Page 2

28 4 0
                                    

"So, anong meron na sainyo ni shan?"


Tumabi sakin si Ann na kakagaling lang sa Cr para maligo. Nandito kami ngayon sa sala para manuod ng paborito naming series sa Netflix.



Kumunot ang noo ko "Anong meron? Eh kakakilala lang namin kagabi"



"Aba malay ko mabilis kang humarot diba? Anong nangyari? Di mo bet?" Daredaretsong tanong niya "Mabait yun, kilala ko yun e" napairap ako sa sinabi niya



Lahat naman ng tao yan ang unang sinasabi.



"Okay lang.." simpleng sagot ko.



Oo, gwapo nga siya at di lang yun sobrang gwapo din sumayaw lalo na't nasa stage di nako magtataka kung madaming babae ang mga naghahabol sa kanya.


"Sayang, ngayon ko pa namang nakitang nagpakilala yun sa babae kadalasan kasi snob yun sa mga nagpapakilala sa kanya sa studio" sagot niya habang pinapunasan ng tuwalya ang kanyang buhok
..

Di nako sumagot kasi wala din naman akong oras para kilalanin siya busy pako sa pagmomoveon sa taong pinagpalit ako sa diko malamang dahilan.



Minsan tuloy na iinsecure ako kasi feeling ko ang pangit ko habang tumatagal.




Kaya ba bigla ka nalang iiwan kasi nagsawa na sila? At dahil nakuha na nila yung gusto nila sayo?
Ganun ba yun?



Matagal akong nag isip ng di ko namamalayang wala na pala si Ann sa tabi ko at nakapatay na ang tv


Babaeng yun talaga kahit kailan di marunong mag paalam!


Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang notification sa fb ko



Sinilip ko ito at nanlaki ang mga mata ko!



Shan Alistair Ferrer" sent you a friend request



Oh My God!




Agad kung kinuha ang cellphone ko at laking gulat ko ng mamukhaan ko ang profile picture nito!


Siya nga!



Pano niya ko nahanap e wala naman akong natatandaang nagkabigayan kami ng facebook kagabi?



Oh no..



Papatayin kita Serina Ann!



Agad akong tumakbo at hinanap siya sa kwarto ko kakalbuhin talaga kita pagnakita kita!


Pero wala siya dun kaya't akmang lalabas nako ng biglang tumunog ulit ang cellphone ko kaya't tumakbo ako ulit papunta sa sala para kunin ito




[Ann Calling...]




Tangina nito pagkatapos akong iwan at ibigay facebook ko ng walang pasabi, tatawagan ako ngayon!



"Walang hiy-!"



"Your welcome!" sagot nito ng mabilis at humahalakhak pa



Alam ko naman na siya talaga ang may pakana nito kasi di ko naman ugali mag bigay ng mga accounts sa mga taong bago ko lang nakilala unlike her!



"Siraulo ka ba huh? Ba't mo binigay?!" inis na tanong ko



At wala kasi akong masyadong friends or followers sa facebook kasi diko naman masyado ginagamit yun! Napilitan lang din naman akong gumawa kasi panay post si Ann ng mga Pictures namin at tina-tag ako



How far will love take Us (ON-GOING) Where stories live. Discover now