Matagal akong nakagalaw di dahil ayoko siyang makita kundi di ako makapaniwala. Diko nga din alam na uuwi pala siya sana man lang kay nasundo ko din siya
Ang tagal na simula ng umalis siya mga bata pa ata kami nun na sa mga 15? Well, di pa naman din ako matanda ngayon nasa 23 pako height ko nasa mga 5'4 hmm si cass kaya tumangkad pa kaya lalo? Saming tatlo kasi si Cass ang pinakamatangkad. Pangalawa ako na sinundan naman ni Ann na nasa 5'2
Tumakbo akong papuntang elevator para salubongin siya nakatira nga pala kami dito sa condo ng Pamilya ko oo dito ako nakatira at di sa bahay mismo kasi simula ng mamatay ang daddy ko feeling ko wala nakong kakampi. Wala din naman si mommy, iniwan kami ng mga bata pa kaya lumaki akong kasama ang Lola at Lolo ko pati si kuya. Kaya lang di ko randam na mahal nila ako. Puro lang sila kay kuya, di naman din nila nakikita ang mga ginagawa ko kaya't nagpagpasyahan kung dito nalang din tumira sa sarili naming condo kasama sina Ann at ngayon si Cass.
Nang makarating ako sa parking lot may isa akong babaeng nakitang nagpapahid ng pawis sakanyang noo di ko makita ang mukha kasi nakatingin ito sa mga maleta pero kung si Cass ito ay ang layo na nga ng itsura niya.
Medyo pumayat siya at mas pumuti. Mas lalong kuminis din ang balat nito. Sa buhok naman niya ay maikli na ito ngayon nasa shoulder length ata at may kulay gray. Kung titingnan mo siya para siyang model sa New York na tumakas.
"Thea?! Oh my god!!" tili niya ng makita ako.
Napatigil ako sa kakatingin sakanya. Kitang kita ko sakanya na masayang masaya siya at para ng iiyak.
Napatawa ako.
Agad agad siyang lumapit sakin at niyakap ako. Dun ko lang din na pagtanto na tumangkad pa nga siya
Agad ko din siyang niyakap "Namiss kita!" sabi ko. "Kamusta ka naman dun? Kamusta ang New York? Kamusta ang business niyo?" diredertso ko pang tanong.
Tinulungan ko siyang ipasok sa elevator ang natitira niyang maleta. Dalawa lang naman pero ang lalaki! Damit paba laman nito or gamit na sa bahay nila sa New York?
"Oh easy! Ang dami naman baka pwedeng isa-isa muna" reklamo niya ng makasakay kami sa elevator
"Sige sa lovelife nalang. I heard may naging boyfriend ka dun ah!" nabalitaan ko kasi sa mommy niya na may dinidate siyang isang Doctor ang diko lang alam if sila pa ba hanggang ngayon.
Di agad sumagot si Cass naka tingin lamang siya sa harapan at parang may iinisip. Bigla din naman bumukas ang elevator kaya ngiti nalang ang ibinigay niyang sagot sakin.
May nasabi ba kong mali?
Gusto ko siyang kausapin pero baka pagod siya kaya ng makarating kami sa loob ng kwarto ipinagpahinga nalang muna namin siya ni Ann. Dalawa din naman ang kwarto dito at nandun siya ngayon sa kwarto ni Ann magpapahinga.
"Ang ganda na ng condo ngayon ah malayong malayo na dati" sabi niya habang nililibot ang tingin sa loob.
"Ah, oo. Ipina ayos ko alam mo namang dati ko pa to gustong ipaayos diba? Mabuti nga at pumayag si lola" sagot ko habang nakangiti sakanya.
"Kamusta na nga pala sila? Kamusta kayo rito?" tanong niya habang nakaupo na sa kama at nakatingin sakin
"Ayos lang, wala naman masyadong nagbago. At syaka, mamaya na tayo mag usap. Just take a rest first mukha ka ng mahihimatay sa pagod oh" turo ko sakanya
She just rolled her eye's and chuckled. "Baliw! Pero sige magpapahinga muna ako"
After that, naligo muna siya at nagbihis at nagpahinga na.
"Ill just talk to you girls later, okay? Sobrang haba kasi ng flight" sabi niya habang inaayos ang unan
I just smiled at her. "Alright."
Ng makatulog na siya plano ko sanang ayusin ang mga gamit niya at damit ng magsalita si Ann galing sa kusina na may dalang kape.
"Hayaan mo na yan siya na bahala mag ayos sa mga gamit niya di mo ba naalala dati na ayaw niya ng pinapakialaman ang mga gamit niya?"
"Ah oo nga pala! Sorry! Muntik ko ng makalimutan" agad kong sabi.
Tandang tanda ko na nakikipag away si cass sa mga katulong nila sa bahay kapag pinapakialam ang mga gamit niya kaya simula noon walang ibang gumagalaw ng gamit niya kundi siya lang.
"Sorry nga pala kung di kita nasabihang susundiin ko siya, ayaw kasi kitang disturbohin baka busy kana kakachat kay shan" nakangisi nitong sabi habang naglalakad papuntang sala.
Eto na naman tayo.
Tumayo ako at pumunta sa sarili kong kwarto para kunin ang bag ko. Nang makalabas ako, nakatingin parin sakin si Ann. Ayaw niya ba talaga akong tigilan?
"As if naman ichachat ko yun. Di ko nga inaaccept e" sabay tawa ko. May sasabihin pa sana si Ann pero lumabas na agad ako
Muntik ko ng malimutan na pupunta pala akong mall para sa mga libro ko.
Mas mabuti ng umalis kesa marinig si Ann na puro Shan lang ang sinasabi noh.
Ng maka makapasok ako ng elevator, pinasadahan ko muna ng tingin ang suot ko. Im wearing a simple yellow of-the-shoulder top, partnered with a white shorts and a pair of black sandals.
Okay nato, mall lang naman e.
Nang makalabas nako, nilakad ko nalang ang mall hanggang dito dahil malapit lang din naman.
Isa to sa dahilan kung bakit dito ako tumira kaysa sa bahay dahil malapit lang ang mga bilihin.
Tumakbo agad ako palapit ng matanawan kung malapit na pala silang magsara!
Shit! Anong oras na ba?!
Nang malapit nako tsyaka pako minalas ng may ma bunggo akong isang tao na tatanga tang-
"Thea..?" nag aalang boses ni shan.
Napaatras ako ng makilala ko ang boses niya. Bakit siya nandito?!
"Hala, ayos ka lang ba? Sorry di ki-"
"Naku, okaylang! Ako nga dapat ang magsorry e di kasi kita nakita sorry talaga ha at saka nagmamadali din ako" Agad kong sagot kasi mukhang nag aalala siya e ayos lang naman ako.
Ng lingunin ko ang Bookstore sa likuran niya para makapasok pa sana, nakasara na ito.
Gusto kung magwala!
Ano pang silbi ng pagpunta ko dito ngayon? Kakainis talaga kailangan ko pa naman mag advance reading!
Nang ibinalik ko ang tingin kay Shan, naka tingin lang siya sakin at pinagmamasdan ako.
Ba't ba palagi akong tinitingnan nito? Nag aalala parin ba siya? Kung oo, grabe naman di naman nakakapatay ang pagkakabangga noh?
Tinaasan ko siya ng kilay kaya't napaayos siya ng tayo.
"Sorry! I didn't mean to stare" agad na sagot niya ng mapansing parang na iilang ako
"But you really look good today and I can't stop staring at you.. I'm really sorry" dagdag niya.
Napaawang ang bibig ko
Okay, what was that?
YOU ARE READING
How far will love take Us (ON-GOING)
RomanceThea Imogen has finally got her life the way she wants it to be. A very supportive parents? Check. An awesome bestfriends as a roommate's? Check. A perfect boyfriend who adores and loves her? Check. Thea thinks she has everything figured it out...