Sandra's POV
Hindi ko niyakap o inilagay man lang sa balikat ni Falcon ang aking mga kamay. Kumapit ako sa may hawakang bakal sa likod. Why would i touch him, right?
The ride seems to take forever. Nasabi ko na sa kanya kung saan ako nakatira. It turned out that we're living on the same village! Nakakagulat iyon.
Pero ang bagal-bagal niya talaga magpatakbo. Naiinis ako kasi naiihi na ako!
I had no choice but to tap his back for a few times para mapatigil siya sa pagpapatakbo ng motor.
Naiihi na talaga ako.
Tumigil kami sa may gilid ng kalsada. Nilingo niya ako. Tinggal ko ang helmet niya so he can hear me clearly.
"What?" he asked.
"Naiihi na ako!" reklamo ko.
He sighed and frowned.
"What do you want me to do? Sahudin ko 'yan?"
Walang hiyang lalaki 'to!
"Anong sasahudin? You're willing to be a toilet? What the hell, Falcon. Bilisan mo na lang ang pagpapatakbo para sa bahay ako maka ihi!"
He was about to open his mouth but I put his helmet on para hindi na ito umangal pa. Pero bigo ako dahil muli niyang tinanggal ang kaniyang helmet.
"Kumapit ka sa akin kung gusto mong makauwi agad tayo. Ikaw, kanina ka pang hindi kumakapit man lang sa'kin. Ano bang tingin mo sa'kin? May nakakahawang sakit?"
I rolled my eyes at what he said.
"Yeah! Whatever! Basta bilisan mo! Naiihi na ako!"
Sinuot niya ang helmet ng mabilis. He suddely took my arms at iniyakap niya iyon sa kanya. Dahilan para maamoy ko ang pinghalong perfume at alat ng dagat. Gusto kong iappreciate ang kabanguhan ni Falcon pero naiihi na talaga ako.
Muntik na akong mahulog sa motor ng biglang humarurot ang motor. Mabuti na lang ay nakayakap ako kay Falcon.
Pinaghalong kaba ang nararamdaman ko ngayon. I'm nervous because I need to pee. And I'm hella nervous sa bilis ng takbo ng motor!
Ang tanging nagawa ko lang ay kurutin si Falcon sa tagiliran.
Gosh! I hate this!
BINABASA MO ANG
Falling
RandomIn the midst of fame and money, Falcon realized he doesn't need anything on this world. Until... he was falling, falling for someone. Status: Completed 03/09/2020 - 19/12/2020