Chapter 1

41 5 0
                                    

Warning: sensitive content

Lauren's POV

Dali-dali akong pumara ng tricycle para makauwi sa bahay.

"San ka, ineng?"

"Sa Pinili zone 7 po ako kuya" mainit na ulo kong sagot. Nginisian niya lang ako at saka pinaandar ang sasakyan.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay napansin kong parang iba ang dinaraanan namin. Kumabog ang aking dibdib.

"Kuya mali po ata dinaraanan naten?" kabado kong sagot.

"Tama lang ineng. Madilim na kase kaya 'di mo na makita ang daanan" sagot niya ngunit nakita ko ang pagsungaw ng ngiti sa kaniyang labi.

Nangatog ang aking mga tuhod at tumagaktak ang pawis ko sa buo kong katawan. Kailangan kong umisip ng paraan.

"Kuya dito na po ako, para na po" ngunit hindi niya ako pinansin at mas lalong bumilis ang takbo ng tricycle.

"Kuya pakibaba na po ako dito!" sigaw ko sa kaniya. Paano ako tatawag neto kila mama, wala na akong cellphone.

"Malapit na tayo ineng" ika niya. Nilingon niya ako at dinilaan ang buo niyang bibig. Nakakadiri.

Wala akong nagawa kundi maghintay na lang kung saan niya ihihinto ang sasakyan dahil kapag tumalon naman ako baka ikamatay ko, kung hindi naman maaari rin akong mamatay.


Hinigpitan ko ang hawak sa aking bag para tumalon pero biglang huminto nang napakalas ang tricycle sa madilim at masukal na lugar dahilan para mauntog ako nang malakas sa harapan ng sasakyan. Naramdaman ko ang sobrang hilo at mainit na likidong umaagos sa aking noo patungo sa aking leeg at dibdib. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at nakitang duguan na ang aking uniform.

Nag-init ang mga mata ko, nagbabadya ang pagluha pero pinigilan ko ito at pilit akong tumayo. Tumawa nang napakalas si manong driver. May sinisinghot siya sa loob ng nakalobong plastic.

"HAHAHAHAHHAAHA akin ka na ngayon ineng" pinandilatan pa niya ako ng malalim niyang mga mata.

Tumalikod siya at sininghot nang sininghot ang kung ano mang na sa loob no'n. Kaya naman gegewang-gewang akong naglakad-takbo pero ilang hakbang pa lang ay may biglang dumapo sa ulo ko kaya napada ako sa lakas ng pagkakabato.

"Tatakas ka pa ha? HAHAHHAHAHAH" sigaw niya sa malayo.

Hilong-hilo ako sa laki ng batong ipinukol niya sa ulo ko. At doon inisip kong tumalon na lang sana ako kanina. Kaysa mamatay ako sa pananakit at pambababoy na paraan.

Nangalisag ang buong balahibo ng katawan ko nang maramdaman ko ang mga magagaspang niyang kamay sa aking braso at binti. Binuhat niya ako habang hinahalikan ang aking leeg. Tuluyang bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang luha. Hindi ako makapalag sa sobrang panghihina at pagkahilo.

"Napakasama mo" hinang-hina kong sabi.

"HAHAHAHHAHA ang bango-bango mo ineng" nakakapinindig balahibo ang tawa niya sa aking tainga.

"Napakabaho ng hininga mo kasing baho ng pagkatao mo" mahina at mangiyak-ngiyak kong sabi.

Padarag niya akong ibinaba sa damuhan. Agad niya akong sinunggaban sa leeg, pababa sa aking collarbone. Pinatong niya ang mabigat niyang katawan sa akin at dahan-dahang kinalas ang aking butones. Ramdam ko ang matigas na niyang ari na nakatapat sa aking hita.

A Night To Remember Where stories live. Discover now