Death Pov.
Dapat di ako lumalaban sa mga senior high eh. Isang araw lumaban ako at sa huli ako parin ang talo. Nasa gym ako ngayon para simulan ang first day ng pag papayat ko. Medyo mahirap dahil first day ko palang. Lahat ng nasa gym ay sinubukan ko at talagang mahirap iyon.
"Kaya mo pa ba taba?"tanong sa akin ng bata sa tabi ko. Ngumuti ako sa kanya at hindi na sumagot. Hindi kona kaya pero go lang. Ilang oras ay tinigil kona, pag uwi ko sa bahay ay ang daming hinanda ni papa na ulam. Kahit ayoko ay kinain ko parin iyon. Kaylangan ko ng tutulong sa akin para pumayat.
"Papa, may kilala kabang tutulong sakin na pumayat ako"ngumiti ito at di ako pinansin. Siguro ayaw nya na pumayat ako noh. Pumunta ako sa school at nanditon ako sa hallway at wala nanaman ang mga senior high. Sinalubong ako ni Radon. "May itatanong ako sayo taba" nag taka ako dito dahil inakbayan nya ako.
"Ano?"tipid kong sagot sa kanya. "Tulungan kaya kita mag papayat?" Tanong nya sakin at naging masaya ako rito. "Talaga?"saad ko sa kanya. Pumayag ako at tumakbo kami paountang classroom. Tumingin sa amin sila ma'am. "Ngayon kayo naman ang late" tumawa ang mga kaklase ko at si ma'am at umupo na kami sa upuan namin. Ilang oras ay natapos na rin. Hinawakan ni Radon yung kamay ko at tumatakbo kami papunta sa english building.
"Ano gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya. "Aakyat at baba tayo sa hagdan nato, wag kang kumain ngayong lunch mamaya kana kumain. At dapat ang pag kain mo ay konti lang"saad nito sa akin. Sinunod ko nalang sya at naka sampung pabalik pabalik ako sa baba at taas. Agad na tumakbo kami sa classroom. Binigay nya sakin yung towel na bigay ko sa kanya. Ang bango ng towel ko.
"Okay class may p.e tayo ngayon. Radon ikaw kay Death"saad ni ma'am. Parang pinag planunan ah. "Pumunta kami sa court ni Radon at tumakbo paikot sa court. Medyo nakaka pagod dahil malawak ito. "Kaya mo pa yan taba!" Sigaw ni Radon sa akin. Biglang dumating ang mga senior high at may dala nanamang tubig. Malas wala akong dalang hoodie. "Akala mo nakakalimutan namin yung ginawa mo samin ha"pag susungin ng isa rito. Sasampalin na sana ako nito pero napigilan ng kamay ko ang kamay nya na sasaktan ang mukha ko. "Gaga kaba?!"sigaw nito sa akin. Alam kong hindi tutulungan ng ibang kasama nyang mga senior high kaya nag lakas nako na sampalin sya. Mabigat ang kamay ko kaya masakit iyon. Sinampal ko pa ito. "Mamaya ka lang gate"saad nito at umalis na.
"Wow ang galing mo taba"saad ni Radon sa akin at ngumiti na lamang ako. Tumakbo ulit ako at sa wakas natapos din. Pumunta kami sa classroom at nakita ko silang abalang abala sa pag tatakbo.
Radon Pov.
Alam ko na aabangan sya ng senior high kaya dinala ko sya sa cr ng mga babae. "Bakit?"tanong nya sakin. Binigay ko ang hoodie ko sa kanya at tinulak sya sa loob. Ipag papalit ko sya ng damit para hindi mahalata. Meron din akong taling dala para matali nya ang buhok nya. Lumabas na ito at bahay sakanya. Pumunta ako sa likod nya at tinalian sya. Alam kong nahihiya sya pero ginawa ko parin. Pumunta kami sa classroom at pumunta agad sa upuan namin. Hindi napansin ni ma'am na ganon ang buhok ni Death.
Uwian na kaya pinalagay ko yung bag nya sa unahan. "Bakit ba?"iritang tanong nya pero ginawa rin nya. Nakita namin yung mga senior high kaya natataranta si Death. Inakbayan ko sya at hinawakan ang ulo nya para ipatong sa balikad ko. Naka lagpas kami sa mga senior high kaya binitawan kona sya. "Bakit mo yon ginawa?"tanong nya sakin. "Para di ka awayi ng senior high"
YOU ARE READING
Piggy Show(Uncompleted)
Non-FictionAng matabang si Death ay ililigtas ni Radon sa mga nag tutukso kay Death. Lahat ng dapat na ipag utos ni Radon ay gagawin ni Death. Dalawang buwan ang nakalipas ay pumayat na si Death at umalis si Radon dahil doon. Umiyak at hindi ito kinaya ni Deat...