Miracle Vanessa Paniego
Five years old ako noong inabandona ako ng tatay ko maaga ring namatay ang nanay ko kaya hindi ko masyado nakilala. Kaya siguro ako iniwan dahil may deperensya ako...
Oo, Pipi ako hindi ako makapagsalita hindi ko rin mailalabas ang mga saloobin ko. Isa rin akong Bingi wala akong naririning na salita at ingay. Simula pa pagkabata ganito na ko. Kaya siguro ako inabandona pero kahit na ganon laking pasasalamat ko dahil kung hindi nila ako iniwan sa Mother's Village siguro ay nasa panganib na ang buhay ko... Nalaman ko lang noon na basagulero ang Tatay ko at laging umuuwing lasing, kung hanggang ngayon ay kasama ko siya ay hindi ko na alam nagyare saakin...
Dito sa Aklan, merong bahay ampunan kung saan ako iniwan ng kapit bahay namin noon. Naalala ko pa iyong panahong iyon, umuulan ng malakas sa gabi doon nag away ang kapitbahay namin at sina Tatay dahil gusto nila ako ilayo. Naitakas nila ko at iniwan dito sa Mother's Village ang bahay ampunan kung saan na ko lumaki... Walang gustong umampon sa gaya kong may deperensya, dinadaanan lang ako ng mga pamilyang pumipili ng aampuning bata walang may gustong lumapit saakin at Hindi na ko umasa na meron pang aampon saakin...
Naging ganito na ang buhay ko, unti-unti akong nasanay na hindi ako pinipili, hindi nagugustuhan, na kailan man magiging hadlang saakin ang kondisyon ko. Nawalan narin ako ng pake kung sino man ang tatangap saakin. Dumaan na ang maraming taon at namanhid na ko at Hindi na umasa, naging masaya naman ako sa buhay ko natanggap ko. Malalaman ko lang kung sino ang magmamahal saakin ng tunay pag hindi nila ko pinagdidirian, kapang tanggap nila ko.
Aaminin ko, Simula pagkabata umaasa ako na sana nga may kukuha sakin, na may liwanag na pupuna sa madilim kong mundo... Pero ngayong dalaga na ko unti-unti namatay ang pag-asa. Pinili ko rin na mamuhay ng payapa dito sa MV dahil dito maraming tanggap ako
ginalaw ni Josephine ang kanyang mga kamay...
'Miracle, Tara na sa loob hinahanap tayo ni Sister Maribel'Ang kaibigan ko simula pagkabata, Siya si Josephine. Kagaya ko hindi rin siya naampon. Matangkad at maganda rin, morena at kung makikilala siya ay masasabing matapang siya. Kaming dalawa lang dito sa MV ang matagal na rito, naging kasama na namin rito sila Sister sa pag-aalaga ng mga bata.
Tumango ako kay Josephine at nagsimula nang maglakad patungo sa loob. Naroon ang mga bata na kelangan namin paliguan, kelangan namin tulungan sina Sister dahil marami-rami sila dito.
Si Carol lumapit saakin at tumingala 'Ate gusto ko pa maglaro' nakita kong nalulungkot siya. Isa sa dahil bakit napamahal ako rito sa MV, lahat ng bata rito tinuturuan paano mag sign language para Hindi na ko mahirapan makipag-usap sakanila... Ang iba man ay nahihirapan pero nagiging masaya dahil may nalalaman silang bago araw-araw
'Hindi pa pwede kailangan paliguan ka tsaka ka kakain mamaya ng pananghalian'
Ngumuso siya dahil alam niyang wala siyang magagawa. Agad naman akong kumuha ng mga gagamitin gaya ng sabon at shampoo at tsaka tabo. Naisipan ng mga bata maligo sa tabing ilog, mahilig silang maglangoy at maglaro habang naliligo at pumayag naman si Sister Pam na siyang nakaassign na magbantay saamin.
Agad kaming naglakad patungo roon, binuhat ko naman ang pinakabata sakanila ganun din si Josephine kasama si Billy.Payapa rito saamin. Malawak na lupain Ang MV, Dalawang building ang napatayo kung saan yung Isa ay puro kwarto lang namin yung isa ay ang main building kung saan nandoon ang office Ng mother superior na si Sister Maribel. Doon pumupunta lahat ng bumibisita rito sa MV, naitatambak rin doon ang mga donations na natatangap namin naroon rin ang kusina namin na napakalawak. Marami kasi kami rito sa MV. Mga naiiwan at hindi swerte na nabuhay sa mundong Ito.
Sa tabi ng MV naroon ang simbahan at doon kami nagsisimba, sa bandang likod ng MV mayroong play ground at malawak rin doon pwedeng tumambay dahil pinaayus iyon ni Sister Maribel na magitsurang Hardin. Sa kaliwa ay may dadaanan na Parang gubat pero naroon ang ilog sa gubat mahilig manghuli ni Mang Kanor ng uulaming manok at maraming prutas. Napakaganda at Malawak, Hindi ka magsasawang titigan ang tanawin rito saamin. Matagal-tagal na rin noong tinayo ito, kapwa kastila ang nagpatayo ng simbahan at ang MV naman ay nagawa bilang munting pagamutan ng mga sundalo noon. Naayus Ito at narenovate kaya isang Pare ang nakaisip na gawin iyong bahay-ampunan.
Habang naglalaro sa katubigan ang mga bata kasama si Josephine napangiti ako. Lahat ay tahimik, Hindi ko naririnig ang mga tawanan at masisiglang ani ng mga kasama ko....
Kumirot ang aking puso, Hindi rin ako makatawa kasama sila minsan kahit nakakapagintindihan kami nararamdaman ko parin ang agwat namin, may naghihiwalay sa mundo nila saakin... Isang bagay na sanhi ng paninikip ng dibdib ko.
Lumaki akong maayus kahit ayaw ng tatay ko. Tumanda akong namulat agad sa katutuhanan at realidad ng buhay. Hindi lahat ng tao tanggap ka... Mahirap makisabay sa buhay hindi ko nasasabi lahat ng saloobin ko hindi ko naririnig ang sinasabi ng Tao saakin...
I want to laugh, I want to shout, I want to cry... I want to tell you how special you are to me
Mga bagay na hangad ko at malabo kong makamit... Hindi ko mababago ang kondisyon ko, Hindi ko mababago buhay ko... Ang kaya ko lang ay magpatuloy. Kaya ko lang tignan ang mga bantay kong mga bata na tumawa kahit wala akong naririning.Ganito na ang buhay ko simula pa nung una...
Alam ko balang araw matututunan ko ring mahalin tong buhay kong Ito....