CHAPTER III

1 0 0
                                    

R O N N I E

Mabilis ang bawat pagsuntok na itinatapon ko sa makapal na punching bag na nasa harapan ko. Saglit akong huminto sa pagsuntok, ngunit nanatili akong tumatalon habang nakahanda sa muling pag-atake ang mga kamao ko. Tagaktak na ang pawis ko ngunit wala pa rin akong balak na huminto sa ginagawa ko. Hingal na hingal na rin ako pero hindi pa sapat para mapagod ako, 'yong tipong pagod na pagod.

Huminto ako sa pagtalon, iniatras ang kanang paa ko para ihanda ang sarili ko. When I had already gathered enough momentum, mabilis kong inihakbang ang kanang paa ko paharap kasabay ng malakas na pagdampi ng kanang kamao ko sa punching bag kaya mabilis itong lumipad sa ere. Inabangan ko ang pagbalik nito sa direksiyon ko habang muling inihahanda ang sarili ko. Nang ilang pulgada na lang ang layo nito mula sa akin, mabilis kong iniangat ang paa ko at buong lakas ko itong sinalubong ng isang front kick kaya muli itong lumipad palayo sa akin.

Muli kong inihanda ang sarili ko habang hinihintay ulit na bumalik ito sa direksiyon ko, pero agad na napakunot ang noo ko at napabagsak ang mga kamao ko nang bigla itong huminto na para bang may sumalo rito sa kabilang bahagi at sinadya itong pinigilan na bumalik sa direksiyon ko.

"Ronnie!" I gritted my teeth as soon as I saw his dashing smile while he quickly run towards me. "Walang kalaban-laban 'yong punching bag sa 'yo tapos bubugbugin mo? Wala kang awa na sadista ka!"

Ano ba ang silbi ng punching bag kung hindi ko susuntukin?

I just rolled my eyes at him bago ako umupo sa may bakanteng upuan. I was about to remove my boxing gloves when he suddenly grabbed both of my hands and insisted to do it for me. Wala naman akong nagawa dahil alam kong hindi siya makikinig sa akin. Pinagmasdan ko na lang siya habang tinatanggal niya ang gloves sa mga kamay ko.

Nakakunot ang noo niya habang bahagyang nakaawang ang bibig niya. "Don't overwork yourself," saglit siyang napatingala sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. "Hindi 'yan healthy."

Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang nangyari kahapon. Pagkatapos ko kasing umiyak no'n, dinala niya ako sa kusina tapos kumain sila ng agahan. Hindi ako sumalo sa kanila kasi hindi ako kumakain ng luto ng iba, kaya nagluto muna si Nathan ng pagkain ko bago siya kumain. Alam din nila Tita Amelia at Tito Andy na medyo mapili ako sa pagkain, kaya hindi rin naman sila nagtampo kasi naiintindihan din naman nila ako.

Pagkatapos naman naming kumain no'ng araw na 'yon, hinatid ako ni Nathan pauwi sa bahay ko at sinabi niyang magpahinga na lang muna ako buong araw. Hindi rin naman ako nagreklamo dahil wala rin ako sa mood na gumawa ng kahit na anong bagay o kumilos man lang. Iniwan niya ako nang makatulog na ako, pero ipinagluto niya muna ako ng pagkain bago siya umalis ng bahay kahapon.

Ngayon naman, pinapagod ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbuhos ng lahat ng nararamdaman ko sa inosenteng punching bag. Maaga pa lang ay nandito na agad ako sa mini-gym na nasa loob ng bahay ko para mag-exercise. Actually kanina pa ako nagpapapawis dito pero pakiramdam ko ay hindi man lang ako napapagod. Gan'yan siguro talaga lalo na kapag may pinagdadaanan ka.

Yeah, kind of strange, but actually true.

Napabalik ako sa huwisyo nang maramdaman ko ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa may noo ko pababa sa may pisngi ko. "Hey, are you with me?"

"H-Ha?" Nauutal na tanong ko nang mapagtantong pinupunasan pala niya ang mukha ko na puno ng pawis gamit ang panyo na hawak niya.

"Sabi ko, nakakain ka na ba?" Agad akong napailing nang maintindihan ang tanong niya, napatango naman siya bago ay naunang tumayo. "Okay then," he said as he offered his hand in front of me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ronnie PeligroWhere stories live. Discover now