Special Chapter

18 1 0
                                    

Mi Casa

RM's POV

Kasalukuyan kaming nag hahanda ng barkada si Chelle my loves , Irene at IU lang ang wala ngayon dito dapat talaga nandito yung dalawa kaso nag pa iwan na lang sila dahil talaga namang mabilis makiramdam yung girlfriend ko sa tuwing may ganap kaya hirap na hirap talaga akong supresahin yon eh pero umaasa ako ngayon na sana maging successful tong surprise na to dahil sobrang importante nito.

"Hoyyyy!! RM kinakabahan ka na ba di ka na mapakali jan baka makasira ka pa jan ha masayang effort namin!" Sambit ni Hobi palagi na lang kasi ako may nasisirang kung ano ano pati ako nayayamot na eh.

"Hayaan mo na lang yan si RM lalong kakabahan yan sa ginagawa mo eh. " Pag saway ni Jin kay Hobi

"Wag ka mag pa ikot ikot jan nahihilo ako." Sabi naman ni Suga na nasa harapan ko kanina pa.

"Umalis ka jan ng di ka mahilo tatamad tamad ka na naman jan palibhasa wala si IU." Sambit ni Jin kay Suga sumunod naman agad si Suga at umalis na lang sa pwesto niya kanina.

Ang alam ni Chelle ay may shoot ang ibang girls which is totoo naman pero kahapon pa na tapos yung shoot nila sa beach resort malapit dito nasa Batanes kasi kami sa isla ko lahat kaming mag kakaibigan may sari sariling isla ewan ba namin sa parents namin kung bakit.

Si Chelle ay may mga inaasikaso sa company nila kaya sigurado akong stress na stress yon at wala sa isip niya na may ganito akong hinanda anniversary kasi namin at may isa pa akong hinandang surpresa sa kanya. Si IU at Irene ay may kani kanilang inaayos din sa mga negosyo ng pamilya nila kaya na din talagang nag pa iwan sila ang alam ni Chelle ay may iba't ibang importanteng lakad ang mga lalake sa squad planado talaga ito lahat kaya dapat lang na maging successful to.

Bali yung set up namin ay nag lagay kami ng mini stage tapos doon na kalagay yung table at chairs para sa dalawa nilagyan namin siya ng pa tent na style kawayan siya actually nilagyan namin ng curtains at fairy lights or christmas lights na na kaikot sa kawayan madami ding mga scented candle na nakalagay sa mga lamps may mga torches din sa paligid and mga roses petals na na ka scattered sana lang ma gustuhan niya to ang daming roses petals na kinailangan kasi kanina nag lagay agad kami nawala sa isip namin na nahangin kaya halos nililipad siya mas lalo tuloy nag scattered mamaya na lang ulit kami mag lalagay kapag nakarating na sila.

"Ayan na handang handa na lahat RM ikaw handa ka na ba?" Tanong ni Hobi sa akin.

"Handa naman ako pero kinakabahan lang talaga ako." Sabi ko sa kanya.

"Kaya mo yan Oo naman sagot ni Chelle panigurado atsaka nandito lang kami." Sambit ni Hobi.

"Salamat ha kasi tinulungan niyo ako." Sabi ko sa kanya

"Walang ano man yon maliit na bagay lang to tara na muna sa loob ang init pa dito." Sabi pa ni Hobi kaya pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Ano na RM kabadong kabado ka halatang halata eh." Sabi ni Jin sa akin

"Kinakabahan kasi talaga ako di ako ma pakali." Sabi ko sa kanya.

"Para kang tanga jan wag ka ngang kabahan sigurado naman na magugustuhan ni Chelle yung hinanda mo pinaghirapan natin yan eh." Sabi pa niya pinalalakas nila talaga yung loob ko sana lang di ako kabahan ng sobra mamaya para ma itawid ko tong surprise na to.

"Oo nga Kuya RM kaya mo yan nandito lang kami." Sabi naman ni Lisa

"Magiging intense ng sobra yung proposal mo sure na di makakalimutan ni Ate Chelle to hahahaha." Tuwang tuwa na sabi ni V mga naiisip kasi nila wag lang sana magalit yon mamaya kung hindi kaltok abot nila sa akin.

Chasing DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon