CHAPTER 1

23 0 1
                                    

ALGJEAN TINA RAMZ POV...

TINNNNNAAAAAA!!!!!!"

Napabalikwas ako sa sobrang gulat dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni mama.

Namumungay mungay pa ang aking mga mata dahil sa kulang pa ako sa tulog at napanguso pa ako.

"Ano po yun ma?"

Nakapameywang si mama sa harapan ko habang nakasalubong ang kilay at para akong kakainin.

"MAGTATANGHALI NA PERO DI KA PA DIYAN BUMABANGON!"

Napapapikit naman ako dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni mama.

Siguro kung may kapit bahay lang kami dito mataggal na kaming nareklamo dahil sa bunganga ni mama eh , kaya siguro pinili nilang dito kami manirahan sa tuktok ng bundok para walang makapagreklamo saamin.

Tumayo nalang ako.

"Ano naman ma kung tangghali na? Eh wala naman akong gagawin eh!"

Pagkasabi ko noon ay nagdadabog akong naglakad at kinuha ko ang aking eyeglasses na nasa mini table at isinuot.

Lumapit saakin si mama at kinutungan ako sa ulo.

"Aray naman mama, para saan yun?" Inis na singhal ko sa kaniya at pinukol ng masamang tingin pero agad ko ding inalis ang tingin baka sumpain ako nito ni mama eh.

"Para yun sa pagsagot sagot saakin! At pwede ba umakyat ka na doon! At kumain ka na!"

"Opo, maliligo lang ako"

Pagkasabi ko nun ay iniwan ko na sa mama sa kwarto at nagtungo ako ng cr para maligo.

"Galaw" utos ko sa mga kagamitan sa loob ng banya na agad naman gumalaw ng kusa.

Habang ako naman ay isa isang hinubad ang kasuotan hanggang sa mawalan ako ng saplot sa katawan at  lumoblob ako sa bathtub na malaking bangga at nilublob ang aking buong katawan , pagahon ko ay kusang naglagay ang shampoo saaking ulo pero yung tama lang naman at kumuskos ang sabon saaking buong mukha hanggang sa ok na...
Muli akong lumoblob hanggang sa mawala na ang bula at umahon na ako

Kusa namang pumulupot saakin ang tiwalya sa katawan ko at sa buhok ko din saka lumabas na ako at bumalik sa kwarto .

Pinili ko ang mahabang palda na abot boko ng aking paa at  ang damit na may mahabang sleeve at sinuot ko uli ang aking eyeglasses

Naglakad ako sa harap ng salamin .
Napapa iling iling ako at napapa buntong hininga ng makita ang kabuoan

"Manang na nerd"

Di ko maiwasang mailing sa aking sarili bago muling lumabas ng kwarto at umakyat sa taas.

Nasa underground kasi ang kwarto ko ganon din ang cr.

Nang makaakyat ako ay agad akong nagtungo sa kusina well di ka naman maliligaw sa loob ng bahay kung makakapasok ka dito kasi ang liit lang ng bahay namin , bahay ng witch.

"Good morning la"

Bati ko agad sa kay lola na kumakain na ng pananghalian, masama agad ang tingin niya sa akin.

"Magandang tanghali pala" napapangiwi ako na umupo sa tabi ni lola at kumain na ng pananghalian.

Tumabi naman si mama pabilog naman ang mesa eh.

"Anak may papapuntahan pala ako saiyo anak "

Napatigil naman ako sa pagkain at tumingin kay mama na patuloy lang sa pagkain.

WHEN FATE WHISPERS 1 : WILD VAMPIRE Where stories live. Discover now