CHAPTER 5

5 1 0
                                    


AS usual, nauna na naman si Louie sa venue. Wala talagang sense of punctuality ang dalawang kakambal niya. Tinawag niya ang waiter at umorder siya ng Americano.

Inimbitahan niya si Koko kanina, pero tumanggi ito. Palusot pa nito ay ha-huntingin daw nito si Sup sa HBs. Pero ang totoo, umiiwas lang ito kay JC. Napailing na lamang siya.

Hanggang kailan kaya magtataguan ng feelings ang dalawa? Malapit na silang magtreinta. Okay lang naman siya kasi lalake siya. No rush, kumbaga. Pero ang dalawa, nasa marrying age na. Totoo kaya ang sabi ng mga ito na hindi ito mag-aasawa hangga't hindi siya nauuna?

Naalala niya ang papa nila. Strikto ito pagdating sa mga manliligaw ng mga kapatid niya. Kabaliktaran naman sa kanya na halos ipagtabuyan siya nitong makahanap ng mapapangasawa.

Katwiran nito, "Humayo ka at magparami. Damihan mo ang lalake nang may sumunod sa mga yapak mo."

Maya-maya'y dumating ang kape niya at naputol ang pagbabalik-tanaw niya. Nagpasalamat siya sa naghatid nito sa mesa niya, saka inamoy ang aroma nito.

Napatingin siya sa labas. Nakaupo siya malapit sa full length glass window at tanaw niya ang tahimik na kalsadang tanging mga post ng street lights ang nagbibigay liwanag. Malapit na niyang maubos ang kanyang kape nang tumunog ang wind chimes na nakasabit sa entrance door ng cafe.

Habang sinisimsim ang kape, napatingin siya sa pumasok na babae. Hindi ito isa sa mga kapatid niya kaya hindi na niya masyadong pinagtuunan ng pansin. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng jacket niya. Chineck niya ang oras. Mahigit thirty minutes na siyang naghihintay roon. Napailing nalang siya.

Umupo ang bagong dating na babae isang mesa ang pagitan mula sa kanya. Sumimsim ulit siya ng kape, saka biglang naalala na may pinapa-email pala siya kay Koko kanina. Pinulot niya ang cellphone na nilagay niya sa tabi ng coffee cup niya.

Tyempo namang tumunog ito at nakapaskil ang mukha ni JD sa screen. Sinagot niya ito, at handa na niya itong pagalitan.


> > > > >


"HELLO? Uhm.. nandito na ako. Nasaan na kayo?"

Kakarating lang ni Brittney sa meeting place nila. Kakaunti lang ang tao, pero hindi mahagilap ng mata niya ang kambal. Napaupo nalang siya sa mesa at naisipang tawagan ang isa sa mga ito.

"Hi Brit! Pasensya ka na, stuck kame sa traffic." boses yata ni JC. Pansin niya kasing malambing at malumanay itong magsalita. Si JD kasi parang laging naghahamon ng away.

"Oh, I see. It's okay. Kakarating ko lang rin naman." sagot niya.

"Yung isa naming kambal, nanjan na. Nakita mo na ba siya?" pagkasabi nito'y, automatic na iginala niya ang paningin niya. "Madali mo lang siya'ng makikilala, magkamukhang-magkamukha kami." dagdag nito, sabay naglanding ang mata niya sa lalakeng nakaupo sa harap niya isang mesa ang layo mula sa kanya.

Napatda siya. Nakatingin din ng mataman ang lalake sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata.

Binundol ng kaba ang dibdib niya. Lord, ano bang kasalanan ko at pinaparusahan mo ako ng ganito? Piping usal niya.

"Brit? 'You still there?" tanong ng nasa kabilang linya.

"L-lalake ba ang k-kakambal niyo?" mahina at di magkaugaga niyang tanong.

"Yup!! Surprise!" tatawa-tawa ang mga ito sa kabilang linya wari'y alam ng mga ito ang magiging reaksyon niya.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kinauupuan, habang hindi inaalis ang pagtatama ng kanilang mga mata. Gulat din ang nakarehistro sa mukha nito, kung bakit ay hindi niya na alam. Ang tumatakbo na lamang sa isip niya ngayon ay kung paanong makakatakas mula sa mga titig na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PICO Series 1: 'Til I Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon