Chapter One : Thank you

4 1 0
                                    

Death Pov.

Nasa campus ako ngayon, pani -bagong araw, pani-bagong bully nanaman sa mga senior high sa campus. Lagi namang ganto eh, hindi sila nag sasawa. Ano kayang itatapon nila sa uniform ko? Milk? Water? huhulaan kona ngayon para handa ako. Habang nag lalakad ako sa hallway ay walang sumalubong sa akin na senior high para i bully nanaman. Sinilip ko ang principal office ng walang dahilan. Pumasok ako rito at nakita ko ang senior high.

"Grade 9 palang ang binubully nyo boys! Wala ba kayong respeto sa babae?"pasigaw na tanong ni principal. Lumabas ako at agad na tumakbo papunta sa classroom, lahat  sa hallway ay nag tatawanan dahil habang tumatakbo ako ay umaalog ang mga bilbil ko. Nakarating ako sa classroom at hindi pa naman sila nag uumpisa, lagi nila akong hinihintay dahil ako lang ang laging late sa classroom. Umupo na ako sa tabi ng isang lalaki, hindi ko alam kung sino sya. Umupo na sila sa mga upuan nila at nag simula na si ma'am.

"Meron tayong bagong kaklase, sya si Radon Crawford"tinuro ni ma'am ang katabi ko at agad namang tumayo ito. Hindi agad ito naka tayo dahil sa taba ko kaya tumayo ako at ganon din sya.

"Bakit Death?"tanong ni ma'am dahil tumayo ako. Tumingin silang lahat sa akin.

"Ma'am kase nahihirapan si Radon sa pag tayo"tumawa ang mga kaklase ko ganon din ako. Tinapik ni Radon yung braso ko at tumingin ako sa kanya.

"Pwede kana umupo"saad nya sakin at ngumiti, sumunod ako sa kanya at umupo.

"Ako po si Radon Crawford, 14 yrs old"pag papakilala ni Radon kay ma'am at sa amin. Umupo ito sa upuan nya at kumasya sya dahil payat naman sya.

Natapos ang pag tuturo ni ma'am at pumunta nako sa canteen. Wala akong kaybigan kaya ako langing mag isa ang pumupunta doon para kumain ng lunch. Umupo na ako sa bench at nagulat ako dahil umupo rin si Radon sa tabi ko. Habang umuupo sya pinag mamasdan ko ang mukha nya. Ang gwapo nga pala sa malapitan.

"Kakain ako ng lunch with you ha"saad nya at pumayag nalamang ako. Siguro dahil wala syang mga kaybigan.

"Hoy taba!"sigaw sa akin ng mga senior high. Handa nako sa mga ganto.

"Ikaw yung nag sumbong noh?!"tanong nila sa akin

"Alam ko naman na hindi kayo maniniwala kapag sinabi kong hindi diba"saad ko sa kanila at lalong nagalit ang mga senior high. Sasampalin na nila ako at handang handa nakong masaktan. Pero nag taka ako bakit walabg sumampal sa akin. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Radon na pinigilan nya ang mga senior high.

"Ako ang nag sumbong"saad nya dito. Sinipa ng mga senior high si Radon at binuhusan ng tubig. Umalis na ang mga senior high kaya inalalayan ko sya na pumunta sa cr. Nasa cr na kami at nag hihintay lamang ako sa kanya. Lumabas na ito na naka suot ng hoodie ko. Malaki ito pero bagay naman sa kanya.

"Sorry ah"pag papaumanhin ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin. Sumdal ito aa pader at nagulat ako dahil malapit na ang mga mukha namin.

"Hindi naman kase talaga ako yung nag sumbong, nakita ko na ang mga kaklase mo ang nag sumbong"nagulat ako sa sinabi nito. Akala ko sya na talaga ang nag sumbong. "Eh bakit mo sinabi na ikaw yon?" ngumiti ito at lumapit pa ng kaunti. "Para hindi ikaw yung masaktan" saad nito sa akin at pinitik ang noo ko. Iniwan ako ng naka tunganga dito.

Pumasok nako sa classroom at nandon sya. Pinapatuyo nya ang buhok nya. Nahihiya ako pero kaylangan ko sya bigyan ng towel. Pinuntahan ko sya at binigay ang towel. Nagulat ito at tinanggap nalang yung towel. "Thank you Radon" lumabas agad ako sa classroom.

Radon Pov.

Lumabas na si Death sa classroom at ako nalang ang naiwan. Binuklat ko ang towel at akala ko ay walang laman. May nahulog na letter dito. Kinuha ko iyon at binasa.

"hi ma, kamusta ka ngayon sa heaven? Siguro wala kang sakit ngayon. Ayoko talagang maranasan mo ang cancer. Wag ka mag alala sakin ma ha, mag enjoy ka dyan with god. Alam ko na balang araw hindi nako mabubully ng mga senior high. Gusto kong pumayat pero hindi ko alam kung pano sisimulan. Basta mag enjoy ka ma ha, I love you mama"

ngumiti ako dahil sa sinulat nya. Talaga palang good girl sya. Naisipan ko na balang araw tutulungan ko syang mag papayat para hindi na sya ma bully ng senior high. Nag si malikan na ang mga kaklase ko at agad na tinago ang letter at pinatuyo na ang buhok ko.

"Anong ng yari sayo?"tanong ng isang babae sa akin.

"Pinag tanggol si Death, kaya ayan na buhusan ako ng tubig ng senior high"nag sitawanan sila at ganon rin sa ma'am. Hinihintay namin si Death kaya nag kwentuhan muna kami ng mga kaklase ko. Maya maya ay dumating na sya at nag simula na nag klase. Tiningnan ko sya at malungkot ito. Ang lungkot naman ng baboy.

Piggy Show(Uncompleted)Where stories live. Discover now