Prologue

46 6 0
                                    

This is not a place for a weak being
You have to deal with uncertain thing
As the world's nature - everything is surprising
Many of us can't adapt with the revolving

The paradox of this universe is doing a sin
Everyone plays the role of a victim
Believing lies is a new way of associating
That's why the truth remains unseen

Being vulnerable in this cruel world
Is a big chance to have unbalance discord
Leave the thought "I'm afraid to be bold"
In a mine full of bronze - be a gold.


Matapos gawin ang huling ritwal ko bago ang pagtulog, gumawa ng tula, ay napaisip ako sa huling dalawang linyang aking isinulat.


"Leave the thought "I'm afraid to be bold"
In a mine full of bronze - be a gold." bigkas ko at napatingala sa mga bituin.


"Siguro hindi rin natin mapipilit ang ating sarili na maging malakas kung binabalot tayo ng kahinaan" hugot ko at pinikit ang aking mga mata.


"Mahirap maging ginto kung isa lang tayong tanso, how to transform?" biro ko pa sa huling linya ng aking tula at tuluyang ipinikit ang aking luhaang mga mata.





Nagising ako sa ingay ng tilaok ng mga manok at sa sigaw ng aking pinakamamahal na lola mula sa likod ng aming tahanan, nakikipag-away na naman sa kapit-bahay.


"Aba eh, sa amin na itong Langka na ito dahil tumubo ito na sakop sa lupa namin" patudyong banat ng matandang kaaway ni lola.


"Nakakita ka na ba ng matandang initak sa leeg sa kadahilang nakaapak siya sa aking lupain at pag-aari ko na siya?" balik ng aking lola sabay kuha ng itak sa aming kubo.


Tatawa-tawa akong humihikab at pinapanood kung papaano ang kaaway ni lola ay tumakbo para magtago sa kaniyang bahay.


"HAHAHHAHAHAHA lola tinakot mo naman si ante Precing" pinadingas ko ang papel at isinalang ang takure sa kalan naming de kahoy.


"Ukinnana daita panglakayen, rummuar ka ta tagbasin ko ata leeg mo" ( translation: t*ng in*ng matanda 'to, lumabas ka at tatagain kita sa leeg) gigil na sigaw ng lola ko.


"Buwisit yang mangkukulam na 'yan! Inaangkin na yung tanim kong langka eh bata pa lang yang ate mo, tinamin na ng tatay mo yan" galaiti niya pang kuwento.


"Hayaan mo na, Nay. Matanda na yang si ante Precing. Huwag mo nang patulan" kinuha ko ang takure at dumeretso na sa loob ng bahay para maligo.


"Aba, kinakampihan mo ba yang si Precing" sigaw ni lola sa'ken.


"Wala akong sinabeng kinakampihan ko siya" pinagsarahan ko siya ng pinto.


"Aba Lorry pagsabihan mo yang anak mo!" nagsumbong na nga kay mama.


"Ma, tama naman si Lor" pagtatanggol ni mama sakin.


"Mag-ina nga kayo" narinig kong lumabas siya dahil sa inis.


"Bilisan mong maligo Lor at sabay na tayo papunta sa kanto anak"


Dali-dali na akong naligo dahil medyo late na rin ako papuntang school, mahaba pa ang biyahe pa-bayan.


"Nay, alis na po kame" hinalikan ko ang pisngi ni lola. Hindi kumikibo halatang nagtatampo.


A Night To Remember Where stories live. Discover now