CHAPTER II

2 0 0
                                    

R O N N I E

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paghinto ng kotseng sinasakyan ko. Nagsalubong naman ang kilay ko nang marinig ang malakas na tunog mula sa pagsara ng pinto ng sasakyan, para bang sinadya itong ibagsak ng kung sino man ang gumawa no'n. Napabuntong-hininga na lang ako nang maramdaman ang pagbukas ng pinto dito sa back seat.

"Dito na po tayo," rinig kong sambit niya pero hindi ko pa rin iminulat ang mata ko't nagkunwaring tulog dahil inaantok pa ako. "Uy? Ronnie?"

Agad na napakunot ang noo ko nang may maramdamang mainit na hanging dumadampi sa mukha ko. Sapilitan kong iminulat ang mga mata ko at halos manigas ang buong katawan ko nang makita ang mukha niya na sobrang lapit sa mukha ko. His eyes are closed while his nose is partially moving as if he is sniffing something.

"What are you doing?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong ko.

Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata niya ngunit hindi pa din niya inilalayo ang mukha niya sa mukha ko. "Ronnie... " napalunok ako nang biglang pumungay ang mga mata niya habang unti-unting tinatawid ang natitirang agwat sa pagitan ng mukha naming dalawa.

I don't know why but I can feel my heart starting to beat faster than normal, nararamdaman ko din ang tila pagbagal ng supply ng oxygen sa katawan ko kaya parang nahihirapan akong huminga. Strange, but I can also feel something rumbling inside my stomach making me feel nervous in an unexplainable way. I automatically shut both of my eyes when I felt the tip of his soft lips touched my ear.

"Ang baho pala ng hininga mo," bulong niya sa tainga ko kaya padabog kong tinanggal ang seat belt ko bago ay malakas ko siyang itinulak para makalabas mula sa loob ng kotse.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay nila nang hindi man lang lumilingon sa kan'ya. Tinakpan ko ang magkabilang tainga ko gamit ang mga kamay ko nang marinig ang nakaiiritang tawa niya na mukhang tuwang-tuwa pa sa nangyayari. I can already feel my cheeks burning, and it's not because of embarrassment but because of irritation.

"Hey, Ronnie! Wait for me!" He called out, pero hindi ko siya pinansin, sa halip ay tumakbo pa ako nang mabilis hanggang sa makarating na ako sa pinto ng bahay, kaagad ko namang isinara at ini-lock ang pinto nang makapasok na ako sa loob.

''Oh great, just great! Ronnie, open the door!" Malakas na sigaw niya makalipas ang ilang sandali habang sunod-sunod ang ginawang pagkatok sa pinto. "Damn it, Ronnie! Open the freaking door! This is not funny, open it, now!"

I bit my lower lip to stop myself from laughing my ass out. It's just that, from the way he screams, he seems like a scaredy-cat who's been chased by some kind of a scary monster outside the door. Now, taste the consequence of your own action dude!

"Ronnie?" Agad akong napalayo sa pinto nang marinig ang isang malambing na boses mula sa likuran ko at dahan-dahang lumingon sa kung sino man ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Agad akong napangiti nang makita siyang nakatingin sa akin na nakakunot pa ang noo at mukhang nagtataka. "Tita!" I exclaimed with joy as I hurriedly run towards her and hug her so tight as if we haven't seen each other for so long.

Natawa naman si Tita Amelia dahil sa ginawa ko, mukha kasi akong batang nangungulila sa kan'yang ina. "What brought you here, honey?" Tanong niya nang humiwalay na ako sa kan'ya. "Wait, is something bothering you? Is there any problem?" She asked worriedly, but I just innocently shook my head para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala niya. "You came here alone? You're not with my son?" Tanong niya pa habang tumitingin sa likod ko at parang may hinahanap.

Ronnie PeligroWhere stories live. Discover now