Edited.
The next day.
Arizona.
So, ahem, ahem, andito ako sa guidance office. But hindi dahil may ginawa akong kagaguhan. No promise, cross my heart (hope to die, charotttt). Dahil nasali ako and they thought magandang ideya ang isama nila ako dito. Kanina pa'ko bagot na bagot dito. Sinesermonan kase kami kala mo naman may nakikinig, kesyo daw magpakatino sila, sakit lang daw sila sa ulo. Pwede namang diretso na sa mga ipapagawa samin. Nalaman ko na ang mga punishment nila dito is uutasan ka lang kung anong gawin. Pero may iba din na nasu-suspended.
And you know what I hate the most about their punishments? Ipapatawag ang mga parents ng mga students. Lagot talaga ako nito.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun ang mga parents namin o dikaya mga kuya/ate, anyone na kadugo mo or anyone of the sort.
Shet, paktay. Ohmayshomaiiii.
Isa-isa silang nagsiupuan katabi sa mga ka-ano ano nila at nagsimulang umulan ng mga tanong. Gosh, 'di 'toh kakayanin ng brain ko mayghad, chill lang dapat eh. "Arizona, what happened?" I gulp. Dun dun dun dunnnnn. Buset.
Teka, 'di naman ako kasali sa away ah? Ba't naman ako takot na takot kay dad? Pero takot talaga ako kay dad pag nagagalit yan hehe, the good thing there naman minsan lang sya nagagalit. Thanks for that.
"Dad 'di ako kasali sa away, I swear. You can clearly see that I don't have any bruise, 'diba? And for the record 'di ako sumasali sa away ng may away." pagpaparinig ko sa mga teachers pati kay principal, gwapo ka pa naman principal -,- kung pwede lang eh.
"But I saw it with my own two eyes!" napairap nalang ako dahil sa pagepal ni Ms. Uy. "Are you calling my daughter a liar, Mrs.?" I internally laugh, Mrs.? HAHAHAHAHAHAHA amp.
"Dad wala pa pong asawa si Ms. Uy." bulong ko kay dad. "Kaya naman pala ang sungit tignan nito eh." bulong din ni dad pabalik. Pfft--. . . bilib na ako kay dad.
Bago pa makapag-sorry si dad nagwalk-out na si Ms. Uy. Yung mukha nya talaga eh, epic hahahahaha.
Tumikhim naman si principal. "You can go now Ms. Zamora, I'm sorry for that Mr. Zamora." lumabas na kami dun.
"So dad, see you later?" I said and kissed his cheeks, you should take note this one kase lagi ko naman tong gagawin. "Bye bye, sweetie." at ginulo pa talaga buhok ko.
Justine.
"Bye bye, sweetie." I look up from my phone at nakita yung transferee, tss. Was that her dad? Oh c'mon Justine that's none of your business.
Aalis na sana ako pero may tumawag sakin. "Justine! My bro!" Fuck you and your loud ass mouth, Clark. "What the fuck do you want?"
"Badtrip ka ata ngayon? Wag mo nalang yun sagutin lagi naman eh, pinapatawag pala tayo ni lead." I look at him. "For?" pero ang gago umiling lang. "Ewan, dalian mo na kase baka magalit pa yung dragon na yun."
"Tss. Let's go." I said and grabbed him. But not because I'm scared of getting punch straight in the face by our lead, but because she's looking at us confusedly.
No, I do not like her, well sort of.
Arizona.
Pagtalikod ko nakita ko naman yung isa sa mga kaklase ko. Isn't that the guy who always have a pokerface?
Umalis agad siya kasama yung palaging gutom na lalaki. Auh? Okaaaaayyy?
"Hey newbie. What ya lookin' at?" I internally roll my eyes. Here comes the annoying person I met yesterday, like I don't even know his name. Except na his so nakakainis lang talaga.
"My name's not newbie, Mr., it's Arizona, pshhh." Aalis na sana ako para lubayan yung presensya nyang nakakagigil.
"Pfft— the place?"
"Ba't kaba sunod ng sunod ha?" Ewan ko ba sa lalaking toh parang asong sunod ng sunod sa amo.
Nag-pout naman sya, ewwww, yuck. Kaderder.
"I just wanna be friends with you, because my friends aren't with me."
"Does that concern me? At tsaka 'di tayo close kaya lubayan mo'ko," sabay irap. "Kaya nga nakiki—"
"Cooper," sabat ng pamilyar na boses. "Trying to be sneaky, aren't you?" I gulped, hard. That cold voice. Damn.
"Aaaah. . . Smith, nice seeing you here. And what do you mean 'being sneaky'? I just want to be friends with our new transferee." he said na may nakakalokong ngisi. I internally face palmed. Friends my ass.
"We're not friends, stranger. Fuck off." I sassily walked away from them. Don't me. Gusto ko pa sanang dagdagan ng flip hair effect kaso wag nalang.
~|~ time skipped ~|~
"Uhhhmm. . . Miss Beyotipol, gising kana po." Wha— Oh right, I slept. But where did I sleep again?
"Thanks for waking me up. Who are you by the way?" both of the them looked at each other as if 'di nila alam ang sagot. And that's what it hits me, tanga ka talaga minsan self.
"Oh, sorry. Sino nga pala kayo?" I asked again. Napatango naman sila at umubo ubo pa, ay wow pinaghahandaan talaga noh? "Sya si Mikaela, ako naman si Michael." pagpapakilala nila.
~|~time skipped~|~
"Madalas ngang mahulog yang si Michael pag umaakyat ng puno eh!" at sinabayan pa ni Mikaela ng tawa. "Hoy! Anong madalas!?? Minsan lang ako mahulog noh!" depensa ni Michael, ako naman kanina pa tawa ng tawa.
I learned that magkapatid sila at namatay na din ang parents nila nung bata pa sila at yung kasama nalang nila ay yung lola nila, and papunta na kami dun sa bahay nila. And they mentioned na malapit lang daw yung school nila sa'min kaya nila ako nakita dun sa pinakalikod ng school natutulog dahil gusto nilang makita kung gaano kalaki yung building. At pang ilang beses ko na ba nabanggit yung 'nila'?
Nag-trycicle lang din kami kase baka pag ginamit namin yung sasakyan namin, or more likely kay dad kase sya naman may-ari nun, baka pagtinginan kami.
"Oi! Andito na tayo Ari!" I let them call me Ari kase nahahabaan sila sa Arizona, eh 7 letters lang naman.
Pumasok na kami sa bahay nila which is 'di naman ako nagko-complain kase 'di naman maarte si self. "Oh? Mga apo ang aga nyo ata umuwi ngayon? At may bisita pa kayong dala? Pagpasensyahan mo na 'tong bahay namin, hija, at ito lang ang nakayanan namin." Sabi ni lola at ngitian ako. "No no, it's fine. Ang ganda nga po tignan kase andaming mga bulaklak."
"Aba, inglesera naman pala 'tong si ineng, teka mga apo ba't pala ang aga ninyong umuwi?" napakamot silang dalawa sa batok at tumingin sa isa't isa. "Kase po lola..... ayaw naming pumasok eh....—Ay lola teka biro lang po yun! Lola naman! Parang wala tayong pinagsamahan eh!" Sigaw ng dalawa at nagtago sa likod ko.
"Lola wala na po silang klase kase pinauwi na ho sila." natatawang sambit ko kase kita ko kung gaano sila natakot nung pulutin ni lola yung tsinelas niya.
"Ahhhh....yun naman pala eh." sabi ni lola at binaba yung tsinelas nya. "Hija, halika ka dito may gusto niluto ako dito gusto kong tikman mo'to." si lola nagmamadali.
"Teka po lola 'di nyo pa nga alam pangalan ng bagong kaibigan namin eh!" pahabol na sabi ni Michael kay lola. "Malalaman ko din yan mamaya!" natawa naman ako kay lola.
"Oh Em Gosh Lola! Kayo ho ba nagluto neto?!!" Tili ko. Like I so like this so much. "Aba'y hija syempre naman! Naku!!! Hala sige tikman mo!" binigyan ako ng kutsara ni Mikaela kase kanina pa sila kain ng kain eh.
Pinuno ko naman 'yong kutsara na para bang huling kain ko na 'to. Sensya naman. Tao lang.
YOU ARE READING
The Section I Come From
Teen Fiction- rewriting the whole story. 📖 on hiatus now/editing if I have time. cover by the one and only me.