CHAPTER 2

15 0 1
                                    


   Hindi ko maipinta ang itsura dahil sa mga taong tingin ng tingin saakin.

Duh! First time nilang makakita ng katulad ko?

Well mukha naman,

Mukha kasi akong taga gubat na bagong baba sa syudad well thats true...

Pero di ko alam kung saan ako sasakay! Hindi naman sa first time ko magbyahe dito sa syudad pero fifteen years akong di bumaba eh malay ko bang ganito na pala kalaki ang pagbabago ng syudad diba.

Oo na i admited that i am a taong gubat tsk...

Tumingala ako sa bundok kung saan ako nang galing

'Mama naman bakit di niyo sinabing ganito na pala ang syudad'

Bumaba ako ulit ng tingin , pero agad ding sumama ng makita ang mga taong dumadaan na panay ang tawa sa akin at ang iba naman ay pigil ang tawa meron ding dumadaan lang pero di naman nakakatakas saakin ang mga mata nilang mapang husga.

Haysst...kailagan ko ng umalis.

Pero kailangan kung maghintay dito, sabi kasi ni mama na may darating daw na sundo ko.

Kinuha ko nalang ang bag ko at umupo sa tabi ng kalsada...

Kahit magmukha akong pulubi dito di ako aalis...

Anyway nandito lang naman kasi ako sa tabi ng palengke kaya maraming tao.

Ewan ko ba kay mama bakit dito pa niya naisipang dito kami magkikita ng susundo saakin.

Hindi naman ako nakakaramdam ng pagiging alone kahit yun naman talaga ang situation ko ngayon, kasi nasanay nadin naman akong mag isa eh.

Kahit andoon sina mama at lola ay di naman ako masyadong lumalabas ng kwarto eh ni sa bahay nga bilang lang sa fifteen years ang paglabas ko sa bakuran.

Hayst...

Habang naghihintay ay nagmamasid masid nalang ako sa paligid...
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa laki ng pinagbago ng syudad well matagal na ding may malalaking gusali like buildings dati pero mas mahaganda yung sa ngayon at lalo na ang mga sasakyan...

Natigil naman ako sa pagtingin tingin sa mga sasakyan at napunta ang attention ko sa mga kababaihang padaan..

Naagaw nila ang pansin ko sa kanilang suot katulad din ng magaganda nilang itsura..

Nagbaba naman ang tingin ko sa kanilang makikinis na binti , bagama't magkakaiba sila ng kulay ay di maitatangging magaganda ang mga ito mahahaba at makikinis.

Napatingin tuloy ako sa aking suot..

Bukod sa napakahabang palda, at ang suot ko pa ay long sleeve at pati ang leeg ko meron din.

Hayst...napapag iwanan na ako sa mga bago sa mundo.

Well its my choice naman na maging ganito ako.

"Anong oras kaya yun darating?" Wala sa sariling tanong ko.

Yumuko nalang ako at niyakap ang sarili habang pinagmamasdan ang semento...

Hmm...bakit kasi di nalang ako pinahiram ni na mama ng magic broom sana madali akong nakaabot sa pupuntahan ko...

Umiling naman...maaga pa pala...hayst ang bobo ko talaga..

Napatigil naman ako sa pag kakastigo sa aking sarili ng may lumapit saakin..

Ang ganda ng sapatos nito at naka black pants.

Dahan dahan naman akong tumingala...

Pakiramdam ko ay napanganga ako...no..napanga nga nga pala talaga ako.

WHEN FATE WHISPERS 1 : WILD VAMPIRE Where stories live. Discover now