Inlove ako sa bestfriend kong may ibang mahal na 8 years. Oh diba? Ang tanga ko kase madame naman iba jan pero siya paren yung gusto ko.
Pero feeling ko mas tanga siya kase mahal pa ren niya yun kahit di na siya mahal...
--Ako si Alexa Pilones. Alex pwede ren. Yung tanga ko naman na bestfriend ay si Alexandra Oinuma. Xandra nickname niya sa iba. Pero saken. Alex ang tawag ko jan. Para parehas kami. Hahaha. Feeling ko nga meant to be kami eh. Parehas kame ng pangalan. Pero di kami parehas ng nararamdaman. Awts diba. Hahaha
Three years na kaming mag bestfriend ni Alex. Madami na kaming memories nyang babae na yan. Alam ko na lahat ng secrets niya. Kahit amoy ng utot at hininga nyan alam na alam ko.
Ako den takbuhan niyan tuwing nag aaway sila ng ogag niyang ex. Wala naman na sila ngayon. Mag iisang taon na..
I'm inlove with my bestfriend since our first met. Bisexual ako. Lalaki yung ex niya. Sobra mag mahal yung kaibigan ko na yan. Kahit nga di na siya mahal. Mahal parin niya.One time umamin ako sakanya ng nararamdaman ko. Ilang taon akong nag ipon ng lakas ng loob para masabi sakanya yun. And guest what..
Parehas pala kame ng nararamdaman. Gusto niya ren pala ako. Feeling ko nga hindi totoo eh. Feeling ko masaya lang siya sa presence ko. Masaya lang siya kase bestfriend niya ko. Pero feeling ko lang pala yun. Kase ngayon. Kami na. Girlfriend ko na ang bestfriend ko.
---
Church Time. Every sunday nag sisimba kame. So every sunday mag kasama kame. Parehas kaming busy sa mga work namen. Lalo na siya. Nag wowork ako sa call center at siya naman ay isang engineer.
Pag ka dating ko ay hinanap agad siya ng mga mata ko. Same spot. Sa paborito naming upuan.
Hinawakan ko agad ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. Gesture ko yun sakanya. Sweet ko nga daw ih. Hehehe.
"Hi baby." Masayang bati ko sa girlfriend ko.
"Hello po." Lagi siyang nauuna saken kase mas malapit ang bahay niya dito kesa saken.
Mejo maaga pa kaya di pa nag sstart ang misa. Napansin ko naman na aligaga siya kaya tinanong ko siya.
"Baby bakit? Parang di ka mapakali?"
"Wala baby." Sagot niya. Pero alam kong may mali. Napapansin ko na nag cecellphone siya pero tumatalikod siya saken.
Kinabahan ako. Ayokong isipin na katext niya yung ex niya. Ayoko. May tiwala ako sakanya. Nag promise siya saken na di na sila nag uusap nun.
Katulad niya. Di na ren ako mapakali. Halatang kabado siya, malamig dito sa pero pinapawisan siya.
"Baby ano bang problema? Bakit kanina mo pa hawak phone mo?" Di kase kame nag hahawak ng phone pag nag sisimba.
"Mag cr muna ako ha. Saglit lang." Saka siya tumayo. Pero bago siya naka layo ay muli siyang tumingin sakin saka tuluyang lumabas.
Ilang minuto ay naka balik na siya. Parang may kakaiba talaga sakanya.
Dumating na ang Pari kaya di ko na siya naka usap.
"Alex, uuwe na ako pag katapos ng misa ha." Bigla niyang sinabe. Usually kase nag gagala pa kame after ng mass o di kaya kakain at mag gogrocery. Pero ngayon sasabihin niya uuwe na siya.
"Okay baby." Sinabe ko nalang.
Pag katapos ng misa ay hinatid niya ako sa may sakayan. Ganon talaga ginagawa namen. Saka siya umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/244374212-288-k7108.jpg)