PROLOGUE

1 0 0
                                    

Ashleigh's POV

"Sumama ka na sa pag-uwi namin bukas, Ashleigh. Wala ka  namang gagawin dito kundi shopping kaya sumama ka na. Tsaka kakagraduate mo lang magpahinga ka muna. Maganda dun sa probinsya sariwa ang hangin at maraming lugar na mapupuntahan " pamimilit sa kanya ng ina

Graduate sya ng Medical Technology. Naghihintay lng sya ng transcript of records nya at balak sana nitong mag-abroad para makapag-relax pero parang di matutuloy dahil sa pamimilit ng ina nito.

"Eh ma ano namang gagawin ko don mas gusto ko magbakasyon sa Milan pupunta daw dun sina Angel Mae" patukoy nito sa kanyang matalik na kaibigan mula pa nung elementary.

"Ano ka ba, malamang bibisitahin natin ang mga pinsan mo tsaka sina nanay at tatay malapit narin ang fiesta,  nakatanggap din ako ng imbitasyon galing sa governor iniinbita tayong dumalo sa munting salo-salo dinadaos nila tuwing malapit na ang fiesta. Alam mo namang hindi ako makatanggi dahil matalik na kaibigan ko ang asawa ng gobernador na si Janice"

"Ehh Ma tinatamad akong bumyahe, dito nalang ako"palusot ko

"Tinatamad? Sige total tinatamad ka kukunin ko lahat ng allowance na nasa atm total tinatamad ka naman diba?"

Ngumiwi ito "Eh ma pano ako?" Turo nya sa sarili

"Tinatamad ka diba? Eh dito ka nalang sa bahay magpahinga ka dito wala ka namang gagastusan pagdito ka lang sa bahay"

"Di naman sa ganun ma. Kaya lang—"

"Edi wag ka ng magdalawang-isip dyan. Kung ayaw mo putulan ng allowance. Sa ayaw at gusto mo sasama ka samin sa probinsya. O siya mag-impake kana"

"At saka pala ipapakilala ka namin sa nag iisang anak ni Janice na si Bruce kaya magtino ka alam mo na ibig kung sabihin" tumalikod na ito.

Hindi naman mahigpit ang magulang nito. May kasunduan silang wag muna syang magnobyo hanggang di pa sya nakakatapos mag-aral sa kursong napili nya at ito ay pagmemedisina.

"Pa, ayoko talaga sumama" aniya sa ama. Sa tingin niya ay matutulungan sya  nito.

"Pasensya na nak di ko na mapipigilan ang mama mo buo na ang desisyon nya sumama ka nalang" hinalikan sya nito sa noo at sumunod na  umakyat sa kanilang kwarto. 

Nagmartsa sya sumunod sa taas para narin mag-impake ng kanyang gamit para sa pag-alis nila bukas. Pagkatapos mag-imapake ay agad syang naghalf-bath para mabawasan ang pagkairita. Mabilis  syang nagbihis at dumisetso sa kanyang kama't agad dinalaw ng antok.

***********

A/N: Yiee sa classmates ko jn hehhe pahiram muna ng name nyo. 😁😁

Retrieved LoveWhere stories live. Discover now