Chapter Nineteen

12 1 0
                                    

He's Sorry

JENNIE's POV

Wala ng klase kaya naisipan ko ng umuwi may mga kanya kanya pa daw gagawin yung iba kaya nag paalam na lang ako sa kanila nag chat na din ako sa GC namin para alam nila lahat na uuwi na ako di na ako sasabay sa kanila mag lunch sa bahay na lang siguro ako kakain.

Yung mga kaklase ko lang kasi sa squad ang sinabihan ko na uuwi ako kaya para di ako masermonan nila Ate Irene nag chat na din ko sa GC namin na tapos ko na ayusin yung mga gamit ko kaya lumabas na ako ng room sinalpak ko yung airpods ko although wala siyang music bakit? Kasi trip ko lang. As usual pinag uusapan na naman nila ako tss sino nga ba ako sa paningin nila diba? Isang new student na unknown yung identity they know me as Jennie.

Jennie my name that was the only thing they know about me coz i didn't disclose my full name yet coz why not hahaha ganto ba talaga pag bored wala ng naiisip na maayos tas kinakausap ang sarili? Jusko kailangan ko na ata mag patingin sa Psychiatrist baka nababaliw na ako.

"JENNIE!!!" Sigaw ni Kai. Oo si Kai alam kong siya yon boses pa lang niya kilalang kilala ko na pero di ako tumigil para lang hintayin siya no! Bahala siya sa buhay niya peste siya di pa nga siya nag so sorry sa akin eh kaya manigas siya.

"JENNIE!!!!"

"JENNIE!!!!"

"NINI!!"

"JENNIE"

Paulit ulit na sigaw ni Kai pero parang wala akong naririnig dahil tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad naririnig ko din yung mga pinagsasasabi ng mga bitch sa paligid

" Feeling maganda tss"

"Kapal ng mukha pinahahabol si Baby Kai!!"

"Malandi talaga tsk"

"Feeling niya ang ganda ganda niya kapal ng mukha di pansinin si Kai"

"Kaya nga Buenavista na yan umaarte pa"

Ilan lang sa mga naririnig ko na sinasabi ng mga malalanding inggetera na di magawang mahawakan at malapitan sila Kai tsss inirapan ko na lang sila at nag tuloy tuloy sa pag lalakad wala pa din tigil ka ka sigaw si Kai bahala siya ma paos jan!

Nakarating na ako sa Parking lot nasa tapat na ako ng kotse ko binuksan ko na yung pintuan ng may biglang tumulak non pasara tss

"Ano bang problema mo!?" Sabi ko sa kanya ng makaharap ako sa kaniya tinanggal ko yung Airpods ko para kunyare di ko talaga siya naririnig kanina

"Sorry akala ko kasi sinasadya mong di ako pansinin kanina pa kasi ako tawag ng tawag sayo eh ayaw mo tumigil" Sabi niya na medyo hinihingal hingal pa mukhang tumakbo siya para abutan ako.

"Tss anong kailangan mo!?" Sabi ko sa kanya naiinis pa din kasi talaga ako sa kanya eh

"Ah ano kasi uhmm"

"Wag mong sayangin yung oras ko kung may sasabihin ka sabihin mo na agad." Pagtataray ko sa kanya para alam niya na badtrip oa din ako sa kanya

"Sorry na about doon sa nangyare 2 weeks ago." Sabi niya sa akin pinagtaasan ko siya ng kilay

"Yun na yon? May sasabihin ka pa ba?" Sabi ko sa kanya ng walang ka gana gana

"Alam ko mali na sinigawan kita that time. Alam ko na mali na palagi na lang ako nag ta tantrums. Alam ko na naririndi ka na sa akin kaya ganon na lag yung reaction mo last time and i'm sorry kung hindi ko man lang naisip yon at sinigawan ka nalang bigla. Jennie frustrated lang talaga ako non kaya nasigawan kita kaya please sorry na" Sabi ni Kai sa akin halata naman na sincere siya eh

Chasing DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon