Chapter Thirteen

9 1 0
                                    

Chapter Thirteen

--

"At ang kapalit ng mga iyon, Mom Belinda?" sagot ko kay mom Belinda nang marinig ang kaniyang sinabi.

"Walang kapalit, Manuel," sagot niya.

Hindi ako naniniwala. Tinatanggap ko ang tulong na pagdala niya sa amin dito at pagbili ng damit ni ate Manirella bilang kapalit ng ginawa kong pagligtas sa kaniya kanina, ngunit hindi na ako naniniwala na kasama pa roon ang pagpapagamot ni inay.

"Kung papayag man akong gastusin ninyo lahat, ano ang magiging kapalit?" muli kong tanong kay Mom Belinda.

Napabuntong hininga ito bago tumingin sa akin. "Sigurado ka bang gusto mo nang may kapalit, Manuel? Libre ang offer ko sa iyo."

Napaisip ako. Sinong taong hindi papayag kung libre? Kailangang kailangan ni inay Mara ang mailipat sa Sentro at maoperahan sa ospital roon at may taong umaalok na ipapagamot ang inay Mara ng libre.

Pero bakit? Bakit hindi ako pumapayag?

"Hindi ko na kayang paniwalaan na walang kapalit ang mga ginagawa mong kabutihan sa akin, mom Belinda. Hindi ko na rin po kaya pang tanggapin ang rason mong iniligtas kita sa pagkakasagasa. Gusto ko pong malaman ang posibleng magiging kapalit ng inaalok mo sa akin," sagot ko rito habang nakatingin sa aking puro galos na mga kamay.

Mahinang tumawa si mom Belinda bago ito sumandal sumandal sa kaniyang kinauupuan at bumuntong hininga, mahinang ngumiti, tumingin sa taas na tila may inaalala. "2014 noon, Manuel. Magkakaroon ng malaking proyekto ang kumpanya kung saan isa ang pamilya ko sa mga major stock holders. Ginanap iyon sa Southern-West Dinnetropolisis..."

"At ano po ang kunesyon nito sa alok ninyo, mom Belinda?" diretsuhang tanong ko na kanyang nginitian lang.

"Pinuntahan namin ang lugar na pagtatayuan ng commercial building. Squatter's area, Manuel. Kasama ko ang anak kong limang taong gulang lang nang araw na iyon. Nang makita ko ang location, umayaw ako dahil sa dami ng taong nakatira sa pwesto na iyon. Karamihan ay doon na lumaki. Alam mo ba ang lugar na iyon, Manuel?"

"Para hong pamilyar ang sinasabi ninyong lugar. Parang ganyan rin ang naikwento sa akin ni Itay Mando dati," sagot ko.

"Noong araw rin na iyon, Manuel, nagkaroon ng malaking sunog. Dahil sa hirap ng parteng ito ng Dinnetropolisis, hindi kaagad naapela ang ang sunog. Nag-panic ang mga tao, habang kami ng mga kasama ko ay nasa gitna noon ng pag-iikot. Walang bumbero dahil ang tangke nila ng tubig ay wala laman, tapos ay wala ring kuhanan ng tubig sa malapit. Sabi ay hindi pa sila binigyan ng main office ng pondo para sa tubig."

"Malawakang sunog po na ang sinabi ninyo?"

"Oo, Manuel. Malawakang sunog na tumupok sa halos lahat ng nakatayong bahay sa lugar na iyon," sagot naman niya.

"Ang tinutukoy niyo ho ata ay ang dati naming tinitirahan. Squatter's area rin iyon at nagkaroon ng malawakang sunog pero wala akong maalala sa pangyayaring iyon dahil bata pa ako noon."

Tumango siya sa akin. "Nahiwalay sa akin ang yaya at ang anak ko dahil sa panic ng mga tao. Namalayan ko na lamang na hila ako ng asawa ko at sabay kaming nakalabas roon," kwento pa niya.

"At ang anak mo ho?" tanong ko rito.

"Naiwan sila ng yaya niya sa gitna ng sunog. Nang hanapin na ng mga authority ang mga katawan na nasawi, napasama roon ang yaya ko. Nakilala nila iyon dahil hindi naman siya nasunog nang husto. Hanggang sa natapos ang operasyon, hindi nila nahanap ang anak ko. Walang bangkay ng limang taong gulang na bata o kahit anong bakas na naiwan kaya hanggang ngayon ay umaasa akong buhay pa ang anak ko, Manuel."

"Ano naman pong kinalaman ng offer ninyo diyan?" tanong kong muli.

"Noong araw na iyon, nakasuot ang anak ko ng damit na may disenyo ng pangalan niya. At alam mo ba ang pangalan niya, Manuel?"

"Ano po?"

"Alton Henry, Manuel."

Gulo ko siyang tiningnan. Wala akong mabatid sa ibig niyang ipahiwatig, ngunit tila nakikita ko na ang patutunguhan nito. "H-Henry? Magkapangalan kami?"

"Hindi ko alam kung nagkataon lang, Manuel pero nais kong tingnan mo ang larawan na ito," sambit ni Mom Belinda saka hinugot sa kanyang bag ang isang larawan. Nakalagay roon ang larawan ng isang lalaking nakangiti habang buhat ang isang bata.

"Sino ang nakikita mong mukha sa larawan na iyan, Manuel?" Tinitigan ko ang larawan.

Kumurap-kurap pero walang nagbago sa mukhang nakikita ko. Pilit kong isinisiksik ang mga bagay-bagay sa mabagal na proseso ng utak ko.

"A-ako?"

Pero imposible. Labing-isa lang ako. Ang lalaki rito ay may buhat na bata at kung titingnan kahit bata pa ang itsura ng lalaki, masasabing may asawa na ito o baka ay nasa edad na dalawampu pataas.

"S-Siya ang asawa ko, Manuel. Siya ang ama ni Alton at nang una kitang makita, rumehistro kaagad sa iyo ang mukha ng asawa ko, Manuel..."

"Ano po ba ang gusto mong ipahiwatig?"

Hindi ako ang tipo ng taong mahilig sa paligoy-ligoy dahil alam ko namang hindi ko kayang umintindi ng mga malalim na salita o mga katagang may malalim na kahulugan.

"P-Paano, Manuel, kung ikaw ang nawawala kong anak?"

Sinasabi ko na nga ba. "Imposible po ata ang sinasabi ninyo. May nanay, tatay at kapatid ho ako," mapait kong sagot.

"P-Pero nakikita mismo ng mata mo, Manuel, ang picture. Ang mga pangyayari sa buhay mo—"

"Maaari naman po kasi talagang maging magkamukha kahit hindi magkamag-anak o magkadugo. Isa pa, kung sa mukha lamang ho ay magkamukha rin kami ni kuya Manriel, ate Manella at Manu," pagputol ko sa sinasabi niya.

"At sa iyo na rin nanggaling na maaaring magkamukha ang hindi magkakamag-anak."

"Ang tanong ko ho ay kung ano ang magiging kapalit ng pagsagot ninyo ng lahat ng gagastusin ni Inay Mara para sa posibleng operasyon," sagot kong muli.

"Iyon na, Manuel. Sumama ka sa akin. Hayaan mong ampunin kita. Matapos ang operasyon ng inay Mara mo, magsasagawa tayo ng DNA test. Kapag positive ang resulta, sa amin ka titira, Manuel. Dadalhin ka namin ng asawa ko sa London at doon tayo mamumuhay, anak. Ang pamilya mo rito ay bibilihan ko ng magandang bahay at bibigyan ng pagkakakitaan. Pag-aaralin ko ang mga kapatid mo at ipapagamot ang lahat ng mga kailangang ipagamot sa kanila, Manuel. Kailangan mo lang sumama sa akin..." umiiyak na sambit niya.

"At kung hindi ako ang anak ninyo?"

"Ibabalik kita sa pamilya mo. Pag-aaralin pa rin kita at bibigyan kayo ng matinong tahanan at pagkakakitaan pero ikaw lang ang pag-aaralin ko, Manuel. Kaya ayaw kong ipilit mo ang magiging kapalit dahil natatakot ako sa magiging sagot mo, anak. Sigurado akong ikaw ang anak ko, Manuel. At ito lang ang naiisip kong paraan para bumalik ka sa akin nang hindi ka pinipilit."

--

asereneko.

FHS #3: Tidal WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon