Chapter 2

40 3 0
                                    

Warning : Vulgar ang ginamit na ibang words. Please read at your own discretion. Enjoy reading :>

Lauren's POV

Tatlong buwan na rin ang lumipas nang umalis si ate. Hinanap namin siya kinaumagahan no'n sa pinagtatrabuhan niya at mga malalapit sa kaniyang co-workers niya pero wala, hindi raw pumunta sa kanila. Nagulat nga rin sila dahil yun ang kauna-unahang aabsent si ate sa dalawang taong pagtatrabaho niya sa parlor. Hindi na rin namin sinabe ang dahilan kung bakit. Nakulong na rin si papa, kusa siyang sumuko sa awtoridad. Suspended din ako sa school for a month dahil sa pambabaligtad sa'kin nila Trisha.

Apat na lang kami nila Isko, mama, at nanay ang natitira dito sa bahay, madalas ay tatlo dahil stay-in sa work si mama. Ramdam ko ang naging malaking pagbabago sa bahay, nakakalungkot. Ngunit kailangang magpatuloy.

Lalong humirap ang buhay namin dahil sa dalawang nalagas na pinagkukuhanan namin sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya naman napagpasyahan kong kuhanin ang inoffer ng amo ni mama na mangatulong sa Maynila at itigil pansamantala ang aking pag-aaral. Dahil kung hindi ako kikilos, walang mangyayari sa aming pamilya. Ayaw man ni lola at mama ay nagpumilit pa rin ako.

"Apo, sigurado ka na ba talaga?"
malalim ang mata ni lola. Napuyat marahil kakaisip sa pag-alis ko ngayon.

"Nay, sigurado na po ako. Kawawa ang pamilya natin. Kawawa si mama" sinara ko ang aking bag.

Magdadalawang buwan na ang bill ng kuryente naming hindi pa nababayaran, may mga utang na naiwan si papa sa pagsasaka, at ang pang-araw-araw naming kakain ang lubos na nagtulak saking kuhanin ang opurtunidad na ito.

"Mukhang buo na nga ang loob mo apo. Huwag mong kakalimutang tumawag samin lagi ha? Na sa iyo naman na ang telepono ng ate mo" hawak ni lola ang kanang kamay ko. Naiwan ni ate ang cellphone niya kaya ako na ang gagamit. Marami pa siyang habilin tumango na lang ako nang tumango.

"Anak mag-iingat ka ron. Kapag nagbago ang isip mo tumawag ka lang sakin at sasabihin ko kagad sa amo ko para makauwi ka agad." si mama.

Tumango at nginitian ko si mama. Hinalikan niya 'ko sa noo at niyakap, maging si lola.

"Bakit kaya nagmumukmok ang bunso namin na 'yan sa gilid ha?" tinalikuran ako ni Isko.

"Nako talaga" niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa likod ng ulo.

"Babalik rin si ate ha? Tulad ni ate Nicole, para makabili tayo nang maraming-maraming toys mo. Ok ba 'yon?" humarap siya at nakanguso.

"Promise po ate?" tanong niya.

"Oo promise ni ate 'yan" nagpinky swear pa kami at sabay na tumawa.

Dumating ang van na magsusundo sakin papuntang Maynila. Nagyakapan pa kaming apat habang sila umiiyak. Pinipigilan ko ang pag-iyak ko baka kase mapaatras pa ako sa pag-alis.

"Mag-iingat ka apo" si lola

"Mag-iingat ka anak" si mama

"Ingat ate, i love you" si bunso.

Tumalikod ako at tuluyang napatid ang kanina pang luha ko. Kailangan ko tong gawin para sa inyo/satin, kailangan nating magpatuloy...

Hindi ang pagkabutas ng gulong ang magpapahinto sa'king bumyahe
Hindi ang pagkalagas ng pag-asa ang
tatakot sakin sa pag-abante
Maglalayag ako gamit ang sarili kong mga paa
Sagupain man ng dilim alam kong may daan sa panibagong umaga.

Sa biyahe ay nagkaroon ng short briefing sa mga dapat kong gawin sa loob ng bahay ng papasukan ko.

"Mabait naman sila sir at ma'am pati yung anak nilang binata at dalaga ring kaediran mo siguro pero yung bunso... Nako! Hindi sa tinatakot kita, marami nang lumayas na yaya nila dahil sa batang iyon. Sobrang sutil." kuwento ni manong habang nagmamaneho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Night To Remember Where stories live. Discover now