"Okay! See you later!"
I watched Cyres walking so fast when the bell rang! I chuckled when I remember her face reaction. So cute. Nang mabalik sa huwisyo ay dumirecho ako sa faculty room para puntahan si Ma'am. Kahapon, she asked me first thing in the morning to go to the faculty before the class begin.
"Good Morning Ma'am... Sir..." Bati ko ng makita na nag-aayos na sya mga gamit na dadalin sa classroom, I think it's for our activity. Binati ko rin ang PE teacher namin na nakaupo at humihigop ng kape. Tumango naman ito.
"Akala ko ay late ka." Ani ma'am.
"Sorry ma'am. Medyo nga po." Sabay kamot ko sa ulo. "Alin po ang dadalin ko?"
"Itong mga papel. May activity tayo." Sabay turo nya sa mga papel na sa tingin ko ay nasa kalahating ream.
Binitbit ko na iyon at sumunod sa kanya papunta classroom. At nang papalapit na kami ay dinig na dinig ang ingay. Kinabahan ako na baka mamaya ay si Cyres na naman ang dahilan ng hiyawan at tawanan na iyon. Kumalma lamang ako ng makita sya na halos kakatapos lang magbura ng board. I sigh in relief. I put down the papers on our teacher's table at naupo na sa upuan ko.
Agad na nagsimula ang klase.
"Okay, we will be having an activity." Announce ni Ma'am while distributing the papers in front.
Nang makarating na sa dulo ang papel ay nagsalita uli ito. "On that paper, draw a family tree. From the head of the family up to the youngest. Kayo na bahala." She added.
I looked at Cyres. I felt sad nang makita syang nakatungo lang. I know what she's been thinking and feeling. I really know.
"You may start." Ani Ma'am and she go back to her seat.
I heard some of my classmates chatting, some of them are laughing. Of course again, it's all about Cyres, the issue of her being a poor and a daughter of a Mistress.
"QUIEEETTTT!!" Our teacher shouted. Ibinaling nya ang tingin kay Cyres.
"And you?... Miss Carson?" pointing his stick to Cyres. "Bakit hindi kapa nagsisimula? Hindi mo ba naiintindihan instruction ko?" Sigaw nito sa kanya. Hindi naman umiimik si Cyres. She's always like that. Hindi umiimik, laging tahimik kahit sinisigawan na sya at binubully.
I feel stupid. Ako ang presidente ng klase pero ni hindi ko man lang mapatigil sila sa pangbubully kay Cyres. Ang nagagawa ko lang ay ang maging iba sa mga nambubully sa kanya, ang samahan sya, patahanin, patahanin at kaibiganin. Iyon lang. Pakiramdam ko ay hindi sapat.
Naabala ang pag iisip ko sa eksena sa harap. It was Cyres standing in front of our teacher. Napapikit ako. Alam kong apektado sya sa activity.
She put her blank paper on the table. Nakatalikod sya pero alam ko kung gano kalungkot ang mga mata nya. I know she's about to cry kahit hindi ko iyon nakikita, halata naman sa boses nya and it made me sad.
May sinabi sya kay Ma'am. Pagkatapos ay lumabas na ito. Kita ko ang pagka bigla sa itsura ng teacher namin pero wala pa rin itong nagawa para pigilan syang lumabas. Binilisan ko nalang ang ginagawa ko. I'm planning to follow her. Wherever she is...
Ako ang unang nakatapos sa activity. Hindi naman ito bago. Ang bago lang ay yung pagkapasa ko ng papel ko ay lumabas na din ako. Dinig ko ang tawag ng ilan sa akin. Pero hindi ko sila pinansin.
YOU ARE READING
At the end of the Day [COMPLETED]
Storie brevi"Breaking my bones can heal, breaking my heart cannot... The wounds in my heart leaves a scar.... a scar that last until the day I die."