Glass 8: Casual

929 64 35
                                    

APPLE SNAP

Glass 8

Casual


It's Saturday but she just got an e-mail from Ethan asking her if she's okay with meeting outside. He did not specify if it's because of their work together or something else. Pero dahil wala naman siyang ibang gagawin, she agreed to his invitation at napagkasunduan na lang nila na magkita sa isang coffee shop to have late breakfast dahil alas nuwebe na rin ng umaga noong makita niya ang e-mail ni Ethan.

Amethyst was feeling a little laid back today so instead of her usual work clothes, she wore light maong pants, a plain white shirt with plain black blazer, her favorite Chanel handbag and a pair of nude wedges. Itinali niya rin ang mahabang buhok na madalas ay nakalugay lang.

The way to the coffee shop was just an half an hour ride kaya naman madali syang nakarating doon. Eksaktong 10:30 noong bumaba siya sa sasakyan niya at pumasok sa loob ng coffee shop.

Hindi na kailangan pang hagilapin ng mata niya si Ethan, agad niya itong nakita na nakangiti sa kanya pagpasok niya pa lang. Papalapit pa lang siya sa mesa ay tumayo na si Ethan para ipaghila siya ng upuan and helped her in.

She knows it's just pure coincidence but she and Ethan shared the similar outfit. Ibang-iba rin talaga ang aura nito kapag casual clothes ang suot. Mukha itong boy next door dahil sa suot na maong pants, plain white shirt na pinatungan ng blue checkered polo na hinayaang nakabukas. He was also wearing white chucks. He looked so comfortable and laid back and a lot more younger than his age.

"What is this meeting for? Tatanggalin na ba ako ni Delamar sa project?" tanong niya noong magkaharap na sila ni Ethan. Hindi niya naman kasi alam kung bakit bigla siyang kinita ni Ethan outside the school on a Satudary.

Ethan chuckled, "No. Of course not. Mr. Delamar adores your work." Tugon kaagad nito.

"Then what's this?" pinaningkitan niya ng mata ang lalaki. Tipong nanunuri.

"Hindi pa tayo nakakapag-usap ng hindi sa Covington kaya naisip ko na ayain ka lumabas," ngumiti ito ng tipid at agad na bumaling sa menu na hawak na para bang nahiya ito bigla sa sinabi. Ethan cleared his throat bago ito nagpatuloy magsalita "And also to celebrate our job well done. I can't believe that we are already halfway through."

Well, there is something to celebrate nga. Kahapon lang ay inaprubahan na ni Delamar ang design development nila. Kalahati na ng project ang natapos nila. Two more phases at matatapos na rin nila ang buong design ng bagong building ng Covington.

She nodded a little bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ethan, "Yeah but I'm telling you that the last two phases are the most painful parts. Lalo na ang installation, it may take about 3 to 5 weeks to finish."

"That's fine with me. Mas marami pa tayong magiging rooftop beer session." Ethan joked.

Inirapan niya ito pero natawa rin naman siya ng bahagya, "What if next time we get caught?"

"Sasabihin ko pinilit mo ako," ganti ni Ethan sa kanya.

Amethyst smirked. She's in a good mood at mukhang nasa mood din si Ethan na makipag-asaran. "Like they would believe you."

Ethan shrugged, "Sabagay. Between you and me, mukhang mas ako talaga ang makakaisip ng ganon. Mukha kang hindi gagawa ng masama, e."

Natawa naman siya sa sinabi ni Ethan. Siya pa daw itong hindi mukhang gagawa ng masama, alam naman niyang mukha siyang maldita. Samantalang ito si Ethan mukhang good Samaritan. "Really? Because I'm used to people telling me that I look intimidating and scary and now you're telling me na mukhang hindi ako gagawa ng masama?"

Apple Snap (Published under Pop Fiction) | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon