Glass 21: Family

905 57 22
                                    

APPLE SNAP

Glass 21

Family


"Are you sure it's okay?" nag-aalangan niyang tanong kay Ethan kahit na nasa sasakyan na nito ang bag niya, sa tabi ni Nigel.

Tumango si Ethan at ngumiti sa kanya, "Okay nga lang, sila pa nga ang nagsabi na dumalaw tayo doon, e." He opened the car door for her.

Amethyst hesitated at first pero mukhang wala na rin naman siyang magagawa. Nandito na rin naman sila at nakabihis na, dala na rin nila ang gamit nila pang-overnight kaya sayang naman kung hindi pa sila tutuloy. She took a deep breath and went inside the car.

Sumakay na rin si Ethan sa driver's seat at inayos ang seatbelt noong bigla itong natawa. Nilingon siya ni Amethyst na magkasalubong ang kilay.

Ethan chuckled softly bago ituro ang likuran niya. Amethyst turned on her back to see what made Ethan laugh at sa nakita niya maski siya mismo hindi na mapigilan ang hindi matawa.

She took out her phone at bumaling ulit sa likuran niya kung saan nakatulog na si Nigel. Nakabagsak na ang ulo nito sa kaliwang side at nakanganga na parang pagod na pagod. Kaninang nagpreprepare sila sa pag-alis ay hyper ito, tapos ngayon biglang parang sinuntok na kung matulog.

Kinuhanan niya ng picture ang kawawang si Nigel. "For future purposes," ani niya kay Ethan na mahina ring tumatawa dahil sa ginawa nila.

Alas otso pa lang ng umaga noong umalis sila ng unit niya kung saan nag-overnight na rin sina Ethan at Nigel. Sabi ni Ethan ay less than 3 hours lang naman ang magiging byahe nila papunta sa Tarlac kung hindi sila mata-traffic kaya inagahan na rin nila ang alis para sure na makarating sila by lunch.

Hindi naman hassle ang byahe nila pero medyo natraffic pa rin sila. Sinulit na lang ni Amethyst ang pagkastuck nila sa traffic para ihanda ang sarili niya sa mga mangyayari mamaya.

She had a couple of boyfriends before at parehas naman siyang nakilala ng mga pamilya nito. But she has never been this nervous on meeting someone's parents.

For all she knows, baka alam nito ang issues na mayroon siya. At kung siya ang magulang ni Ethan, she wouldn't like her for him. Pero paulit-ulit na sinabi ni Ethan na his parents insisted on meeting her. Hindi niya alam kung icoconsider niya ba 'yon na good thing o bad thing.

Based on Nigel and Ethan's personalities alam ni Amethyst na nanggaling ito sa maayos na pamilya. They are warm, respectful, lovable and easy to be with. Malamang ay ganoon din ang mga magulang nito.

Ethan must've noticed dahil habang papalapit sila sa Tarlac ay panay na ang sulyap nito sa kanya.

"Love," tawag nito sa kanya after sometime.

"What?" she spat. Hindi niya sinasadya na parang paangil ang sagot nya rito dahil nga wala na siyang mapaglagyan ng kaba niya.

"Don't be nervous."

Isang malalim na buntong-hininga lang ang tinugon niya kay Ethan at sumilip na lang siya sa bintana para tignan ang labas. Tulog pa rin si Nigel kaya tahimik ang byahe nila. Amethyst wasn't really looking forward to this day with all that has been happening today. But Ethan insisted that they do something today. Makailang beses pa siya nitong kinulit at humingi pa ito ng reinforcement kay Nigel sa pagpilit sa kanya hanggang sa makulitan siya at pumayag na rin.

Nararamdaman na ni Amethyst na malapit sila dahil pumasok na sila sa isang kalsada at lumabas na ng highway. Tinahak na nila ang isang private road at ilang minuto lang ay bumusina na si Ethan sa tapat ng isang gate na may malawak na bakuran.

Apple Snap (Published under Pop Fiction) | #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon