa panaginip ay natotrauma pa rin ako.

Katulad ng online class na nahigh-jack, 'yung mga lalaking nag send sa akin ng nudes pictures.

Sobrang natrauma ako don.

Ilang beses ko na bang nasabi 'yung salitang Trauma?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

And This Is My Life [Short Story]Where stories live. Discover now